C H A P T E R 3 7

430 22 3
                                    

Still Jennifer's POV


Pagpasok ko pa lang ng bahay, pinuntahan ko na agad si Manang at tinanong kung may susi ba dun sa guest room kasi kanina pa nakalock yun dahilan ng si Cazene ay ayaw magpa istorbo. Pero kailangan ko nang pumasok don.

" Meron iha kaso wag mo munang istorbohin si Cazene-- Sandali, bat ka umiiyak? "

Nakapa ko naman ang mukha ko, basa pa rin pala to. Pinunasan ko na agad at nagpalusot na lang na ito ay dahilan sa puwing sa mata.

Hindi ko na muna inistorbi si Cazene doon gaya nga ng sabi ni Manang.

Mga ilang oras ang lumipas, walang bumaba mula sa mga kwarto nila para kumain ng pagkain para sa dinner.

9:00
10:00
11:00
12:00

Nandito pa rin ako sa Sofa sa may sala. Tulog na sila Manang at tahimik na ang buong paligid sa bahay.

Pero bago natulog si Manang, binigay niya ang susi sakin.

Pinapalipas ko na muna ang oras para kapag nag impake ako, tulog sila.

Nilibot ng mata ko ang paligid. Mamimiss ko din tong bahay nila. Maraming nakakalokang pangyayari dito. Pero sa totoo lang, naging masaya ako.

Mga ilang minuto na ang nakalipas at nag decide na rin akong umakyat.

Pagpasok ko sa Guest room. Nakita ko si Cazene na natutulog. Naka agaw pansin naman sakin ang laruang singsing sa kamay niya. Bat siya meron neto?
Napatingin ako sa mata niya, medyo maga at parang galing sa iyak.
Nagkalat ang mga tissue sa sahig. Yun iba lukot lukot at iba ay basa at parang ipinunas sa luha.

Bakit naman siya umiyak?

Gusto ko siyang icomfort pero wala ako sa lugar para gawin yon. Sa ngayon, ay kailangan ko nang mag impake para makaalis na ko bukas na bukas din.

Habang ako ay nag iimpake, tumutulo ang luha ko na hindi ko malaman kung bakit.

Siguro ay nalulungkot pa rin ako at nasasaktan sa mga sinabi ni Hazel kanina.

Nilagay ko na ang damit ko sa Maleta ko. Nilagay ang mga gamit ko. Sinarado ito at ipinunta sa isang gilid.

Nahiga na ako. Umidlip.

***


Alas tres na nang madaling araw at naisipan ko nang mag ayos.

Chineck ko ang wallet ko. May laman pa namang tatlong libo. Makakapagdorm pa ako.

Nilagay ko na rin to sa Maleta ko. Cellphone, charger at powerbank ay nakalagay na rin.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Naka blue plain tshirt lang ako at rip jeans. Medyas na puti at rubber shoes. Handang handa na ako sa pag alis.

Nagpulbo na rin ako para naman ang magang mata ko ay matakpan.

Hihilahin ko na sana palabas ang maleta ko nang makakita ako ng papel at ballpen sa lamesa na nasa tabi ng kama ko.

Naupo muna ako sa kama at kinuha ang papel at ballpen.

Siguro, kailangan ko namang makapagpaalam sa kanila kahit sa sulat na lang.

Ginawan ko muna ng letter si Cazene at nilagay ito sa Table niya.

Letter

Cazene, kahit isang araw pa lang tayo nagkakakilala, nakikita ko na isa kang mabuting kaibigan. Pasensya na sa ugali na tinaglay ko. Maraming salamat sa inyong dalawa ni Jarred at hinayaan niyo pa rin ako manatili dito kahit napakasama ng ugali ko. Kung ano man ang iniiyakan mo, sorry kung wala ako para icomfort ka. Wala naman kasi akong karapatan. Isang hamak na fake sister in law mo lang ako. Maraming salamat sa inyo. Im going to say goodbye na. Bye

- Jennifer

Sunod naman ay gumawa ako para kay Manang. Naglagay ako ng letter sa sala kung saan lagi niyang nililinisan.

Pagkatapos ay nakakita pa ko ng isang papel.

Para kay Jarred naman.
Nagsulat na ako pero patuloy pa rin ako sa pagiyak. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit, pinipigilan ako ng sarili ko na huwag umalis pero lumalaban yun isip ko.
Pumunta na ko sa kwarto niya. Hindi ito naka lock kaya nakapasok ako.
Ayun, nakita kong mahimbing siyang natutulog.
Inilagay ko na ang papel sa may lamesa sa gilid.

Naupo muna ako saglit at pinagmasdan siya.

Ilang araw nagbangayan. Ilang araw ding nagkasakitan. Pero nung araw na niyakap mo ko. Yun nililigtas mo ko sa kapahamakan. Lalo rin akong nahuhulog sayo. Hindi ko alam pero sa tuwing naalala ko ang mga araw na yon, natatanong ko sa sarili ko na Bakit! Bakit iba ang nararamdaman ko? Hindi ko maexplain. Talaga bang nahulog na ako sayo? Yun mga sinabi ko bang ' hinding hindi kita mamahalin at magugustuhan, nilunok ko?

Naguguluhan ako sa mga nangyari nitong mga araw pero isa lang masasabi ko. Siguro nga nagugustuhan na kita. Hindi ko masabi sayo pero sa sulat ko na lang dinaan.

Pero hindi dapat. Hindi dapat to nangyari. Ayoko pating mangyari. Kaya tama na tong decision ko na iiwasan na lang kita para ikabubuti nating dalawa.

***

Mga ilang minuto din akong lumuluha. Umalis na rin ako sa kwarto niya. Bumaba na ako habang hila hila ang  maleta.

Paglabas ko ng gate. Napatigil muna ako at napatingin sa bahay nila.

Minsan na kong tumawa, nalungkot, kinilig, nagkasakit at umiyak sa bahay na to. Mukhang hindi na mauulit.

" Mamimiss kita,Bahay ni Jarred. Bye! " at kumaway ako ng parang tanga tsaka umalis na.



Jarred's POV

Sunday 7:31 am

Ayokong magustuhan kita. Kaya ako na lang iiwas.
Salamat at Sorry sa lahat.
Itigil na natin ang pagpapanggap.
Bye

- Jennifer

Nagmadali akong nagbihis at nagmadaling pumunta ng kotse.
Nagmaneho ako at pumunta ako agad sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Pumunta ako sa school pero wala akong nadatnan kundi mga teacher.

Pumunta ako sa bahay nila pero yun Yaya lang ni Jennifer ang nadatnan ko.

Pumunta din ako sa bahay ni Timothy pero mga nanay lang niya ang nakita ko. Kahit si Timothy, wala rin dun.

Tinawagan ko siya para alamin kung kasama ba niya o nakita niya pero hindi daw.

Tinawagan ko na rin si Klyde pero nagulat lang to. Hahanapin na rin niya kung nasan.

Tinawagan ko na rin sila Hazel at Pearl. Baka kasi nakita nila pero hindi rin daw. Naikwento lang sakin ni Hazel na sinabi sa kanya na aalis to.

ANG TANGA KO! ANG TANGA TANGA KO!

Bakit hindi ko siya kinausap. Bakit hindi ko rin sinabi.
Bakit hindi ko pinagtapat.

Ang tanga ko talaga at hinayaan ko pa siya. Pinakawalan ko pa siya.

Isa na lang ang di ko napupuntahan. Ang PARK.

Pinuntahan ko ang Park pero wala siya.

Umupo ako sa mga bench don.
Dinial ko ang contact niya pero cannot be reach.
Tinext ko na lang to.

To: Jennifer

Hihintayin kita dito sa Park. Please pumunta ka.

Sent.

Siguro nga ay umalis na siya.
Bakit hindi ko pa sinabi
Bakit...



end.of.chapter.37

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now