C H A P T E R 4 1

432 21 3
                                    

Jennifer's POV

Nag ayos na ko ng gamit at otw na sa school. Kinakabahan ako at the same time natatakot na magpakita sa school na yon. Alam kong papasok si Jarred at si Cazene. Makikita nila ako. Kakausapin at tatanungin.

Anong sasabihin ko sa kanila pag nagkataon? Aish. Ang kailangan ko lang talaga ay umiwas.

/knock knock [A:N TUNOG NG PINTO XD]

" Wait "

Napatigil muna ako sa pag ayos ng gamit at pumunta sa pinto para pagbuksan kung sino man ang kumatok doon.

Pagbukas ko,

" HELLO "

Si Klyde pala. Isang lalaking nakauniform na bang lawak ng ngiti at may dalang plastic na di mo alam kung anong laman.

" Aga mo ah " napatawa na lang ako.

" HAHAHA naman "

Pinaupo ko na muna siya sa sofa at saka ako bumalik sa pag ayos ng bag ko.

Napatingin naman ako sa kanya ng ilagay niya ang plastic sa may lamesa at nilabas niya ang dalawang cup noodles.

" Cup noodles? "

Napatingin siya sakin ng magsalita ako.

" Oo. Hmm, kumakain kaba nito? "

" Hindi pa ko nakakatikim yan " napangiwi ko. Eh hindi naman kasi ako pinapakain ng mga ganyang food ng mga parents ko. Kahit nga kala jarred, wala akong nakitang ganyan don.

" Pwes ngayon, matitikman mo na " sabay ngumiti nanaman siya. Madalas na yang pagngiti niya ah. Nakakaduda hahaha. jk

Sinundan lang ng tingin ko kay Klyde habang pumupunta siya sa may stove. Kumuha muna siya ng takure saka nilagyan ng tubig. Inilagay niya to sa kalan sabay sinindihan.

Bumalik naman siya sa sofa at binuksan ang dalawang cup noodles. Napatigil naman ako sa pag ayos ng bag at napaupo sa tabi niya. Tiningnan ko lang yun cup noodles na binubuksan niya. Sinilip ko naman yun loob at nakita ko na meron siyang noodles [NATURAL XD] hmm, saka maliit na plastic na parang mga maliliit na pieces na carrots at leafy vegie. may isa pang maliit na plastic at laman naman ay flavor powder siguro. Pinagmamasdan ko lang yon at iniisip kung ano kaya ang lasa niyan.

Napatingin naman ako kay Klyde ng bigla siyang tumawa.

" HAHAHAHAHA "

" tinatawa tawa mo? -.- "

" Grabe yun pagkaignorante mo sa cup noodles ah. Titigan mo talaga siya ng ganyan HAHAHAHA "

hinampas ko naman siya ng full force ko para tumahimik -,-
tumahimik naman siya nung kumulo na water sa kalan.

bumalik na siya sa lamesa at nilagyan yun dalawang cup noodles ng tubig.

Nung mga ilang minuto muna tinakpan, binigay naman na niya sakin yun isa.
Siyempre ako, nag aalanganin kumain kasi parang di naman siya masarap tingnan.

Pero maya maya, sumubo naman din ako at yeah, MASARAP SIYA O.O
Kahit nga mainit, pinapatos ko talaga ng bongga geez

" Oh dahan dahan. HAHAHA Baka mapaso " pagtawa nanaman niya.
Pinabayaan ko na lang siya at kumain pa rin ng parang ako nasa heaven ♥•♥

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWhere stories live. Discover now