C H A P T E R 3 2

426 20 0
                                    

Jennifer's POV


Ang tanga ko rin noh? Bakit ko nga ba naisipan makitira kala Jarred? Di ko naman sila kaano ano. Hayss.

Bat ba tumutulo tong luha ko? Geez

Napunta ako sa isang Park kung saan, dito ko nakita yun araw na umalis si Paul na kasama ang Samantha na iyon. Bat tuwing nalulungkot ako, napapadpad ako dito? Sad Hangout ba dito? Hahahaha :')

Nakasando lang ako at grabe. Bang lamig talaga. Well wala akong magagawa kundi yakapin na lang sarili ko. Alangang bumalik ako dun. Pa-eksena lang.

Dapat, kung nabibigatan na siya sakin. Sinabi na niya nung una pa lang. Hindi ito, akala ko pa naman, okay sa kanya na nandon ako tapos ngayon hindi pala.

Haysss /yakap sa sarili/ Iisa na lang talaga ako sa mundo. Nag iisa!

" ALOOOOONE " sigaw ko dun sabay yakap ulit sa sarili. Wala namang nakakarinig kasi walang tao sa paligid.

Napatingin ako sa langit. Buti pa ang mga bituin, di nagiisa. Eh ako? Wala na nga atang nag aalala sakin :') Tss. Ang emo ko ngayon. Di bagay sa image ko yuck!

Habang nakatingin ako sa langit. Nabigla na lang ako nang may nagsuot ng jacket sakin.

Napatingin naman ako kung sino.

" K-klyde? "

" Yeah. Ako si Klyde! Ang gwapong naglagay ng Jacket sayo! " tas ngumit siya.

" Baliw " sabay punas ko agad ng luha ko.

" Oo, Baliw sayo " sabay upo niya sa tabi ko at nagpacute.

" Wag ka ngang ganyan! " at napangiti nalang ako.

Kaso napatigil ako nang magseryoso ang mukha niya.
Bigla na lang niya hinawakan ang mukha ko at pinunasan ito.
May luha parin pala kahit napunasan ko na, hindi ko alam.

" Sino nambuhos ng tubig sa mata mo? Sasapakin ko. " pagsasalita niya pa rin ng seryoso. May halo mang biro pero, nangingibabaw yun pagtatanong niya.

" Hmm. Ako lang bakit? " sagot ko.

" Tsk tsk. Dapat tinawag mo ko para sana, buong mukha mo nilagyan ko " at pinupunasan niya pa rin ito.

" Hayss, Para kang mushroom Klyde! " sambit ko

" Lah? Bakit naman? " sabay tanggal niya ng mga puting cutics sa ulo ko. Pati ba naman yun, nakita niya.

" Bigla bigla ka na lang kasing sumusulpot. In times na need ko ng tulong "

Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.

" Kaya nga ako Knight and Shining Armor mo. Prince Charming pa. " sabay ngiti niya.

" Hahaha. Ganon ba yon? "

" Oo. Kaya sana, sa susunod na may naglagay ulit ng tubig sa mga mata mo. Pwede kang lumapit sakin at ako magpupunas nito " at tumingin siya sa langit.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now