Chapter 1 : The Big News

3.5K 67 1
                                    

-Kara-

"Babe!"

Pangatlong tawag na ata na may kasamang malakas na katok sa pinto ang hindi ko pinansin. Antok na antok pa ako, madaling araw na din kasi akong nakauwi dahil may tinatapos pa kami sa deadline. Kung hindi ba naman kasi magaling yung client, after nilang hindi makipag-cooperate nang ilang buwan namin na pagpupursige na makuha ang mga supporting documents na kailangan, ay ngayon naman ang lakas ng loob na magmadali upang ma-release ang kanilang financial statements. Kesyo kailangan na daw nilang ma-file this coming Monday kaya naman pinilit namin na ma-finalize ang balances within the day and thank God, naipasa naman namin sya for review bago kami umuwi.

Kaya wala akong pakialam kung sino man yang tumatawag sakin.

"Babe!"

"Babe!!!!!!!!!!"

Sa lakas ng sigaw nya at katok na akala mo ay makakasira na ng pinto ay napabalikwas ako. "WHAT THE ACTUAL FUCK, JUAN CARLOS RUIZ?"

Inis na inis na tugon ko habang binuksan ang pinto. Sabog na sabog pa ang pakiramdam ko dahil parang two hours pa lang ata ang naitutulog ko.

"Haler! Yuck! Don't say bad words, Kara Alexia Hernandez. Kung ayaw mo na kalbuhin ko yang mahaba mong buhok para mawalan ka na ng papa!" inis na inis na sabi ni bakla.

I crossed my arms at tinapatan ko ang kasungitan nito. "Ano ba kasing problema mo at ang aga mo mag ngangawa dyan? Hello, two hours pa lang po ang tulog ko. Ayoko pa mamatay ng maaga, magpatulog ka po pleaaaaaaase."

"Babe si Ate Coleen mo kasi tumawag, gusto ka daw makausap---"

Natigilan ako, kahit kasi close kami ng ate ko ay bihira din kaming magkausap dahil pareho kaming masyadong abala. Lalo pa na sobrang magkaiba kami ng timezone.

"Huh? Bakit daw? Anong sinabi nya?" sunod sunod kong tanong.

Nagtuloy tuloy si bakla sa loob ng room ko at komportable pang humiga sa kama ko. "Hindi nya sinabi eh. Hinanap ka lang nya tapos ang sabi nya tawagan mo daw sya once na magising ka." Inamoy pa nito ang unan ko, "Bango ng unan mo babe, anong shampoo mo?"

"Loka ka, Downy Passion lang yan, yung red ang packaging," naglakad ako papunta sa vanity table ko at nagsuklay. "Tingin mo may problema sya? Emergency daw ba?"

Nagpagulong gulong pa ang bakla, naninibago ata at ngayon lang nakapasok ng room ko. Bibihira din kasi kami na mag-abot kaya kadalasan ay naka-lock naman ang room ko. "Maganda ka na. Wag ka na magpa-cute dyan sa salamin. Kahit naman anong gawin mo ay hindi kita type!" pagbibiro pa nito na parang nasusuka. Kapal talaga ng mukha ng baklang to. Ganda ko kaya!

Bigla naman itong nagseryoso at sinagot ang nauna kong tanong. "I don't think naman na may problema sya. In fact, she sounded happy and excited. But call her na din tas ichika mo sakin kung anong sinabi. Hehehehe."

Inirapan ko na lang ito. "Excuse me! Hindi din po kita type." Tinignan ko ang orasan ko and manual na nagkalkula sa utak ko kung anong oras na sa Pilipinas. "Masyado nang gabi kina ate. Mamaya ko na lang siguro sya tatawagan, malamang tulog na yun. Ang hirap pa naman pag biglang naputol yung tulog mo." I stressed out my last words para patamaan talaga sya. Masama pa rin ang loob ko na walang awa nya akong ginising.

"Hehehe. Sorry na, babe. Naexcite lang kasi ako baka kung anong chika yun. Noted po next time, pipigilan ko na ang sarili ko. Treat na lang kita later ng food, sleep ka muna."

Bigla naman na umaliwalas ang mukha ko, "Awwww, babe. Labyu na talaga. Hihihi." sabi ko at niyakap ito.

"Yuck! Layuan mo nga ako! Rapist!" sabi nito na umiirit pa.

Halos maubusan naman ako ng hangin sa kakatawa. Napaka overacting talaga ng baklita na to. "Ang arte po ah! Hindi mo lang alam kung gaano karaming boyla ang nagnanais na mayakap ako. Swerte mo nga eh!"

Todo ismid pa ito, "Well, kung yung mga boyla mo pa ang pinapayakap mo sakin, baka natuwa pa ko. Oh sya, aalis na ko dito at nang makapag-beauty rest ka na. Para naman mapantayan mo kahit kalahati man lang ng kagandahan ko!" Sabi nya at dirediretsong lumabas sa kwarto ko na animo'y nasa runway kung maglakad.

Hay. Nakakaloka ka talaga Juan Carlos.



===

Twelve hours ang time difference ng New York and Philippines.

Sa sobrang deprived ko ata sa tulog for the past weeks, I slept off this whole Saturday. Nawala na ang plan ko na mag-gym dahil 7pm na ako nagising. I was planning to call Ate Coleen but I'm afraid that I might wake her up if I do so. It's only 7 am, Sunday in her time.

I decided to grab my phone and play some music while I am preparing for my food. This will be the first meal I am having for the day and I am starving like hell. Thank God, babe is a good cook and he is so considerate para tirhan ako ng food sa fridge. I ended up only needing to heat up my food, and good gracious, it is my favorite adobo.

After eating as if there is no tomorrow, I took a quick shower. I think, natapos ako around 9 pm. Wala pa din si babe, and I conclude that he has a night out party like how his weekend usually goes and napagod na sya sa pagyaya sakin dahil hindi naman ako sumasama. It's just not my thing. I tried clubbing once here in New York with some peers from my masters class but I only ended up getting bored and almost raped at the end of the night so it became a big no-no for me. The perverts here are much more aggressive than those in the Philippines.

10 pm. Now, I think that this is the best time to call Ate Coleen. So I dialled her number via Skype and after few rings, I heard her voice.

"Hi Siiiiiiisssss!" she greeted me.

I laughed with the sound of her voice, "Why so perky, ate?"

I also heard my sister laughing from the other line. "Sorry na Lex. Na-miss lang kita ng sobra. Ang tagal na kasi since last tayong nagkausap. Tapos ni wala ka man lang na kahit anong social media network. God! Ano na kayang itsura mo ngayon?"

She is right. Since I left the Philippines, I disabled all my social media accounts, natatakot kasi ako na ma-contact NYA ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang naging desisyon ko ---

"Syempre, maganda pa din ate. Pero mas maganda ka pa din," I said.

Lalong lumakas ang tawa ni ate, "Bola ka pa din. Oh sya, umuwi ka naman dito sis. Baka pwedeng mag-resign ka na dyan. Dito ka na ulit tumira. Tapos ka na naman sa masters and sure na manager ka na pag bumalik ka dito." Malungkot na sabi nya.

Sa totoo lang, matagal na din talaga akong napapaisip na bumalik ng Pilipinas. Ilang beses ko na din na nakausap ang manager ko sa firm dahil na rin sa pamimilit ni babe. Gusto na kasi nitong bumalik ng Pilipinas dahil ito na ang inaasahan na magpatakbo ng business nila pero ayaw naman nito na maiwan ako.

Pinayagan naman ako na mag-resign once final na daw ang desisyon ko at may trabaho na ako na malilipatan pag-uwi ko.

Kaya lang ay natatakot ako, hindi ko alam kung handa na ako sa pwede kong mabalikan o maabutan. Simula nang umalis kasi ako ay wala na akong nabalitaan tungkol sa KANYA.

Isinara ko ang sarili ko mula sa nakaraan. Mula nang dumating ako dito limang taon na ang nakakaraan, ni minsan ay hindi ako nakipag-communicate sa kahit sinong kaibigan ko. Alam nila ang plano ko ngunit hindi nila alam kung saan ako nakatira at iba pang mga impormasyon na maaring magturo sa kanila kung nasaan ako.

Within five years, naging maayos ang career ko. Natapos ko ang masters degree at napagsabay ko iyon sa trabaho ko sa isa sa big four global audit firms, ilang beses na na-promote at nagkaroon ng maraming kaibigan, ngunit hindi pa din nangyari na lumipas ang isang araw na hindi SYA sumagi sa isip ko.

"Hello Earth to you, Sis!" bigla nitong tawag, hindi ko napansin na ilang minuto na din pala akong hindi nagsasalita. "No pressures though, pero namimiss lang kita. Isa pa ay may malaking balita kasi ako para sayo. Hehehe."

"Ano naman yun, Ate?"

Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim, "Engaged na ko, sis!"





-HazyCrazyMind-

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now