Chapter 8 : Avoiding the Unavoidable

2.7K 74 15
                                    

-Kara-

As if heaven heard my prayers, I woke up na wala na si Zeus sa bahay. Pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi ko alam kung paano ko ito pakikitunguhan. Feeling ko ay napakasama kong tao dahil pinagtataksilan ko ang ate ko. Makahanap lamang ako ng tamang tiyempo ay ipagtatapat ko din ito.

"May pasok ako ngayon, maiwan na muna kita. May lakad ka ba bukas?"tanong sa akin ni ate habang inaayos ang handbag nito ang handbag na dadalhin sa pagpasok sa opisina.

"Wala naman."

Tumingin sa akin si ate at ngumiti, "That's great! So we can start discussing na yung wedding plans with Lex tomorrow."

Sana pala ay inalam ko muna kung bakit nito tinatanong kung may pupuntahan ako, ngayon tuloy ay hindi na ako makakaiwas na magkita ulit kami ni Zeus. Ano kaya kung magpanggap ulit ako na may sakit?

Di ba nga umuwi ka para tulungan ang ate mo sa wedding preparations niya? Bigla ay inusig naman ako ng konsensya ko.

Nakakabwisit naman kasi talaga ang lalaking iyon. Bakit ba kasi kailangan pa nito akong halikan?Ngayon tuloy ay mas lalo pang nakakailang ang mga susunod naming pagkikita.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang.

Kinagabihan ay tinawagan ako ni Carlene. Naikwento nito sa akin na alam na ng mga kaibigan namin na nakabalik na ako sa bansa. Mabuti naman at ipinaliwanag at naipaintindi na din nito ang sitwasyon ko. Sumunod ay ipinaalala din nito ang nalalapit namin na barkada reunion, sakto daw kasi itong panahon dahil uuwi din ang iba pa naming mga kaibigan na nakatira sa ibang bansa.

"Hindi ko sigurado kung makakasama ako---"

Mabilis naman nito na pinutol ang sasabihin ko, "Dahil ba kay Lexus kaya ayaw mong sumama?"

Magkapareho ang aming circle of friends kaya sigurado ako na sasama ito doon at iyon na nga ang iniiwasan ko.

Hindi din ako agad nakasagot kaya nagpatuloy si Carlene sa pagsasalita, "Okay ka naman di ba?"

Ayoko man magsinungaling dito ay hindi ko din naman gusto na mag-alala pa sila sa akin, "O-oo naman!" Sana ay hindi nito natunugan ang pag-aalinlangan sa boses ko.

"Then, there should be no problem. Okay na din naman si Lexus, ang alam ko ay engaged na ito. Finally, naka-move on din sayo ang lolo mo." Natatawa pa nitong sabi.

"Ah oo, ayos nga yun," puno ng bitterness na sabi ko.

Mukhang nagulat naman ito, "What? Alam mo na na ikakasal na siya? Akala ko pa naman magugulat ka! Kanino mo nalaman?"

Kilala naman ng mga kaibigan ko si Ate Coleen dahil pa-minsan minsan ay naikukwento ko ito sa kanila.

"Sa ate ko." Maikli kong sagot. Kung pwede nga lang na iwasan ko ang topic na ito ay gagawin ko, subalit nandito na at alam kong wala na akong kawala.

Medyo may pagtataka ang boses nito, "Medyo may pagka-chikadora din naman pala yung ate mo."

Huminga muna ako ng malalim, "Nope. Si Ate Coleen ang fiancee ni Zeus."

Ngayon ay ito na ang nagulat sa sinabi ko.



===

Kinabukasan ay sinabihan ako ni ate na napagkasunduan nila ni Zeus na sa labas na lang magkita upang i-discuss ang wedding plans in a restaurant somewhere in Quezon City.

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now