C H A P T E R 4 8

503 24 10
                                    

Timothy's POV

" Saan ba tayo pupunta?! " sigaw na patanong ni Hazel.

Di ako sumagot at patuloy pa rin ako sa pagtakbo at hila hila siya.

" HOY! ANO BA! " nakakarinding sigaw niya pa rin.

Napatigil na ako ng marating ko 7 eleven. Pumasok na kami don at naupo sa isang upuan na may table.

Nagpahinga naman kami muna at hinintay matanggal yun hingal saka ako nagsalita.

" Pwede bang dito muna tayo? " tanong ko kay Hazel.

" Ha? Pinagsasabi mo? Ano namang gagawin natin dito? " tanong niya.

" Gusto ko lang sana mapag isa " sambit ko ng may malungkot na tono.

Hindi naman talaga yon ang dahilan ko.
Nung kaninang kinausap ako ng Mom ni Jennifer sa telepono. Di ko pinaalam kay Jennifer kasi alam kong maiinis siya at magagalit. Kung kelan masaya na siya at nagbago na ang ugali, saka naman magkakaganito.
Dahilan talaga ng Mom niya kaya napatawag kasi gusto niya ng ipunta ng states si Jennifer at dun na sila habang buhay mamalagi. Kasama ako..

Ayoko mang sundin pero yun ang utos ni Tita. Na ipagpatuloy namin ang pag aaral namin sa ibang bansa.

Kaya eto, susulitin ko na ang pagkakataon na makasama si Hazel. Matagal ko na rin siyang sinusundan at tinitingnan sa malayo. Mga ilang araw rin na narealize ko na gusto ko na siya pero, aalis pa rin pala ako at iiwanan siya.

Nasabi ko na ba to sa kanya? Hindi. At hinding hindi ko na sasabihin. Mas mabuting isekreto ko na lang. Tutal magkakalayo din kami :<

Napagitla mula sa pagiisip ng malalim ng binatukan niya ko.

" Acck! ARAY! " himas ko sa ulo ko.

" MAPAG ISA? Gago ka ba? Kung gusto mo mapag isa, bakit kasama pa ko? Nagbibilang ka ba? " at aakmang aalis na siya ng pigilan ko to.

" Edi s-samahan mo ko, kahit ngayon gabi lang. Gusto ko lang dito muna tayo " sabay tingin ko sa kanya ng seryoso.

" Bakit ba? May problema ka ba? May sakit? " sunod sunod niyang tanong.

" Wa-wala naman " sabay bitaw ko sa kanya sabay tingin ko sa sahig.

Naramdaman ko naman na umupo ulit siya sa tabi ko.

" Fine. " sambit niya.

Napa angat naman ulo ko at napangiti.

" Talaga? "

" Oo. " sabay irap niya kahit nakangiti na rin siya.

" Okay. Uhmm. Gusto mo kain tayong ice cream. Cornetto you want? "

" Oo na. Sige, gutom na rin ako "

***

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now