Prologue

8.5K 118 5
                                    

- Kara -

I have been reading this email more than twenty times now but I still can't believe it. My happiness went overboard and this fleeting feeling is driving me crazy! I am laughing and crying at the same time. Ilang buwan na din akong umaasa na dumating ang araw na ito. And for the nth time, I re-read the letter:

Dear Kara,

Hello and greetings from NYU Graduate Admissions!

Congratulations! You have been accepted to New York University, Stern School of Business for the upcoming semester! We are thrilled to congratulate you on this achievement.

Your official acceptance packet will be leaving our office tomorrow. We know you will be anxious to have this information in your hands; please be patient as the postal service works to deliver your packet over the following week.

You've probably already received another email or two from us about upcoming events for you and your future classmates. We know that you have a lot to think about over the next several weeks, and we are hoping that by meeting with our admissions staff either on campus, you will get your questions answered and learn more about why we thought from your application that you and NYU are a great fit.

Within days of receiving your acceptance packet, you will receive an invitation to the admitted student event on campus hosted by your NYU Stern School of Business. This letter will contain RSVP instructions through our website.

Once again, congratulations on your acceptance. We look forward to seeing you in April!

Sincerely,

Office of Stern School of Business, Graduate Studies

Hindi matatapatan ng mga love letter na natanggap ko noong high school ang kilig na nararamdaman ko habang binabasa ang sulat na ito. Sayang nga lang at wala akong ibang mapagsabihan na pamilya upang maibahagi ko ang aking kasiayhan. Simula kasi nang makatapos ako ng kolehiyo ay hindi na ako kinukumusta ni Daddy. Alam ko naman na sobrang abala siya sa pagiging pinaka-prominente na abogado sa buong bansa. Bukod kasi sa paghawak ng mga kaso ay meron din syang sariling segment sa kilalang istasyon ng telebisyon: "Stevan Hernandez: Your 24/7 Lawyer".

Kung may isa man akong mapagpapasalamat sa muling pagpapakasal ni Daddy, yun ay ang pagkakaroon ko ng bagong kapatid. May anak kasi si Tita Sofia sa nauna nitong asawa na si Manuelito Uy, isang businessman, babae din ito at dalawang taon lamang ang pagitan namin. Siya si Coleen Marie Uy.

Kahit naman hindi kami palaging nagkakausapp ni Ate Coleen ay masasabi ko na maayos ang aming relasyon. Kaya naisipan kong tawagan ito upang ibalita ang magandang oportunidad na natanggap ko. Naisip ko na mag-text na lang kay Daddy. Siguro naman kapag nabasa nito iyon ay tatawagan nito ako.

===

Nandito kami sa bar ng mga friends ko upang ipag-celebrate ang birthday ni Carlene, ang bestfriend ko since pre-school. Medyo tipsy na ako, hindi naman kasi ako sanay na uminom, Pinagbigyan ko lang si Carlene kasi nga birthday nya, at isa pa ay may problema din kasi ako.

"Hera, tama na yan. Umuwi na tayo. Lasing ka na."

Naibaba ko ang hawak kong margarita at tiningnan ang lalaking umaalalay sakin. Kahit yata malasing ako, siya pa din ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko. What did I do to deserve this man?

Marahan ko ng hinaplos ang mukha nito, "Zeus, hendeee pa ko lasheeng. Mamaya na tayoowh umuweee. Parteeeey pa tayoooh. Ashaan na ba sina Carlene?" Tanong ko dito. Medyo masakit na ang ulo ko at nahihilo na din. Baka tama si Zeus, lasing na nga ata ako.

Nakakunot na ang noo nito at iginiya ako palapit, sa paghila nito ay muntik pa akong matumba. "Look, tell me now that you are not drunk. Come on. Let's get you home."

"Shungiiiit. Pasalamat ka na lang at pogeee ka!"

Habang tinatahak namin ang daan pauwi, hindi ko mapigilan na mapaisip kung paano ko sasabihin dito ang problema ko. Alam ko naman na pag-aawayan lang namin ito tulad na lang ng mga nakaraang araw. Kahapon lang simula nang muli kaming magkabati at ayoko naman na mag-away ulit kami lalo na at alam kong madami din itong problema sa kompanya.

Malinaw pa sa akin ang mga katagang binitawan nito.

"Hindi ka ba pwedeng dito na lang sa bansa mag-masters? Bakit kailangan mo pa pumunta ng New York? May maganda ka namang trabaho dito!" Mataas ang boses na tugon nya sa akin nang sabihin ko ang tungkol sa application ko sa NYU ilang linggo na ang nakakaraan. Mababakas sa kanyang mukha ang pagpipigil nya ng galit.

Sa kabila ng pagkasindak ko sa kanyang reaksyon ay pinilit ko pa rin na gawing malumanay ang boses ko, "Zeus, please understand. Matagal ko nang pangarap ito."

"Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa relasyon natin? Ilang taon mo balak mag-stay sa New York?"

"Sa ngayon, hindi ko pa napapag-isipan yan. Siguro five years---"

At tila ay sumabog na ang pinipigil nyang pagtitimpi. "FUCK! So ang relasyon natin ay hindi mo pinag-iisipan? Five years! DAMN!"

"Hindi pa naman sure na papasa ako ---"

"BULLSHIT, Hera! Alam mo naman na matalino ka! At sino ba naman ang may gusto mag-apply dyan na hindi gustong makapasa! So iiwan mo ko?"

"Pwede naman tayo na long distance relationship. May mga kilala naman ako na ganon---" pilit kong pangangatwiran. May tiwala naman ako dito. Sa loob ng tatlong taon na relasyon namin ay masasabi ko naman na ni minsan ay hindi ito nagloko kahit pa madaming babae ang nagkakandarapa dito.

"Marami kang makikilala sa New York," biglang humina ang boses nito at tumitig sa akin ng mataman. "Natatakot akong makakilala ka nang mas higit sa akin at iwan mo ako ng tuluyan. Natatakot akong mawala ka sakin."

Tila sasabog na ang puso ko nang marinig ko iyon. "Hindi mangyayari yon. Mahal kita, Zeus ---"

"TANGINA naman, Hera! Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako iiwan! Tandaan mo ito, sa oras na umalis ka, kalimutan mo na ako. Hiwalay na tayo."

At naglakad na sya palayo.

===

Paano ko pa ngayon sasabihin dito na natanggap na ako at sa susunod na buwan ay simula na ng pasukan. Mahal ko si Zeus, ngunit mahalaga sa akin ang pangarap ko.

Nakarating na kami sa condo nya at nang sumunod na madaling araw, matapos ang matamis na gabi na aming pinagsaluhan ay nakita ko na lang ang sarili ko na hawak ang aking passport, boarding pass at mabilis na nagtuloy papasok ng eroplano habang tumutulo ang aking mga luha.

Sana ay hindi ko pagsisihan ang desisyon na ito.

Sana ay may balikan pa ako.

Sana.



-HazyCrazyMind-

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now