C H A P T E R 5 1

272 15 0
                                    

Cazene's Pov

" Unang una, hindi ko alam kung saan dinala sila Jarred. Pero kung may isang pupuntahan si Samantha, may alam akong isang lugar. Pero syempre bago tayo pumunta don, dapat handa tayo. " paglilitanya ko sa kanila.

Andito pa rin kami sa bahay kung saan nagpaplano na kami ng gagawin. Kung sa paningin niyo, parang lang kaming mga batang naglalaro. Oo, pero seryosohan sapagkat buhay na ang pinaguusapan dito.

May mga baril dito sa bahay na itinabi ng dad ko. Alam ko kung nasan ang mga ito kaya dali dali ko naman agad tong kinuha.

Sila naman ay naghanda na ng mga suotin. Naglagay sila ng mga safe vest para maging handa kung sakali may barilan na maganap.

Plan A: Papasok kami sa location na kung saan, unang papasok si Klyde at Timo upang makita kung sino ang mga tao sa loob. Sumunod ay kami ni Hazel kung sakaling walang bantay, hahanapin namin sila Jarred at Jennifer. Kailangan clear ang bawat kilos upang maayos kaming makaalis sa lugar. Kung sakaling may mga lalaking tauhan dito, no choice kundi labanan sila.

Plan B: Kung sakaling wala ang dalawa sa location at puro mga bantay agad ang na-andito. Labanan sila at sabay hahanap sa bawat sulok ng lugar. Kung wala pa rin ay sa mga kalapit na lugar dun sa mismong location. Kapag nakita ko naman si Samantha, SASAPAKIN KO NA SIYA G*GO SIYA!

" So paano kung wala silang dalawa dun sa lugar at nasa iba pala? Paano na? " tanong ni Klyde.

" Wag kang mag alala Klyde. Sinabi sakin ni Author kung nasaan ang location kaya di na tayo maliligaw. Maaabutan pa natin sila " sambit ni Timo na nakangising aso [A/N: EH?' HAHA]

" Tama na ang biruan, nakahanda na ba ang bala at mga baril ninyo? Pati ba kayo handa na? " tanong ko sa kanila.

" Medyo hindi Cazene nakakaloka " sambit ni Hazel. " Pero kakayanin para sa kanilang kaligtasan " dagdag pa neto.

" Sige, so tara na "

***

Nakapunta na kami sa isang lugar na laging pinupuntahan ni Samantha noong sinusundan ko siya. Tama, dati na akong may hinala sa babaeng ito. First day palang nilang mag-on ni Kuya, kung makahingi siya ng pera, akala mo nagiipon para sa house and lot. Pero mali, may pinag gagastusan siya na iba.

Araw araw siyang nanghihingi sa Kuya ko na halos maubos na ang savings neto sa ATM. Ano bang pinaglalaanan niya?

Nung time na yon, 2 weeks bago ako bumalik ng Korea, sinundan ko siya sa palagiang dinadaanan niya.

Isang budega ang naka agaw pansin sakin. Pumapasok siya lagi noon sa budegang ito at parang laging may kausap. Naalala ko pa nung nakita ko nagpapalitan sila ng materyal. Pera ang ibinigay niya sa isang lalaki at isang tela na may laman naman na binigay sa kanya. Ano kaya iyon?

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now