Chapter 7 : That Awkward Moment

2.6K 65 7
                                    

-Kara-

Hindi ako agad nakapagsalita. Nangangapa pa ako, iniisip ko kung magpapanggap ba ako na hindi ko sila kilala o aaminin ko kay ate na ang fiance nito ay ang aking exboyfriend. Hindi pa man ako nakakapag-desisyon ay narinig kong nagsalita na si Gerold.

"Nice meeting you, Hera---"

Natigilan naman ang ate ko, "What?"

Noon lang ata nito napagtanto kung ano ang itinawag sa akin, "I mean, Kara. It is my pleasure to meet you." Kasunod ay hinalikan ako nito sa pisngi, katulad nang palagi nitong ginagawa noon pa man na pinag-aawayan pa nilang dalawa ni Zeus. Sobrang possessive kasi nito.

Natawa naman si ate sa kilos ni Gerold, "Ay nako, Gerold ah! Ang bilis mo mag 'the moves' sa kapatid ko. Matinik din sa boys yan. Ingat ka! Haha! Ganda naman kasi talaga ng kapatid ko, di ba babe?" siniko pa nito ang fiance.

Tila naman tulad ko ay disoriented pa din si Zeus, "Ah oo, babe," pagsang-ayon lang nito. Ngayon tuloy ay pinagsisisihan ko ang mga kinekwento kay ate noon, pinagmukha pa kong playgirl.

"Tara, kumain na tayo. Super late na ng lunch natin," sumunod na anyaya ni ate.

As if unconsciously, nakita kong inabot ni Zeus ang bowl kung saan nakalagay ang niluto ko na crabs. Pareho kasi namin na paborito ang ginataan na alimasag. Nang magsimula na itong kumain ay nakita ko na napatingin ito sa akin, malamang ay nakilala nito ang luto ko. Ngunit mabilis lang iyon at nagpatuloy na din ito sa pagkain.

Napansin ko naman si Gerold na malapad ang ngiti, "Nakaka-miss ang ganitong pagkain, di ba kuya?"

Nakakainis talaga ang lalaking ito, noon pa man ay mahilig na itong mang-asar. Magka-edad lang kasi kami kaya hindi din ito naiilang sa akin. Mahilig din itong makikain ng mga niluluto ko para kay Zeus.

Hindi naman sumagot ang kuya nito, "Ang tahimik mo ata, babe. May problema ka ba?"

Maikli itong tumugon, "Don't mind me, babe. Pagod lang ako."

"Okay, dito na lang kayo matulog mamaya para hindi ka na mapagod bumyahe pabalik ng Manila," sagot ni ate at napansin din nito na hindi ito kumukuha ng niluto nya na chicken pastel. "Babe tikman mo ang niluto ko, specialty ko yan!"

Napatingin kaming dalawa ni Gerold kay Zeus. Napansin ko na tila kukuha ito. Hindi ba nito naiisip na allergic siya sa chicken?! Nakita ko na noon nang sinubukan nito na kumain noon, noong bago pa lamang kami, at hindi lang basta basta ang epekto niyon dito. Naisugod pa namin ito sa hospital dahil pulang pula siya at hindi makahinga.

Mabuti na lamang at sumingit si Gerold, "Ate Coleen, allergic si kuya sa chicken."

Mabilis naman na inagaw ni ate ang bowl, "I'm so sorry, babe! Really? I didn't know."

Mula noon hanggang sa natapos kaming kumain ay wala nang nagsalita ni isa sa amin. Ito na ata ang pinaka-awkward na lunch na na-experience ko sa buong buhay ko. Paminsan-minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin si Zeus ngunit blangko lang ang expression nito.

Ako na ang nag-presenta na magligpit ng pinagkainan. Nagkataon kasi na ngayon ang day-off ng helper ni ate. Ikinatuwa ko naman ang pangyayari na iyon at binagalan ko din ang paglilinis nang sa gayon ay hindi ko na kailangan na makipagkwentuhan sa kanila sa sala.

Alas sais na nang magpaalam si Gerold na aalis na, nagsabi ito na hindi na dito matutulog dahil may lakad pa ito ng mga kabarkada. Kung si Zeus ay tahimik na tao, ito namang kapatid niya ay malaking kabaliktaran, halos lahat nang makausap ay nagiging kaibigan din agad nito.

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon