Chapter 10 : Room

2.8K 75 21
                                    

-Kara-


After 5 hours of travel, nakarating din kami sa private resort kung saan gaganapin ang aming mini barkada reunion. Magkahalong kaba ang nararamdaman ko dahil makalipas ng limang taon ay ngayon na lang ulit kami magkikitakita. Sina Carlene at Santi pa lang naman ang nakasalubong ko, at hindi pa ganoon kaganda ang pagkikita namin ni Santi.


Buti na lang at na-orient na din ni Carlene ang mga kaibigan namin tungkol sa setup namin ni Zeus at ang engagement nito sa ate ko. Naintindihan din naman ng mga ito na hindi pa ako handang ipagtapat ang nakaraan namin kay ate.


"OMG! Kara!" tawag na may kasamang takbo papalapit ang ginawa ng mga kaibigan kong babae nang makita nila ang pagdating ko.


"Ang ganda mo na lalo ngayon, girl!" sabi ni Agatha.


"Iba na ang nagagawa ng inlove!" comment naman ni Dana. "Ipakilala mo naman sa amin ang boyfriend mo."


Hay. Ang mga kaibigan ko talaga. Nagmamadali naman na lumapit si babe sa amin. "Okay, girls, meet my babe, Juan Carlos Ruiz."


Naramdaman ko ang maliit na pagkurot nito sa tagiliran ko. Ayaw nito ng tinatawag sa buong pangalan. "Ang haba naman non, babe." Tumingin ito sa mga kaibigan ko at nagpatuloy, "JC na lang, girls."


I almost choked to death nang marinig ko ang sinabi nito. JC? Wow kelan pa? Ang alam ko ay Carla ang gusto nito.


Nakita ko naman na nagkumpol kumpulan din ang mga lalaki at ipinakilala ni Zeus si ate, "Meet my lovely fiancee, Coleen Uy."


"Hi," mahinhin na bati ni ate.


Sunod sunod na humalik sa pisngi ni ate ang mga barkada namin na lalaki. "Ito ba ang kapatid ni Kara?"


"Yep, she is," maiksing sagot ni Zeus.


Ngumiti naman sa akin si Santi. His smile did not reach his eyes. "Kara, hindi mo naman nabanggit sa amin na may maganda ka palang ate. Kung ipinakilala mo si Coleen sa akin noon, baka kami ang engaged ngayon."


Nagtawanan ang mga kabarkada namin ngunit nanatiling tahimik si Zeus.



===


Nasa hotel lobby na kami para mag-check in. Katulad ng mga naunang couple ay share kami ng room ni babe. Wala naman iyon na issue dahil hindi kami talo at sanay naman na din kaming magkasama sa iisang bahay.


Magchecheck-in na kami nang dumating sina ate at Zeus at sumunod sa amin sa pila.


Lumapit si babe sa receptionist at nagsalita, "Room for two---"


"ANO? MAGKASAMA KAYO SA ISANG ROOM?"


Bigla kaming napatingin kay Zeus na masama ang tingin sa aming dalawa. Ang mukha naman ni ate Coleen ay puno ng pagtataka.

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon