C H A P T E R 4 0

488 25 6
                                    

Jarred's POV

Alas syete na ng gabi. 8 hours na ko Nandito sa park. Pero heto, Naghihintay pa rin sa kanya.

Gutom na gutom na ko tapos nilalamig na din. Tanging tubig lang yung iniinom ko para iwas uhaw. Pero kaya ko to. Hihintayin ko siya kahit maghating gabi.

Kinuha ko ang phone ko at pinipilit paring tawagan siya pero cannot be reach pa rin.

Hindi niya pa ba nakikita yun text ko o ayaw niya lang talagang pumunta.

Mga ilang segundo, minuto, oras na ang nabibilang ko pero lalo lang lumalalim yun gabi, wala pa rin siya.

9:00 andito pa rin ako. Nakaupo.
Kung sana kasi may lakas loob ako, nasabi ko na sana sa kanya.
Di na sana umabot sa ganito.

Pero, ano namang dahilan niya para umalis? Hindi ko namn siya pinagtabuyan? Hindi naman siguro ginawa ni Cazene ang palayasin si Jennifer.

Merong taong nagtulak sa kanya para gawin ang bagay na to pero sino?

Ilang oras pa ang nakakalipas, mulat ang mata ko pero wala pa rin akong makitang Jennifer.

Sinisipon na ko sa lamig pero ayoko namang umalis dito. Hihintayin ko siya. At hihintayin.

Napatingin naman ako sa may gilid nang makita kong may babaeng nakaheadphones at nakamask na dumadating papunta sa kinauupuan ko. Teka, si Cazene?

Nang makalapit na siya sakin, nilagyan niya ako ng jacket at saka naupo sa tabi ko.

Tinanggal niya muna ang mask niya at headphones saka nagsalita.

" Umuwi na tayo. Hindi na siya darating " sambit niya ng may nakakalungkot na tono.

" Okay lang ako dito. Umuwi ka na, hihintayin ko siya. "

" Hayss. Mahal mo na siya noh? " napatanong niya.

Napayuko naman ako.

" Bakit hindi mo agad sinabi? " tanong niya uli.

" Hindi ko alam Cazene. Hindi ko alam "

Nakakabakla na potek. Parang maluluha na ko anytime. Nararanasan ko yun sakit na naramdaman ko nung iniwan ako ni Samantha.

Napagitla naman ako ng itap ni Cazene ang likod ko.

" Di ko alam kung paano magcomfort pero, darating yun araw na para sa inyong dalawa "

" Sana nga. "

***

Ala-una na pero andito pa rin ako kasama si Cazene. Nagusap usap lang kami ng kahit anong topic para di naman kami mainip.

Kaso, nanadya talaga ang langit.

" Oh! Umuulan Jarred. Tara na, papasok naman siguro mamayang school time si Jennifer "

" Pero nagtext ako sa kanya-- "

" Anong gusto mo? Magkasakit? Tara na "


MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora