C H A P T E R 3 5

476 21 8
                                    

Author's POV

-FLASHBACK(Cazene and Klyde focus.)

May tatlong bata na naglalaro ng kasal kasalan.
Ang isang lalaki ay Pari, at ang isa pang lalaki at babae ay ikakasal

" Lalaki /tawa/ tinatanggap mo ba ang babaeng na nasa katabi mo hahahahaha " sambit ng Pari

" Hayyy! Ayusin mo naman Kuya! Wag kang tumawa " galit na sabi nang batang babae

" Ah sige sige. Uulitin ko "

Naubo ubo muna ang batang pari at nagsimula muli.

" Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si Babae? "

" Opo father " sagot nang batang lalaki nang may ngiti.

" Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Lalaki? " tanong uli nang batang pari.

" I do father hihihi " masayang sagot ng babae.

" Okay, magsuot na kayo ng inyong mga singsing "

Isinuot ng lalaki ang laruang singsing sa babae at ganun din ang babae sa lalaki.

" Kiss the Bride! " tawang sambit ng Pari.

Nagkiss naman ang dalawang bata ngunit sa pisngi lang pagkat sila ay bata pa.

Ang batang pari na iyon ay si Jarred, ang kuya ni Cazene. Isang kuya para sa dalawang bata at nirerespeto siya.
Ang batang lalaki ay si John Klyde. Kaibigan nila Jarred at Cazene.
At ang batang babae ay si Cazene na nakakabatang kapatid ni Jarred.

Araw araw silang naglalaro. Masayang naglalaro.

Ngunit isang araw.. ang matagal nilang samahan ay mawawakasan na.

Iyak nang iyak ang batang Klyde habang pinapasok siya nang kanyang ina sa kotse. Ito pala ay para pumunta na sa syudad at don na magtira.
Iyak nang iyak ang batang Cazene. Hindi sa aalis na ang kanyang bestfriend na si Klyde, kundi, aalis ito nang hindi pa niya nasasabi ang kanyang nararamdaman.

Bata nman kung mag isip si Cazene pero ipinangako niya sa sarili niya na si Klyde lang hanggang sa huli pero dahil sa gantong pangyayari, mukhang maghihiwalay na sila.

Mga sumunod na taon, lumalaki ang batang Cazene na wala si Klyde.

Ito ay nagrerebelde. Ito ay nag aasal lalaki. Ito ay bully at naging mabrutal sa paligid. Nawalan nang respeto sa kanyang kuya na si Jarred.
Wala na siyang pakealam sa mundo.

Mga taon nakalipas at nagsisimula na siyang magdalagita ng ipunta siya ng Korea ng kanyang ina. Kahit ganun man ang nangyari sa kanya, gabi gabi pa rin niya iniisip na nasan na kaya ang bestfriend niya? Nasan na kaya ang partner niya noon sa kasal kasalan? Nasaan na?

Patuloy niyang iniisip ang batang Klyde na iyon. Kung ano na ang naging itsura ngayon. At kung ano ang magiging reaksyon pag nagkita silang muli.

***

Jennifer's POV



* Knock knock!

" Cazene? Anong problema? Buksan mo tong pinto "

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora