Chapter 15 : Coleen

2.2K 51 4
                                    

-Coleen-

"Coleen, ikaw ang ipapadala ko sa LNA Engineering and Architectural. Charm the CEO, I heard he's a bachelor para ma-close natin ang deal na ito," my boss, Marina, said then winked at me. "Baka sya na din ang forever mo! Ipalit mo sa gago mong ex."


She loves pairing me with all the bachelors she know since she is aware on how epic fail my love life had been.


"Ano ba talagang purpose ng meeting namin, business proposal or date?" matagal na akong nagtatrabaho para kay Marina kaya nasasagot ko ito sa ganoong paraan.


"Who knows? Maybe, you can hit two birds in one stone," sabi nito.


Kinakabahan ako sa business proposal na ito. Kapag na-seal ko ito ay sigurado na ang promotion ko. Malaking pera ang maipapasok nito sa aming kompanya. Ilang colleagues ko na mula sa Marketing and Sales Department ang sumubok na makipag-usap dito ngunit hindi pa din tinatanggap ng CEO ng LNA ang proposal. Masyado atang perfectionist ang may-ari. Hindi ko pa man nakikilala ito ay naiinis na agad ako.


Kinaumagahan ay maaga akong gumising upang makapaghanda. I wore the best pair of Givenchy's. I think that I am overdressed, but it doesn't matter. I just want to impress him. I had to.


I arrived at the building an hour earlier. This is the most advanced buildign I've been to. Halatang mayaman ang kompanya. I logged in my name and was told by the receptionist to wait since 10am pa daw ang appointment ko. I am only allowed to go to the proper floor 15 minutes before my actual schedule.


While waiting, I was re-reading the proposal, trying to memorize every lines. I am not good at memorization but since I prepared this, so this should be easy. Wag lang sana mag-inarte ang client.


"Ma'am akyat na po kayo." That was my cue. I was led to the elevators by one of the guards. I just tapped my access card on the elevator scanner and I am directed to the floor of the CEO at 45th.


Kung anong rangya ng style sa lobby ay kabaliktaran naman sa office ng CEO. Akala ko nga ay nagkamali ako ng floor. Napakasimple nito. Kulay black and gray ang interior. Napaka-lungkot ng kulay!


"Miss Uy, I will just call Mr. Ambrosio so you can proceed to his office," anang babae na secretary ng CEO.


"Okay, thanks!"


Nakita kong nakipag-usap ito sa telepono. Muling tumingin sa akin ang sekretarya, "Ma'am anong company nga po kayo?"


I almost rolled my eyes dahil kumpleto ang details ng invite na sinend ko so bakit pa nila ako tinatanong noon, "I am from Tough Builder Construction Supplies, Inc."


Narinig ko na inulit nito ang sinabi ko sa telepono, "Tough Builder po, Boss." Bigla ang pagkunot ng noo nito, "Ah okay po. Sabihan ko po si Ms. Uy."


Ibinaba nito ang telepono at lumapit sa akin.


My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon