C H A P T E R 4 9

360 18 1
                                    

Jennifer's Pov


Nagkaroon na lang ako ng malay ng may narinig akong pag bagsak.
Hindi ko alam kung anong meron pero ang alam ko, nasa panganib ako.

Wala akong nakikitang kahit ano. Maski liwanag.
Dahilan nito sa pagkakaroon ko ng piring sa mata na nilagay ng mga dumukot sakin upang di ko sila makita.
Imbes na magsisigaw ako sa iyak at sobrang pagkatakot. Mas pinakita kong matapang ako na wala akong kinatatakutan maski sila.

" Mga walang hiya kayo! Mga duwag! Kung di bahag ang mga buntot niyo, bakit di niyo tanggalin tong piring nato at magpakita kayo sakin bit*hessss!!!! " galit kong sigaw.

Walang nagresponse sa pagsigaw ko. Katahimikan lang ang lumalaganap sa paligid. Tanginh boses ko lang at kalampag ng upuan kung saan ako nakatali ngayon.

Nabigla na lang ako ng may bumangga ring upuan sa aking likod. At naramdaman ko na may isa pang taong naitali sa likod ko. Nakaramdam nanaman ako ng takot at pangamba. Bukod sakin, may isa pa silang taong dinukot. Sino ito?

Di ko na lamang pinansin at sumigaw na lang uli ako.
" Ano bang kailangan niyo sakin? Bakit hindi kayo magpakita? " at panay kalampag na ng upuan sa kakasigaw ko dahil  sa force na nailalabas ko sa sobrang galit at nervous.

" Ano baaaa??!! Bat hindi kayo magpakita sakin? Mga walang hiya kayo. PAKAWALAN NIYO KOOOO " galit ko uling sigaw.

Susundan ko na ulit sana ito ng bigla may sumampal sakin ng napakalakas. Ramdam ko ang kuko niya kung saan, naidampi niya ito sa pisngi.

Hindi ako nagpatinag at sumigaw na muli ako.

" Sino ka? Anong kailangan mo sakin?? MAGSALITA K--- "

Di ko pa tapos yun sinasabi ko at sinampal nanaman niya ako sa kabila.

" Can you please shut up? Sakit mo sa ears " at naramdaman kong lumayo siya sakin ng maikli.

Boses palang. Alam ko na..

" Samantha?-- "

" Yes. I AM SAMANTHA. Now what? " putol niya sa pagsasalita ko.

" Ang kapal ng mukha mo. Ano bang kailangan mo sakin? "

Pagkasabi ko nun. Nabigla na lang ako ng tanggalin niya yun piring ko sa mata.

At nakita ko ang itsura niya. Black hat, black dress, black lipstick, black cutics, black aura. All BLACK!

" Kailangan ko? Ang pera niyo. " sabay kuha niya ng lipstick at salamin sa shoulder bag niya at nag lipstick sa harapan ko.

" What? Hanggang ngayon, pera pa rin ang nasa isip mo? Kinuha mo na sakin si Paul. Nawalan na ng tiwala ang mga magulang ko sakin. Naghihirap na ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari sakin. IKAW? PERA PA RIN ANG PROBLEMA MO?--- "

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now