Chapter 2 : The Sisters

2.8K 49 5
  • इन्हें समर्पित: BlackLily
                                    

-Kara-

If there is one reason why I am extremely thankful that my father married again, that would be my sister, Coleen. Growing up as the only child to busy parents, I never had anyone whom I can share my thoughts with. My father is an unbankable lawyer and my mom is a very dedicated high school teacher. I can say that they never made me feel unloved, but the fact that I cannot spend too much time with them, I believed that it somehow affected me psyschologically. I grew up to be a closet, quiet type of a person.

I was twelve years old when my mom died due to a vehicular accident while on their fieldtrip. I was devastated, no one can make me talk. My dad hired a psychiatrist to help them identify what I am going through, and it did helped somehow. I was able to accept that my mom is gone, but for months that I was not talking, I find it hard to start opening up to other again. Until I met Coleen.

Nakilala ko ito noong panahong nagde-date pa lang si dad at Tita Sofia.

Tita Sofia is a sophisticated woman but she is also kind and sweet. Naramdaman kong ginawa nito ang lahat upang mapalapit sa akin kaya naman nang magpropose ang dad ko dito ng kasal ay hindi na din ako tumutol.

On the other hand, Coleen is a very lively girl. Mahigit dalawang taon ang tanda nito sa akin pero dahil petite ito ay mukhang halos magkasing edad lang kami. Kahit noong mga panahon na hindi ko ito kinakausap ay palagi pa din nito akong nilalapitan at niyayang makipaglaro. Hindi nito ako sinukuan hanggang isang araw na-realize ko na lang na unti unti ko nang nagagawang magsalita kahit pailan ilan lang. I owe her my recovery.

Mula noon naging close na kami ni Coleen at buong puso ko na syang tinanggap bilang ate ako. Lumaki kami ng magkasama nang magpakasal na si Dad at Tita Sofia, until she moved out nung mag-college sya sa De La Salle. Every month na umuuwi ito, she never failed to allot her time para magkaroon kami ng family bonding kaya naman na-maintain pa rin namin ang aming closeness.

Pero nang magsimula na din akong mag-college sa UP Diliman, doon na naging madalang ang aming pagkikita. Sa sobrang pressure ko din kasi sa pag-aaral, samahan pa ng organization na sinasalihan ko, UP Underground Music, naging abala na din talaga ako. Kapag may sobrang oras pa si ate, siya na lang mismo ang bumibisita sa condo ko. Si dad naman ay mas lalo nang walang oras sa akin dahil nagsimula na noon ang regular show nito sa TV kaya mas nadagdagan pa ang popularity nito at mga kliyente.

===

Habang binabalikan ko ang nakaraan, napagtanto ko kung gaano pinahalagahan ni ate ang relasyon namin bilang magkapatid kaya naman naisip ko na dapat lang na umuwi ako lalo pa ngayon na ikakasal na ito. Mula sa pagkukwentuhan namin kagabi ay nabanggit nito sa akin kung gaano na ito ka-pressured para sa wedding. Since na-promote kasi ito nitong nakaraan lang na buwan bilang senior marketing director, nadagdagan pa ito ng mga trabaho. Dagdag pressure pa ang wedding preparation lalo pa at plano nila na maikasal sa loob ng anim na buwan at hanggang ngayon ay wala pa silang nasisimulan!

"Hay nako, babe. Umuwi ka na kasi. Tulungan mo si Ate Coleen. And para makapag-relax ka din," biglang sabi ni babe nang mapansin nito na natulala ako habang nanonood kami ng movie sa sala.

Kumuha ako ng pizza at isinubo ito bago sumagot, "Oo, naisip ko nga din yun. Kausapin ko siguro yung partner ko pagbalik nya from vacation. Okay naman na sa manager ko and matagal nang naka-pending sa kanya yung resignation letter ko. Na-release ko naman na lahat ng accountabilities ko kaya okay na siguro mag-resign ako anytime soon."

