Chapter 3 : Back to the Philippines

2.4K 59 5
                                    


-Kara-


At sa huli, pagkatapos ng halos isang buwan ko din na pag-iisip ay napagdesisyunan ko na umuwi na din ng Pilipinas. Mabuti na lang at wala akong mga ongoing na engagements sa dati kong trabaho kaya naman mabilis kong natapos ang resignation clearance. Si babe naman ay kasama ko din na uuwi. Freelance kasi ang trabaho nya as web developer kaya hindi naman ganoon ka-demanding ang schedule at pwede pa itong magtrabaho kahit saan basta may internet connection.


Mabilis din kaming nakapag-impake ng mga gamit at natapos ang lahat ng mga kailangan na documents para sa flight. Sobra ang excitement ng ate ko nang malaman nito na uuwi ako para tulungan sya sa wedding preparation lalo na nang malaman nito na nag-resign na ako sa trabaho ko at permanente na akong maninirahan sa Pilipinas. In-offer nito na tumira na lang ako sa bahay nya pero sinabi ko na may condo kasi akong investment sa Makati, nabili ko noong pre-selling pa lang. Ready for turnover na iyon dalawang buwan na ang nakakaraan kaya doon na lang ako titira. Isa pa ay sa Laguna kasi sya nakatira kaya malayo din ito kung balak kong magtrabaho sa audit firm sa Makati.


Sa huli ay napagkasunduan na lamang namin na habang hindi pa plantsado ang mga detalye sa kasal nila ay halos doon na lang ako titira sa bahay nya at bibisita na lang ako sa condo ko. Wala pa naman akong trabaho kaya okay lang sa akin ang ganoon na setup.


2:30 pm ang arrival ng flight namin sa NAIA 3. Pagkalabas ay agad ko din nakita si ate. Nagkumustahan lang sila ng mabilis ni babe at umuna na din ito sa amin dahil may sarili itong sundo.


Sinalubong nito ako ng mahigpit na yakap, "I miss you sis! Ang ganda mo na lalo, grabe mukha ka nang model!"


"Thanks, ate! Ikaw din naman, lalo kang gumanda. Kaya naman ang bilis mag-propose ng fiance mo. Ayaw ka na talaga pakawalan!" sabi ko habang tumatawa.


Nag-flip pa ito ng buhok bago sumagot, "Aba, oo naman! Hindi lang siya basta basta makakakita ng full-packaged na katulad ko no? Wag ka lang nya titingnan!"


"Baliw ka talaga ate, siyempre sayo na yun!" sabi ko na lang habang tumatawa. Noon kasing mga bata kami, sanay kami mag-agawan ng mga crush, puro artista lang naman yun kaya no big deal. Pero ni isa ay wala kaming naipakilala na boyfriend sa isa't isa. Hindi ko nga maalala kung bakit ba hindi ko naipakilala si Zeus sa kanya gayong three years din kaming magkarelasyon. Si ate naman ay wala din na isinasama tuwing umuuwi ito sa amin.


"Speaking of your fiance, asan pala yun?" tanong ko nang mapansin ko na mag-isa lang pala ito na susundo sa akin.


Napaismid lang si ate, "Hay nako, ang hirap pala magkaroon ng fiance na CEO ng multinational company. Feeling ko ang swerte ko kasi parang prinsesa na ako sa yaman, pero wala naman syang masyadong time sa akin. Ayun, nasa business conference sa Australia. Three days pa siyang mag-stay dun."


Natapos na din maipasok sa kotse ang lahat ng mga gamit ko kaya nakaalis na din kami ng airport. Sa bahay ni ate kami tutuloy. Buti na lang at may kasamang driver si ate kaya malaya kaming nakapag-kwentuhan. Sa New York kasi ay sanay ako na ako lang ang nagda-drive pero si ate kasi ay hanggang ngayon, hindi pa din daw umaayos ang pagpapark kaya hindi pa sya makapag-drive totally ng solo.


"Ikaw, kumusta naman ang mga boyfriendssss mo?" biro nito sa akin.


"Ayun ate, madami pa din." Natatawa kong sagot.


Sa totoo lang ay madami talagang nanliligaw sa akin sa states, siguro ay dahil sa Filipina look ko na naiiba kaya stand out ako sa kanila. Hindi naman sa naging playgirl ako, pero medyo madami din akong dine-date. Gusto ko na din kasi na maka-move on. Na-realize ko ito dalawang taon na ang nakakaraan. Apat na taon ang tanda sa akin ni Zeus at alam ko na lapitin siya ng mga babae. Malamang na kung hindi man may asawa na ito ay mayroon na itong pangmatagalan na kasintahan, lalo pa at hindi naging maganda ang paghihiwalay namin at wala naman akong iniwan na pangako sa dito.


"Eh nasaan? Ipakilala mo naman. Baka naman si Juan Carlos pala ang pinagnanasaan mo," sabi pa nito ng malakas na tumatawa.


Napangiwi naman ako, "Hello ate. Mas babae pa ang lalaking yun sakin. Kung maka-underwear, Victoria's Secret!"


Lalong pa ngang lumakas ang tawa nito, "Edi pinagnanasaan mo nga, pati ba naman brand ng underwear, alam mo!"


"Kilabutan ka, ate, sa mga pinagsasasabi mo." Sa totoo lang ay asar talo talaga ako pagdating kay ate. "Siguro wala pa lang akong nahahanap na gusto ko talaga."


Natigil din siya sa pagtawa, nakwento ko naman sa kanya kahit papaano yung past relationship ko, although hindi ko na sinabi yung eksaktong rason kung bakit ako nakipagbreak. Hindi ako handa na ibahagi yun sa iba dahil sa totoo lang ay natatakot ako na mahusgahan na makasariling desisyon iyon. Pero noong panahon na iyon, limang taon ang nakakaraan, iyon ang alam ko na pinaka-tamang gawin.



-HazyCrazyMind-



*Chapter dedicated to lovingly_yours007, I sincerely love all of her stories <3

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon