Chapter 19 : Friends

2.4K 81 15
                                    

-Kara-

"Achooo! Sorry, masama ang pakiramdam ko. Hindi kita masasamahan."


Matapos ang sampung missed calls ay napilitan na akong sagutin ang tawag ni Zeus---I mean ni Lexus--- I mean KUYA Lexus. Siguro ay dapat na masanay na akong ganon ang itawag dito.


Ngayon ang first official meeting namin with Stephanie. Bibigyan daw kami nito ng schedule ng mga dapat naming gawin and so on.


"Bakit ka naman nagkasakit?"


Na-friendzoned kasi ako.


Pinilit kong suminghot-singhot at umubo-ubo at mahinang nagsalita, "Wag ka na nga'ng makulit. Gusto ko na lang magpahinga."


Pagkasabi noon ay agad ko nang pinatay ang tawag nito. Agad akong bumangon upang maglinis ng condo ko. I need to keep myself busy para kahit papaano ay mawala ang makulit na lalaki sa isip ko.


Ngunit kahit ata anong gawin ko ay imposibleng mangyari iyon. Nakapagpunas na ako ng sahig, nakapaglinis ng CR, nakapag-laba at sampay pero pumapasok pa din ito sa isip ko, lalo na ang mga huling kataga na binitawan nito.


"Why don't we start by being friends?"


Friends ka dyan!  Hindi tayo friends! Never!


Parang mababaliw na ata ako kakaisip non. Kailangan ko ng kausap. Tawagan ko na lang kaya si babe?


"Hello, babe?" nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses nito. Medyo matagal tagal na din ng huli kaming magkausap. Madalas din kasi itong abala sa pamamalakad ng family business.


"Babe! Buti naman sumagot ka!"


"Bakit parang frustrated ka ata? Wuhapen?"


Agad ko namang ikinwento dito ang naging pag-uusap namin ni KUYA Lexus. Wala akong iniwan kahit isang detalye.


"Lakas mong maka-KUYA ah!" natatawang sabi nito.


"Sa dami kong kinwento, yan pa talaga ang napansin mo!" reklamo ko naman.


"Ang awkward pakinggan, babe. Kinikilabutan ako. Haha!" komento pa nito.


"Ewan ko sayo. Seryosohin mo naman yung sinasabi ko!" Bakit nga ba ito pa ang naisip kong tawagan?


"Tigas din naman feslak ng ex mo, babe, friendzoned peg mo ngayon. Hihi."


Hanggang ngayon ay napapaisip pa din ako kung paano talaga ang setup namin kung magiging magkaibigan ngakami. "Pwede ba talaga yon, babe? Yung maging friends kayo ng ex mo?" tanong ko dito.


Agad naman itong sumagot, "Oo naman, babe. Ayos yun. Napanood mo ba yung movie nina Justin Timberlake at Mila Kunis?"

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Where stories live. Discover now