Chapter 11 : 7 Minutes in Heaven

2.9K 72 6
                                    


-Kara-

Zeus and I just cuddled for the rest of the afternoon. No one dared to talk, as if talking would spoil this magical moment.


I am fully aware that this is wrong, but this just feels so right and I sincerely hate myself for that.


"I have to go," mahinang sabi ko. Tiningnan lang ako ni Zeus at marahang tumango.


Niluwagan nito ang pagkakayakap nito sa akin, muli ay hindi ito nagsalita. Pinanood lang ako nito na maglakad patungo sa pintuan hanggang tuluyan akong makaalis.



===

"Babe, saan ka nanggaling?" ang tanong na bumungad sa akin pagkabalik ko sa aming kwarto, nakabalik na pala ito. Halata sa mukha nito ang buong pag-aalalala.


Dire-diretso akong naglakad at naupo sa aking kama. Hindi ko napigilan ang maluha. Sobrang guilt ang nararamdaman ko. "Ang sama sama ko, babe. Fiance na siya ni ate. Dapat ko syang layuan, pero konting lapit lang niya, bumibigay na agad ako."


Napatigil ito sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit, "Bumigay ka? Isinuko mo ang Bataan?"


"Sira! Hindi ganon, loko ka talaga, Juan Carlos," kung kanina ay naiiyak ako ay bigla naman itong napalitan ng mahinang pagtawa. "Basag trip ka talaga, kahit kailan. Nag-eemote ako dito!"


Nakitawa din ito ng saglit, "Pinapatawa lang kita babe. Oh di ba effective?"


Napangiti naman ako, "Aww ang sweet mo naman, JC."


Ito naman ang biglang nangasim ang sikmura, "Heh! Ang pangit mo kasing tingnan pag umiiyak ka, nakakairita!" saad pa nito. "Buo pa naman pala si Cherry, anong iminamaktol mo dyan?"


Muli na namang nagbalik ang guilt sa akin at kasunod non ay ang panunubig ng mga mata ko, "He kissed me and hold me, and I let him do that."


Nakita kong naglakad ito patungo sa comfort room. Pagbalik nito ay may dala na tiong tissue na inabot sa akin. Naupo din ito sa tabi ko.


"Salamat."


"Babe, ilang taon din tayo na magkasama, and you are one of the most amazing and loving persons na nakilala ko. I cannot judge you na malandi ka or what, dahil alam kong hindi ka ganon. But the question now is, ano ba ang gusto mong mangyari?" seryosong tanong nito.


"Hindi ko alam, babe," kahit ako ay tinatanong ko din ito sa sarili ko pero hindi ko mahanap ang sagot. "Basta ayokong masaktan si ate. Sinusubukan ko naman na layuan si Zeus eh, pero lapit sya ng lapit---"


"Eh paksyet naman pala sa kalandian yang ex mo! Puputulan ko yan!"


"Puputulan talaga? Ang bastos mo naman! Gusto mo lang ata maka-tsansing," tudyo ko dito.


"Enebeeee. Hendee keyeee! Hehehe"

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now