C H A P T E R 4 4

457 15 3
                                    

Cazene's POV

Alam kong, ipupunta ni Jarred si Jennifer sa kung saan. Pero di niya pinaalam sakin na hindi niya ako ihahatid sa school at iiwanan niya ko dito kasama tong lalaking to. Lalaking nagka- amnesia :)

Hindi naman literal na may amnesia siya. Ewan ko ba kung bakit di niya ko maalala. Well, pagkatapos ko umiyak ng umiyak nong nagkulong ako sa kwarto. Dun ko na sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ko iiyak at di ko na rin iisip yun past namin netong si Klyde. Ay! Wala pala kaming past. -_-

Simula nung umalis na sila Jarred sakay ng kotse nila, di na kami nag kibuan ni Klyde. Nakikita ko sa kanya na gusto niyang magsalita pero, nadadala siya ng awkward atmosphere.

Di rin naman siya nakatiis at siya ay nagsalita na.

" Hmm, Cazene diba? Ako pala si Klyde " at saka niya nalahad ang kamay niya.

Nakakapagtaka na pati pangalan ko di niya maalala. Diba kapag nabanggit mo ang isang bagay o pangalan na nakilala mo, maaalala't maaalala mo to pero siya, tss -_- Kilala niya siguro ako bilang CAZ lang at di Cazene. PERO HINDI PA RIN EH. Nabagok ba ulo niya? Naoperahan? Kaya siya ganyan. Di na ko maalala maski si Jarred.

Hays, di ko na nga ito iisipin. Mag momove on na lang ako, tutal matagal na ko nakalimot sa kanya diba? Bwisit kasi oh. Nagpakita pa.

Di ako kumibo sa paglahad ng kamay niya sakin at tumingin lang sa kawalan.
Siya naman, nakataas pa rin ang kamay at gusto pa rin makipagshake hands sakin. Pero nung napansin niya na hindi ko tinatanggap ang pag introduce niya, itiniklop na lang niya ang kamay niya at ipinamulsa to. Narinig ko pa siyang bumulong;

" Sungit "

Di ko na lang yon pinansin at di ko pa rin siya kinikibo. Hays, Anong ganap namin dito? Gusto ko man umalis pero yun paa ko, naka stock lang sa sahig na para bang may hinihintay para lumakad.

Walang pang isang minuto, nagsalita na uli siya. Daldal -_-

" Ano? Ganto na lang tayo dito? Walan kibuan? Walang alisan? Parang kanina lang, ang ingay mo nung kausap mo si Jennifer. Na- aakwardan ka ba sa kagwapuhan-- "

Dun pa lang sa word na kagwapuhan' pinutol ko mga sinasabi niya.

" Diba dapat, maging gentlemen ka sa babae? So ano ba dapat gawin mo? "

" Ano nga ba? " pag mamaang maangan niya.

" Tss " I murmured.

" Ahhh! Gusto mo, ikuha kita na masasakyan? Hmm teka.. " at umalis siya sa tabi ko.

Buti naman at nagets niya. Di ko na matagalan dito eh. Mamaya, makasapak ako ng tao sa sobrang ka-akwardan. Geez.

Natanaw ko naman siya pabalik sa pwesto na kinatatayuan ko. Na may dalang... MOTOR?

" Wag mong sabihin... "

" Oo Cazene. Dito tayo sasakay " at sumakay na siya sa motor na dala niya. WAIT! AYOKO

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon