Chapter 17 : Flight

2.2K 79 22
                                    

-Kara-

Sa buong panahon na nagkukwento si ate ay hindi ako nagsasalita. I am literally lost for words. Pinipigilan ko ang sarili kong emosyon. Gusto ko nang maiyak. Tila nadudurog ang puso ko habang iniisip ang kalagayan noon ni Zeus. Napaka-selfish ko.

Kung hindi sana ako umalis ay hindi masasaktan si Zeus. Sana ay ako ang kasama nya sa mga business functions. Sana ay ako ang nilalapitan nya sa tuwing may kailangan sya o may problema sya.


Sana ako ang fiancee nya.


"But you know what, Kara, I was suprised when he asked me to marry him. It was a simple yet sweet proposal. Wait, I'll show you the video." Tumayo ito at mabilis na lumabas ng room ko. Pagbalik nito ay dala na nito ang tablet nya.

Habang nanonood ako ay inina-narrate ni ate ang mga nangyari noon.

"Akala ko talaga noon ay may papanoorin at irereview akong presentation ng mga junior staff para sa clients namin. Usual practice naman namin iyon. Ako naman ay nakinig lang," simula nito.

Nakita ko sa screen na nasa loob ang mga ito ng malawak na conference room. May nakatayo sa gitna na nagdidiscuss ng powerpoint slides habang naka-flash ang laptop nito sa monitor screen. Confident ang nagpe-present at tila masaya pa ito samantalang si ate ay ni hindi maipinta ang itsura.

"Inis ako nyan, sis. Almost whole week kasi na hindi man lang nagpaparamdam si babe. Akala ko nagbalik na yung ex nya tapos na-itsapwera na ko!"

Muntik naman ako masamid sa sinabi nito. Muli itong nagpatuloy, "Tapos sa end ng presentation. Ayan!" sabay turo ng tablet nya kung saan nakasulat sa monitor ang isang slide na may 'Will You Marry Me?'. Kinurot ang puso ko nang makita iyon.

Napaka-simple din ng slide na iyon. Kulay puti lamang na plain at ang font color ng mga salita ay kulay pula.

"Wow." Iyon lang ang nagawa kong sabihin. Natatakot ako na sa oras na buksan ko pa ang aking bibig ay sumabay ang aking mga luha.

Lalong lumaki ang ngiti ni ate, "Yup! Syempre, sa una ay nagulat talaga ako. Akala ko inaalak ako ni Joel, siya yung nagpe-present, ng kasal. Lalo akong nainis non."

"What are you saying? May boyfriend ako, Joel!" kita kong sabi ni ate sa video. Halata ang confusion sa reaksyon nito.

Hanggang sa bumukas ang pintuan na nasa likod ng conference room. Nakita kong kinuhanan ng focus ng video ang pagbukas noon at ang pagpasok ng ilang mga staffs na may dala dalang mga bulaklak. Isa isang nagsilapit at iniabot ang mga iyon kay ate. Kahit halatang nalilito ito sa mga pangyayari ay tinanggap din naman nito ang mga rosas.

"What's going on, everyone?!"

"Marina, ano to?" Iyon pala ang boss na binabanggit ni ate kanina.

At nang halos mapuno na ang conference room ay pumasok ang isang lalaki na may dalang napaka-laking bouquet.

Si Zeus.

Nanginginig na ang mga kamay ko sa paghawak ng tablet ni ate.

"Babe?" maluha-luhang sabi ni ate sabay yakap kay Zeus.

Mga ilang minuto din silang magkayakap at halos nahigit ko na ang paghinga ko nang makita itong lumuhod at kinuha ang maliit na pulang kahon mula sa bulsa.

Kung pwede lang na huwag ko na itong tapusin. Tila nabibiyak na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Coleen, I know, I am not the perfect boyfriend you deserve, but still, you are the most patient girl I have ever met. Thank you for loving me even when I don't deserve it. I love you too."

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum