C H A P T E R 3 8

435 21 3
                                    

Jennifer's POV


Di ko na alam kung saan ako pupunta. Di ko naman alam ang pasikot sikot dito.

Napasakay na lang ako ng Bus.
Ordinary na lang ang sinakyan ko kasi pag sa aircon pa, mahal. Wala na kong budget.

Napasandal ang ulo ko sa bintana.
Tumingin sa mga nadadaanang gusali, kotse at mga tao.

Haaay, ano na bang gagawin ko? Ano yung sunod na step na gagawin ko?

Nang magstop ang bus, bumaba na lang din ako.
Nagsimula nang maghanap ng dorm na malapit lang sa school.

Kaso lahat nang napupuntahan ko, wala ng room o di kaya, mahal ang kada buwan sa kanila.

Hindi naman ako pwede magtira dito sa kalye. Hindi sa nagiinarte nanaman ako, iba kasi ang labas. Maraming masasamang loob kapag gabi. Natrauma na kung nakaraan na nangyari. Buti noon, nanjan si Jarred na magtatanggol sakin. Pero ngayon, magisa na lang uli ako.

Naghanap pa ko kung saan saan. Nagsearch na ko sa google na mga available dorms dito sa lugar pero wala na talaga.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa isang restaurant.

Nagugutom na ko at nauuhaw. Sabay pa ng antok at sakit ng ulo.

Paano kung bumili na muna ako ng makakain?
Kaso, di talaga sapat ang tatlong libo.
Di pa ko nakakakuha ng dorm.

/hawak sa tiyan/ Aishhh. Nag aaway na yun mga bulate ko. Kaasar

Napatingin naman ako sa may sidewalk. Fishballs?.

Sabi nila Mom at Dad, madumi daw ang mga streets foods. Kaya never  pa ko nakakain niyan. Kahit isa.

" Hayss, madumi yan. Baka magka- diarrhea pa ko " at aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng tumunog nanaman uli ang tiyan ko. Aishhhhh

" No choice "

Kinuha ko na ang wallet ko at kumuha ng barya.

Pumunta na ko sa dun sa manong fishball.

" Hmm. Manong, pabili po. Magkano po ba? " at tinitingnan ko yun kawali na may maraming mantika.

" Isang piso, dalawang piraso Ma'am "

Taray. Dalawang fishball sa one peso? Ang mura. So ganun ba pag madumi? Mura?

" Uhmm. Sige po, 10 pesos "

Binigay ko na yun bayad. Siya na ang kumuha ng baso at isang stick.
Tinusok tusok niya sa fishball, Kumuha na siya at nilagay ito.

" Ano pong sauce? Matamis, Maanghang o suka? "

" Yun, matamis na lang "

Nilagyan niya na ito at binigay sakin.

For the sake of my tummy. Kakainin ko na to.

/subo/ /nguya/

Omaygaaaas! Ang sarap *-*
Eto ba yun sinasabi nila Mom at Dad na madumi? Tss. Puro wrong info sinasabi nila sakin.

Di ko na namalayan na naubos na yun nasa baso.

" Hmm. Kuya, another 10 pesos pa nga po "

***

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon