C H A P T E R 5 5

430 14 5
                                    

5 years later —

Jennifer's POV

From the start, hindi ko naman ineexpect na lahat ay magbabago. Mga pamilya ko, kaibigan ko, boyfriend ko.
Hindi ko alam na sa una akala ko magiging masaya nako hanggang huli pero masasabi kong hindi pala.
Maraming problema, pagsubok ang dapat ko munang lagpasan upang makamit ko talaga ang tunay na kasiyahan.
Napakagaling ng Diyos no? Yun akala ko mga problemang dumating kasi paparusahan niya ko, yun ay para magbigay din sakin ng benefits upang mabago ko ang sarili ko as a person. At dahil yun sa mga aral na binigay niya sa akin.

Ngayon, kasama ko ang lalaking nakilala ko bilang stranger, enemy, at pekeng kasintahan.
Pero mas pinapahalagahan ko siya bilang minamahal kong magiging asawa at magiging kabiyak.

Ngayon, naglalakad ako sa gitna pagitan ng mga upuan na kung saan mga nakaupo ang mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan, at mga naging parte ng buhay ko.

Ngayon ay hawak hawak ko ang bulaklak na magiging simbolo ng pagiging babae ko at magiging asawa ng isang lalaking nag aantay sa akin ngayon sa altar.

Ngayon ay nakikita ko ang mga ngiti sa labi ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sakin.

Ngayon ay kasama ko ang mga magulang ko na tunay na nagmamahal sa akin bilang kanilang anak na sa kabila ng aking masamang ugali, pinatawad pa rin nila ako at minahal ng lubos.

Ngayon, ay papalapit na sa akin ang taong pinakamamahal ko at makakasama ko hanggang sa pagtanda, sa pagputi ng aking buhok, sa pagkulubot ng aking balat, at sa aking kamatayan at mabuhay muli ng walang hanggan.

" Bakit ka lumapit! Kami lalapit sayo! " sambit ko sa lalaking may suot na americana at bowtie na parang pang waiter HAHAHA

" Naiinip nako ang tagal tagal mong maglakad, dahilan ba ng maliit na binti? " tawa niyang biro. Sino ba talaga ang mayroong maliit na binti samin.

" Ibinibigay na namin sayo ang anak namin, alagaan mo siya " sambit ni Daddy.

" Mamaya, pagbutihin niyo ah. Dapat babae ah? " tawang sabi naman ni Mommy. Grabe!!! nasa simbahan pa naman.

" Ano ba Mom! " napasabi ko nalang.

Tumawa naman si Jarred na nawala na ang mata. Kaloka to, sige magpacute ka pa. Nahuhulog ako lalo HAHAHA

" Shall we? " poging tanong ni Jarred. Seriously talaga ang gwapo ng magiging asawa ko kahit pa ang bowtie niya ay parang sa waiter HAHAHAH
Ngumiti nalang ako at humawa sa braso niya.

Papalapit na kami sa Altar at nagsimula na ang session ng kasal.

***

Sinabihan kami ng pari na bago ituloy ang tanungan about dun sa "I do" magusap muna daw kami at anong masasabi namin sa buong buhay na pinagdaanan namin.

Nauna si Jarred

" Mrs. Jennifer Mendoza McPill " tawag niya sakin at sa pagkasabi niya non nagtawanan ang crowd dahil sa nakakatawa niyang boses.

" Bakit? " natatawa kong sabi.

" Kamusta ka? Nakatulog kaba? " sambit niya ng may pagbibiro. siraulo to, puro biro.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant