C H A P T E R 1 2

514 20 0
                                    

Jarred's POV

" Kilala mo si Jennifer? Paano mo siya nakilala? Paano? "

" Tigilan mo nga ko! " at umupo na siya.

Nasa cafeteria na kami ngayon ni Mark dahil break time na.
Kinukulit ko talaga siya kasi nakakapagtaka lang at nagkakausap sila kanina. Ano bang connection nila ni Jennifer?

Pagkaupo niya, umupo na rin ako at pinukpok ang lamesa.

" /blag/ sagutin mo naman yun tanong ko! " galit kong sabi. Hindi ko din alam kung bakit ganto ako. Naiinis ba ako? Pero bakit naman ako naiinis? Anong pake ko sa relasyon nila? Kung meron man. Hays

" Tsk. Hindi ba pwedeng kamustahin mo muna ako bago tanungin yun tungkol kay Jennifer " inis niyang sabi.

" Alam ko naman na maayos ka. Kaya yun tanong ko sagutin mo! Paano kayo nagkakilala ni Jennifer? Mag kaibigan kayo? O kaya.. EX MO SIYA? " teka? Ba-bakit ko ito natanong? So parang inaamin ko na rin na naiinis ako dahil baka nga may relasyon sila? O baka curious lang ako.

Sa pagsabi ko nun, painom na siya ng tubig ng maubo siya.

" Ano bang pinagsasabi mo? Teka! Ikaw din. Tatanungin ko! Paano mo nakilala si Jennifer? "

" Girlfriend ko siya " mabilis kong sagot.

Nagulat naman siya sa sagot ko. Nagdududa talaga ako kung bakit kilala niya ang babaeng yun.

" Haayss. So ngayon, nagtatanong ka o kaya nag tataka kung bakit kilala ko si Jennifer? Bakit? Nagseselos ka ba-- "

" HINDI AH. Bakit ako magseselos? E fake lang naman kami. "

Nabigla nalang ako sa sinabi ko. Hays, pati tuloy si Mark alam na yung tungkol sa amin.
Pasubo na sana siya ng pagkain niya ng marinig niya ang sinabi ko at saka ako tiningnan, hindi na tinuloy ang kanyang pagkain at saka ako tinanong.

" FAKE? "

" Oo. Ginawa lang naman to para hindi ako ireto sa ibang babae "

" E nasan na si Samantha? " natanong niya na ako naman ay bigla na lamang napatahimik. Pero maya maya ay sinagot ko din ang kanyang tanong.

" Wala na kami "

Hindi na lang din siya nagsalita. Nanahimik na lang din at parang dinamayan ako sa hindi ko din pagsasalita. Maya maya naman ay, tinanong ko na ulit kung anong meron sa kanila ni Jennifer? Bakit sila magkakilala?

" Kayo ni Jennifer? Ano bang mayroon sa inyo? "

" Pinsan " tipid niyang sagot.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now