Napansin kong nakatitig pa din sa akin si babe kaya tinanong ko ito, "Waah! Anong tinititig mo sakin dyan? Nai-inlove ka na ba sakin?"

Hinampas nito sakin yung maliit na unan, "Gaga! Asa ka pa!" maarteng sabi nito bago nagseryoso, "Pero ready ka na ba bumalik ng Pilipinas? Syempre masaya ako na babalik ka na, babalik na tayo. Pero ang tanong, handa ka na ba sa kung ano man na maabutan mo dun?"

At sa tanong na iyon ay hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam ang sagot.

===

Five years ago the night before leaving for New York...

"Hera, thank you for trusting me. I love you so much," sabi ni Zeus habang yakap yakap ako.

Nahihiya akong tumingin dito dahil sa nangyari kaya pabulong lang na sumagot ako, "I love you, too."

Napansin ata nito ang nararamdaman ko. Hinawakan nito ang aking pisngi at mas lalong pinahigpit ang pagkakayakap sa akin. Tila wala nang natitirang pagitan ang aming mga katawan. "Look at me, Hera. Nahihiya ka ba sa akin? Don't be. Papanagutan kita. Magpakasal na tayo."

Natigilan ako sa sinabi nito at naiiyak na din ako. Kasal? Gusto ko mang magpakasal sa kanya ay alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. "Okay lang ako, Zeus. Wala naman nangyari sa atin."

"But muntik na, and I touched you, I almost did it ---"

Mabilis ko itong hinalikan upang matigil sa kanyang pagsasalita, "Exactly. Thank you for respecting me. I love you so much but wag tayong magmadali. Bata pa tayo. Kaka-graduate lang natin. Kakapasa lang ng board exams. Magsisimula pa lang tayo ng ating career."

Natahimik itong saglit, tila pinag-iisipan ang mga sinabi ko. Sa huli naman ay pumayag din ito, "Hera, anong gusto mong kasal?"

Ako naman ang malalim na napa-isip sa tanong na iyon. Bata pa lang ako ay palagi ko nang pinapangarap na ikasal sa isang prinsipe, at naniniwala ako na si Zeus na ang prinsipe ko. "Okay lang sakin kahit ano, basta ba ikaw ang groom ko."

Kinurot naman nito ako sa tagiliran at mahinang tumawa, "Yan na ba yung part na dapat kiligin ako?" Hinalikan nito ako sa noo at muling nagtanong. "Halimbawa, ano yung favorite color mo, yung magiging motiff ng kasal natin? San mo gustong ikasal tayo, sa simbahan ba o sa beach? Ilang mga bisita?"

Lalo na kong naiiyak sa mga tanong nito ngunit pinipigilan ko. Ayokong mahalata nito na may problema ako-- na siya ang problema ko, "Gusto ko yung color na plum, ang classy kasi tingnan. Tapos mahaba yung gown ko na sobrang flowy--yung katulad ng sa mga Disney Princesses na gown." Napapikit ako para pigilan sa pagpatak ang mga luha ko bago ko pinagpatuloy ang mga sasabihin ko "Gusto ko yung church wedding, doon sa Batangas, dun yung pinakamalaking church sa Asia, gusto ko dun. Madami tayong iinvite, lahat ng mga friends natin mula nung mga bata pa tayo, dapat nandoon, para makikita natin kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Kung pwede lang sana natin na imbitahan ang buong mundo ---"

Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol, "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong sakin ni Zeus.

"Mahal na mahal kasi kita at gusto kong ikasal sayo. Pero hindi pa pwede---"

"Sshhhh. Naiintindihan ko. Hihintayin kita kahit gaano katagal. Mahal na mahal din kita."

Sana nga. Sana. "Zeus, gusto ko yung themesong sa kasal natin ay yung song na kinanta mo sakin nung una mo kong hinarana, ano nga ulit yung title non?"

Natawa sya ng konti at hinalikan ako ng mabilis bago sumagot, "Never Seen Anything Quite Like You."

  -HazyCrazyMind- 



My Sister's Fiancé (ON HIATUS)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें