C H A P T E R 1 5

500 26 1
                                    

Jennifer's POV


" Sige. Maiwan ko na kayo " at umalis na yun Mama ni Jarred. Mabait naman siyang tingnan. Feeling ko, mas magugustuhan ko pa siya kaysa kay Mom >.>

Naiwan naman kami dito ni Jarred sa isang kwarto na simple lang. Parang pang guest room lang. Medyo okay naman na sakin to. Wala akong time mag inarte ngayon. Ayokong umuwi sa bahay -_-

" Alis na rin ako-- " aalis na sana si Jarred ng pigilan ko.

" Wait lang. Pwede ba mag ask? " tanong ko.

" Ano naman yun? " tanong niya na may halong inis -_-

" Pwede bang makautang ng 10,000? need ko lang. Babayaran naman kita pag naging top ulit ako at pag nakabalik na ko sa bahay. "

Napatigil naman siya at maya maya..

T U M A W A

Nakisabay na lang din ako and yeah. Tumawa na rin ako.

" Hahaha- Hindi "

" Thank-- WHAT? "

May pera pa nga ako dito pero mukhang kukulangin to. Hays, ganto ba pag naghihirap.

" Kung gusto mo magkaPera. Magtrabaho ka. Magworking student ka. Hindi yun i-aasa mo sakin. Sa akin na nga ang bahay. Sa akin na ang pagkain mo. Pati ba naman financial. Sakin? " pagsusungit niya.

" Please naman Jarred TT " pagmamakaawa ko.

Hindi niya ko pinansin at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto .

" JARRED! PAG DI MO KO BINIGYAN NG 10,000 SASABIHIN KO SA PARENTS MO NA FAKE LANG TAYO-- "

hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang nagbukas ang pinto. Si Jarred bumalik at saka nilapitan ako ng may kinukuha sa bulsa.

Kinuha niya naman ang kamay ko at inalapat ang 10,000 *-*

" Ayan na. Masaya ka na? Tigil mo pang- bablackmail sakin! "

" Oo Jarred! Iloveyou! " at kinuha ko na ang 10,000 at pinasok sa wallet.

" Tss. Pwede na ba kong matulog? " tanong niya ng may inis .

" Opo Mr. McPill *-* " pag papacute ko.

" One more thing.. "

" Ano yun? " tanong ko.

" Matagal na rin kasi hindi nagagamit ang guest room na to. So, ingat ka. Maraming cockroaches na lumilipad sa paligid. Good night. " at sinarado niya na ang pinto.

WHAT? COCKROACHES?

" YUUUUUUCKKKK "  

***

Nakahiga na ko sa kama KO. I mean, sa Kama nila -_-

Di ako komportable. -_-

May Aircon naman so hindi mainit. Ayos lang naman nung concept nung guest room, ayos lang tingnan. Yun Foam naman, malambot ng parang sa Kama ko pero hindi talaga. Parang ayaw tanggapin ng katawan ko ang environment dito kaloka -_-

Sinimulan ko na lamang ang pagpikit ng mata kahit hindi pa ko inaantok.

After 1 hour.

Sumasakit lang ang mata ko sa pilit na tulog.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now