C H A P T E R 2 7

472 25 7
                                    

Jarred's POV


ANG GULO NA! Wala na kong nagawang tama -___-

Kasalukuyang umuulan sa labas at patuloy sa pag ingay ng langit dahil sa kidlat at kulog.
Humiga na ako sa aking higaan at napag isip isip.
Yun ginagawa ko ba kay Jennifer? Tama? Hmm. Gawain ba yun ng pekeng boyfriend?

Habang nagmumuni muni ako. Nabigla na lang ako ng bigla na lamang kumulog ng malakas at kumidlat sabay pagdilim sa loob ng kwarto ko.
Namatay ang mga ilaw at ngayon, wala na talaga akong masyadong naaaninag.
Umupo ako at kumapa kapa sa drawer ko sa gilid para hanapin yun cellphone.

Kaso.. May nakapa akong..

Ka-kamay?

"PO---"

Napatakbo ako sa may bintana at umupo sa sahig.

" U-UMALIS KA NA! HINDI A-AKO MASARAP! PWEDE PO BA! UMALIS NA KAYO " at nag cross sign finger ako sabay pag ngatog ng aking mga tuhod. Aisssh! Parang akong bakla.

Nabigla naman ako ng magbukas na ang mga ilaw at nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa drawer na nakabalot sa kumot.

Si Jennifer lang pala -_____-

" Pfft- HAHAHAHAHAHAHAHA*ubo*ubo "

" Aissssh " at napatayo ako sa kinauupuan ko.

" Jarred! Hahahahaha. Di ko pala alam na takot ka sa multo HAHAHAHAHAHA " at tumawa siya ng tumawa. Pero halata pa rin sa boses niya na nanghihina pa siya. Inuubo at parang barado din ang ilong.

" Tss. " at pumunta na lang uli ako sa aking higaan at nahiga.

" Bumalik ka nga sa guest room. Magpahinga ka na " sambit ko sabay talakbong ng unan.

" Ayoko " pagiinarte nanaman niya -_-

Tinanggal ko yun unan at umupo.

" Bakit nanaman? " inis kong sabi.

" Di ako sanay sa madilim "

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon, mahigpit na hinahawakan niya ang kanyang kumot.

" Wa-walang multo dito! K-kaya wag kang ma-matakot " pagsasalita ko na may halo pang hiya -_- Bigla kasing susulpot sa dilim. Malay ko ba na siya yon! Tae talaga. Kung ano ano pa nasabi kong masarap.

" Hahahahaha " tumawa nanaman siya.
Pumunta siya sa may sofa don at naupo.

" Kahit dito na lang ako matulog. Basta, may kasama lang ako. Okay lang " At nagsimula na siyang pumikit. Tutulog siya ng nakaupo? Tss.

" Bahala ka. Basta wag ka lang magiingay at siguraduhing mong matutulog ka lang " sabay higa ko na at talukbong ng kumot.

" Anong akala mo sakin? Rapist na may gagawin sayo? *coughs Tss " at tumahimik na rin siya.

--Kinabukasan

/yakap
Naririnig ko pa rin ang ulan sa labas at nararamdaman kong malamig pa rin ang temperatura pero, nababawasan to dahil sa kayakap kong unan na, sobrang init? May sakit ba yun unan ko? Bakit ganito? /kapa kapa/ parang lumaki saka /kapa kapa/ May buhok?

Napamulat ako ng mata at..

" /napaupo/ BUWAAAAAH! A-anong gi-ginagawa mo sa kama ko! Hoy! "

Ginising gising ko si Jennifer. Aish! Sabi ko na nga ba! May pagnanasa din to sakin e.

" Hoy! Gumising ka nga jan "

Tinutulak tulak ko ang ulo niya pero, ayaw netong magising.

Hanggang sa maramdaman ko yun noo niya.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now