Chapter 6 : The Past

2.4K 49 2
                                    

"This is going to sound crazy, but... from the moment I first set eyes on you I haven't been able to stop thinking about you."

― Leigh Fallon, Carrier of the Mark

-Kara-

It was crazy. Hindi na ako nagpakita ulit sa org after nang encounter ko with Lexus Nilo. Natatakot ako na makasalubong ko ulit ito. Hindi ko alam kung bakit presensya pa lang nito ay sobrang nagpapakabog na sa puso ko.

Itinuon ko na lamang ang buong pansin ko sa aking academics, lalo pa at humihirap na ang mga lessons namin dahil madami na ang mga major subjects, lalo na ang Financial Accounting---napaka kapal ng libro at napakaraming kailangang aralin. Ang mahirap pa rito ay hindi lamang ito basta dapat imemorize, kailangan ng matinding analytical skills. Terror din ang professor namin kung magbigay ng exam. Kilala daw ito na "The Executioner" professor. Quiz pa lang ay tila board exam na sa hirap. Sa halip na maiyak ako ay pinipilit ko na lang magpaka-positive na at least, hindi na ako masyadong maninibago pagdating ng actual.

After ng finals, naisipan ng mga friends ko na mag-celebrate sa bar. First time kong pumunta sa ganoong lugar kaya naman hindi talaga ako komportable. Una sa lahat, hindi ko gusto makakita ng mga lalaking lasing, natatakot kasi ako sa kanila. Marami na kasi akong nabalitaan na mga babaeng napagsamantalahan sa mga ganitong lugar. Isa pa, napaka-iksi ata ng pinahiram sakin na damit ng kaklase ko na si Agatha. Isa itong mini dress na ang haba ay hanggang kalahati ng aking hita na feeling ko ay lalong umiiksi sa tuwing gumagalaw ako. At dahil nga nude ang color nito at body fitting, pakiramdam ko ay wala akong suot! Lalo tuloy akong nako-conscious tuwing may napapatingin sa akin.

Wala naman akong dress na pwedeng isuot dito dahil palagi lang jeans at long sleeves or polo shirt ang suot ko sa school. Sabi nila ay hindi daw iyon naaangkop sa ganitong lugar kaya wala na din akong nagawa.

Tatlong oras na din kaming nandito at lasing na ang mga kasama ko. Nagpapasalamat na lang din ako at hindi naman nila ako pinilit na uminom. Hindi na sila nagreklamo nang sinabi ko na juice lang ang sa akin. Hinayaan din naman nila ako na kumuha ng pulutan kahit ganon. Yun lang, nakantyawan ako. Pero okay lang naman. At dahil nga lasing na sila ay kanya kanya na silang sayaw sa gitna. Alam ko naman na wala akong talent doon kaya pinili ko na lang na maupo sa couch at manood sa tumutugtog na banda. Hanggang sa naramdaman ko na tila may nakatingin sa akin.

Nagpalinga linga ako sa mataong bar na iyon hanggang magtama ang aming mga mata. At katulad nang palaging nangyayari ay bumilis ang tibok ng puso ko. Si Lexus Nilo.

Kahit pa nahuli ko na na nakatingin ito sa akin ay hindi pa din nito inaalis ang pagkatitig. At nang hindi ko na kinaya ang init na nagmumula sa kanyang mga mata ay ako na muli ang umiwas. I need to go to the powder room NOW.

Pagkatapos kong mag-freshen up ay bumalik na ako sa couch ngunit hindi ko nakita ang mga kasama ko. Pagtingin ko sa orasan ay pasado ala una na. Hindi pa naman ako sanay matulog ng lampas 10pm kaya inaantok na talaga ako. Magpapaalam na akong umuwi.

Hinanap ko si Agatha sa dance floor para magpaalam sa kanya at sabihin na pagkalaba ko na lang isasauli ang kanyang dress. Ngunit masikip sa dance floor at naipit ako sa pagitan ng mga taong nagsasayawan. Naramdaman ko na lang na may kumapit sa aking baywang habang ikinikiskis ang kanyang harapan sa aking likuran. Napapikit na lang ako at nagdasal. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.

Humarap sa akin ang lalaki at nakita kong matanda na ito. Mga doble siguro ng edad ko. Nakangiti sya sa akin ng nakakatakot. "Miss, sayaw pa tayo. Ang sexy mo naman! Wag kang matakot sa akin. Mabait naman ako. Papaligayahin kita."

Lalo akong kinilabutan nang marinig ko iyon, "Kuya, kailangan ko na pong umalis."

Lalo nya akong hinapit kahit na pilit ko siyang itinutulak palayo. "Bakit ka naman lumalayo, baby girl? Mayaman ako. Magkano ba ang gusto mo?"

Takot na takot na ako. Gusto kong sumigaw ngunit nanunuyo ang lalamunan ko, "K-kuya, hindi po. Aalis na po ako." Pilit ko pa din syang tinutulak, "Bitawan nyo po ako, pakiusap."

Lumaki lalo ang ngisi ng matanda, "Paano kung ayoko, baby girl? May magagawa ka ba?"

Naramdaman ko na lang ang pagluwag nang pagkakahawak sa akin ng matanda, ngunit may pumalit naman sa kanyang mga kamay na nakapulupot sa akin. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayan kung saan na ako papunta. Ang alam ko lang ay may kumakaladkad sa akin na malaking bulto ng katawan.

Panibangong manyakis ata ito!

Pinilit kong hilahin ang kamay ko at nagtagumpay naman ako. "Sino ka ba at saan mo ako dadalhin?"

Humarap ang lalaki at nakita ko ang pagkayamot sa mukha nito, "Fuck! How can you be so stupid that you go to this place? And why do you look like a whore?"

Sobra akong nainsulto sa sinabi nya ngunit sa sobrang pagod at stress ko sa araw na ito ay hindi ko na ito nagawang sagutin. Naiyak na lang ako.

"What the hell? Why are you crying?" ito naman ay biglang nagulat at halata na nag-alala.

Pagkatapos nito akong pagalitan, mag-aalala ito sa akin? Tanong ko sa sarili ko na lalo pang nagpaiyak sa akin. Nakaka-frustrate siya!

Inalo naman nito ako, "Hey, I did't mean to shout. I am not mad at you, okay? C'mon, let me drive you home."

Nang makarating kami sa harap ng kotse nya ay hilom na ang luha ko. Pinagbuksan nito ako ng pintuan ngunit hindi pa din ako pumapasok sa loob. Napansin naman nya ang pagiging hesitant ko.

Bakit naman ako sasama, hindi naman kami close, baka mamaya kung saan pa ako dalhin nito.

Tila nabasa ata nito ang naiisip ko, "Woman, I didn't save you just to molest you, okay? Now get in before I personally drag you inside."

Naalarma naman ako doon kaya sumunod na lang ako sa gusto nito. Isa pa ay hindi naman ito nababalitaan na babaero, suplado pa nga ito sa mga babae.

Sa gitna ng katahimikan ay bigla itong nagtanong, "Care to tell me where do you live?"

"Gold Empire Residences, QC," maiksi kong sagot.

Natigilan naman ito at nang silipin ko ang reaksyon sa rear-view mirror ay pansin kong nagpipigil ito ng ngiti. Weird.

Muli itong nagsalita, "Great! Magkapareho pala tayo ng tinitirhan."

"WHAT?" hindi ko na napigilan ang pagkagulat ko sa sinabi nya.

"What a coincidence right? So the girl who ran away from me just because I talked to her lives in the same building as me," sabi nito as if he's trying to figure out something. "You cannot call me Lex."

Hindi ko napigilan na magtaas ng kilay sa sinabi nito, "You are Lex, so you cannot call me Lex. That would sound stupid and confusing."

Napaisip akong mabuti kung anong dapat kong itawag dito. Hindi naman bagay ang Nilo. Alexus is too long, "Okay. I will call you Zeus." I believe that it suits his God like attitude, demeanor, and appearance.

He seemed to think about it, "Zeus. I like it. So you will be my Hera, Kara Alexia Hernandez."



And those words, the way he said my name,  made my heart beat faster than it ever did before.





-HazyCrazyMind-

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now