Chapter 20 : Daring Couple

2.4K 75 12
                                    


-Kara-


Pag gising ko kinaumagahan ay wala na si Zeus.. I mean Lexus. Hanggang ngayon ay nalilito pa din ako. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na tawagin itong Lexus pero siguro sa isip ko naman ay okay lang na tawagin ko itong Zeus. Hindi naman ito yun malalaman.


Hindi ko alam kung matutuwa ako o madi-disappoint na hindi ko na ito naabutan ngayong umaga. Sadly, mas lamang ang disappointment ko.


After fixing myself ay agad din akong bumaba upang mag-agahan.


Hindi pa man ako nakakalapit sa dining table ay naamoy ko na ang bacon and egg.


"Bakit nandito ka pa din?" gulat na tanong ko.


Tiningnan lang ako nito na parang walang narinig. Dire-diretso pa din ito sa pagpe-prepare ng mga pagkain sa dining table ko.


Matapos mailatag ang mga niluto at mga pinggan ay lumapit ito sa akin at agad na dinama ang noo ko.


"Great! Hindi ka na mainit. Eat now, we're going somewhere," sabi nito at nauna nang umupo sa dining area.


Hindi naman ito masyadong at home!


"Bawal pa akong lumabas---"


"Enough already. Natiis ko na yung pagpapanggap mo kahapon na may sakit ka---"


Bigla akong natigilan sa pagkain. "What did you say?"


Tila hindi naman ito apektado nang sumagot sa akin, "I knew you were not sick yesterday. You can't sleep when you're sick. You just keep on crying," sagot nito na hindi tumitingin sa akin at patuloy lang ang pagsubo ng pagkain.


Okay. Busted.


"What do you mean that we're going somewhere?" change topic ko na lang.


"Food tasting ang schedule natin today in QC."


Umasa ka naman na date, para sa wedding plans pala naman ng ate mo.


"Hindi mo ba kayang ikaw na lang? Sasamahan ka naman ni Stephanie," sinubukan kong makipag-negotiate dito.


"No, she's not coming with us. Besides, did you forget your promise to Coleen? That you'll help me? She'll be disappointed if---"


"OO NA! Sasamahan ka na!" grabe talaga ito, pina-guilty pa ako. "So, san tayo magkita?"


Tumayo ito at ipinatong ang pinagkainan sa sink, "We're going together."


"Wala ka bang plan maligo, mag-change ng clothes?" Hindi kaya ito nakakahalata na kagabi ko pa ito tinataboy?

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now