C H A P T E R 2 8

430 22 2
                                    

Timothy's Pov

" Class. Attendance tayo! Hmm. /call a student name/ "

6:30 am

Kasalukuyang nag aattendance yun teacher namin. Nakakapagtaka na bakante ang dalawang upuan sa likod. Sa pagkaka alam ko, si Jennifer yun at si Jarred. Absent? Ano naman kayang dahilan?

Napatingin naman ako kay Hazel. Pero inerapan lang ako nito sabay kuha ng salamin niya at tumingin sa kanyang mukha. Akala mo naman, sobrang ganda -__-

Umayos na lamang ako sa pagkakaupo at napatingin sa guro namin na sakto, pangalan ko na ang sinambit.

" Timothy Clifford? "

" Present! " pag taas ko ng kamay.

Mga ilang pangalan na nabanggit, nasambit naman na ng guro ang pangalan ni Jarred.

" Jarred McPill? "

" Absent " sambit ng ibang estudyante.

" Ano naman ang dahilan? " tanong nung guro.

Napatingin naman ang lahat sa katabi ni Hazel na si Pearl kasi nagsalita ito.

" Hmm. I'm sure. Nagcutting yon! Kasama si Jennifer. Nagdate sila Sir! "

Nabigla naman ang mga estudyante at nagsimula na magbulong bulongan.

" Ano? " pagkabigla din ng guro.

Alam kong fake lang sila. Kaya alam kong di sila mag cucutting dahil nag date lang ang dalawa. May ibang dahilan.

Natigil naman ang bulung bulungan ng may kumatok sa pinto.

Pinagbuksan naman to ng guro namin at iniluwa neto ang isang lalaking, pacool -__-

" Uhwmm. Sir /name/ Dito daw po ako sa Section B. " at ngumiti. Hindi sa guro, kundi sa mga estudyanteng babae dito sa loob na kinikilig. Tss

" Oh. You are Mr. Tailleferre? Okay. " pinapasok niya ito.

Pumunta naman sa harap yun Tailleferre kuno at nagsalita.

" Hmm. Hi Guys-- "

" WHAAAAA! Ang gwapo niya! "
" He is my future husband whaaaa "
" Wag ka ngang assuming, sakin siya "
" No! He's Mine! "
" Anong sa inyo? Sakin! "

At nagkagulo na sa loob ng classroom.

Yun guro naman panay saway na tumahimik pero patuloy parin sa pag aagawan nung mga babae -___- Anong kinagwapo niyan?

Napatingin naman ako dun sa lalaking nasa harapan. Patuloy lang sa pagkamot sa batok niya at pumipilit ngumiti. Tss

" TAHIMIK! "

Napatigil na lang ang lahat ng sumigaw ang guro namin.

" Okay. Continue Mr. Tailleferre " at naupo ito sa may table.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon