C H A P T E R 5 3

289 9 0
                                    

Jarred's POV

Pagka-alis namin ni Jennifer sa hospital. Dumeretso kaming dalawa sa kulungan para puntahan si Samantha. Pagkakita palang namin sa kanya, kumuway siya samin. Hindi naman namin alam kung bakit.

Pagupo namin sa lamesa dun sa mga puntahan ng dumadalaw, kinausap na kami agad ni Samantha.

" K-kamusta si Paul? O-okay lang ba siya? Di ko naman siya napuruhan diba? " sambit niya na parang bang nag - aalala talaga siya kay Paul.

" Nakuha mo pang mag-alala pagkatapos mong gawin samin ang mga bagay na iyon. Sa tingin mo ba ganun ganun na lang? " inis na sabi ko.

" Oo alam kong kasalanan kong lahat. Kaya nga ko nasa kulungan na diba? Inaalala ko lang naman kalagayan ni Paul, bakit hindi nalang iyon ang sagutin niyo? "

Napatahimik nalang kami. Tunay ngang nag - aalala siya. Ang alam ko, mukang pera si Samantha at alam ko rin na pera din ang habol niya kay Paul, pero bakit ganito. Kita sa mga mata niya ang pagsisisi at pagmamahal niya kay Paul.

" Maayos siyang dinala sa hospital after the incident na ginawa mo. Masasabi naming maayos na din ang kalagayan niya ngayon pero kapag nagpatuloy ito, dadalhin sita sa Rehabilitation para magamot. " maayos na pagsasalaysay ni Jennifer kay Samantha.

" M-mabuti naman " sagot niya.

" Wala kabang sasabihin samin? Sa mga ginawa mo samin, wala kabang masasabi? Hindi ka ba hihingi ng patawad sa mga ginawa mo? " inis kong sambit kasi parang wala lang sa kanya ang mga nangyari noong nasa insidente kami.

" Sorry. Patawad. Masaya ka na? " pagtataray niya.

" Nakukuha mo pang mag-taray samin? Alam mo dapat lang talaga sa iyo yan! Habang buhay kana sana dito sa kulungan nato. Yung sakit na binigay mo samin, wala lang sa iyo? " Sambit ko na habang pinipigilan ko ang galit ko.

" Oo kasalanan kong lahaaat. Pero hindi naman sana mapupunta sa alanganin si Paul kung hindi niya ipinagtanggol ang babaeng ito! Alam mo Jennifer at Jarred. Umalis na kayo! Ayoko kayong makita. Habang buhay na pagkakakulong? Wala akong pakealam. Lubayan niyo na ako! " inis niyang sabi at naiyak na lamang sa galit.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now