C H A P T E R 3 4

422 21 0
                                    

Cazene's POV


*FLASHBACK

" Oh? San ka pupunta? "

Pagkatapos ko kasi siyang sermonan, tinalikuran niya na ako at balak nang lumabas. Pero tumigil naman siya nung nagsalita ako. Lumingon lang siya sakin at tumakbo na palayo.

Napansin ko na lumabas lang siya ng wala man lang sweater. Malamig pa naman sa labas.

Hindi sa nag aalala ako. Pero, ako naman mapapagalitan nila Mom kung hahayaan ko yun hanapin ang girlfriend niya kuno.

Sinundan ko na lang ito.

***

Nakasakay ako sa kotse, at sinimulan tong paandarin.

Sinundan ko lang siya kung saan siya pupunta.

Hindi naman niya napapansin na may kotse na sumusunod sa kanya.

Pinark ko na lang sa isang gilid nang makita ko siyang papunta sa isang Park.

Sinundan ko ito.

Nang makita ko siya nagtatago sa isanh gilid, nagtaka ako.

Bakit siya nandon? Anong ginagawa niya?

Mga ilang minuto siyang nandon. Maya maya ay tumakbo na siya kung saan.

Sinundan ko to at napatigil ako nang maupo siya don at tumungo . Problema non?

Lalapitan ko na sana ng makita kong may lumapit sa kanya.

Kahit madilim ang paligid, kitang kita ko na si Jennifer yun lumapit kay Jarred.

Pinagmasdan ko lang sila.

Nabigla ako nang yakapin ni Jarred si Jennifer.

Teka? Anong meron?

Hindi ko masyado naririnig yun convo pero isang word lang ang nahagip ng tenga ko.

" Sorry. "

Sorry? Bakit siya nag sosorry?

Hindi ko masyado nakasama si Jarred nang mga ilang taon pero isa lang nasisiguro kong ugali niya. Ang hindi magsorry! Unless  -- MAY NAMAMAGITAN NA BA SA KANILA?

Kanina pa lang, sinisisi niya ko. Sinasabi niya na ako ang may kasalanan pero bat ngayon, nagiiba ang ihip ng hangin. Bakit inaako niya?

Matagal silang magkayakap sa isa't isa.

Maya maya ay napansin kong bumabagsak ang ulo ni Jarred sa balikat ni Jennifer.

Nawalan ng malay?

" Tulong! Tulong! "

Nilapitan ko na sila agad. Hinubad ko ang jacket ko at pinasuot ko kaagad eto. Binuhat na naming dalawa si Jarred at pumunta na sa kotse ko.

Alam kong nagtataka si Jennifer kung paano ako napunta don pero di na lang niya pinansin yon at mas inalala niya si Jarred. Talaga bang fake lang sila? :/

end.of.flashback

***

Habang inaalala ko ang mga pangyayari kanina. Hindi ko maiwasang isipin o tanungin sa sarili ko, WALA NGA BANG NAMAMAGITAN SA KANILA? O pareho silang nagtataguan taguan ng feelings.

Nagdecide akong tumagal muna si Jennifer dito para malaman kung ano nga talaga ang feelings ni Jarred para sa kanya.

Kinaumagahan* Saturday 5:23

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now