Chapter 14 : The Wedding Planner

2.6K 55 9
                                    


-Kara-

First time ko na makasakay sa Ferrari ni Zeus. Ito din ang sasakyan na dala nito noong outing namin. Katabi nito si Ate Coleen at doon ako sa passenger seat.


Kung kanina ay nag-show off ako sa harap nito ay balot na balot naman ako ngayon. Naka-suot ako ng faded maong jeans at silk na long-sleeves. Si ate naman ay naka-floral dress. Sa aming dalawa ay mas girly talaga ito.


"Babe sino nga ulit ang kinuha mo na wedding planner?" naulinigan ko na tanong ni Zeus kay ate.


"Si Stephanie, from 'Everlasting Love'. Magaling sila. Sila din ang kinuha ng boss ko sa wedding nila," puno ng excitement na sabi ni ate.


Tumango tango na lang si Zeus at hindi na muling nagtanong pa.


"Thank you talaga, babe, na nakasama ka ngayon," muling simula ni ate ng usapan.


Nakita ko naman na kinuha ni Zeus ang kamay ni ate, bigla ang pagkurot nito sa puso ko. "Of course, babe. I cannot miss this day."


Ako naman ay ipinagpatuloy na lang ang paglalaro ng mobile legends upang ma-distract sa pinag-uusapan nila.


"That was so sweet. I love you so much, babe!"


Nandon na naman ang pagsikip ng dibdib ko. Napatingin ako kay Zeus sa rearview mirror. Pigil ang hininga na hinihintay kong sasagot ito.


"I love you, too," napansin ko ang pagtingin din nito sa akin sa pamamagitan ng salamin.


Muling gumulo ang nararamdaman ko.



===

"Sis, babe, mauna na kayo sa loob. Mag-powder room lang ako. Sabihin nyo na lang yung table na naka-reserve kay Stephanie Madrid," sagot ni ate at nagmamadaling tumalilis. Bukod sa pagiging girly, isa din itong certified vain kaya hindi ito haharap sa organizer nang hindi nagre-retouch.


"Ok, ate." sabi ko.


Madali naming nahanap ang table na naka-reserve. Magkasunod kami ni Zeus na naglakad patungo doon.


"Hi, Stephanie?" tumingin ito sa amin ni Zeus. Pabalik balik ang mga mata nito. Kumunot ang noo. Tumayo at niyakap ako ng mahigpit.


Ako naman ay natulala.


"Ohmygeeee. Ikaw Kara ang ikakasal? Kayong dalawa pa din pala ni Lexus?!" punong puno ng amusement na pagkakasabi nito.


Nagkatinginan naman kami ni Zeus. I mouthed at him 'kilala mo?' Umiling naman ito.


Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap nito sa akin at magalang na itinanong, "Sorry po, sino po kayo? Kilala nyo kami?"


My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora