Chapter 13 : A Fatty Tease

2.6K 67 16
                                    

-Kara-


Hanggang makauwi ako ay masama ang loob ko. Ang lakas talaga mambwisit ng loko, buti na lang at nakausap ko si Manang Lupe at kahit papaano ay nabawasan ang isa sa mga pinag-aalala ko.


"Bumaba ka na din para makapag-breakfast na tayo," sabi ni Zeus bago ako tuluyang iwan sa kwarto nito.


Nang makalabas ito ay saka ko lamang naalala na hindi ko pala naitanong dito kung pwede ako makahiram ng damit na pamalit upang makapaglinis ako ng katawan bago umalis. Bukod sa malagkit na ang pakiramdam ko dahil ni hindi ako nakapaghilamos kagabi bago matulog ay nasisikipan pa ako sa suot kong shorts.


'Tumaba ka.'


Nainis na naman ako. Na-conscious tuloy ako sa itsura ko. Ilang buwan na din pala akong absent sa gym at napapasarap pa ang kain ko dahil talaga namang na-miss ko ang mga lutong pinoy. Pero sa tingin ko ay hindi naman ako masyadong tumaba. Payat lang talaga siguro ako five years ago.


Kanina ay nagulat din ako nang malaman na naitabi pa nito ang luma kong shorts, pero nang buksan ko ang wardrobe nito ay doon naman ako tuluyang namangha.


Maayos pa din ang pagkakatabi ng mga damit na iniwan ko dito noon. Madalas kami na mag-overnight movie marathon dati sa lugar nito kaya may naiiwan ako na mga damit.


Kumuha ako ng maong shorts at knitted pull-over. Namula ang mukha ko nang makita kong may undies din pala ako dito. Sana ay hindi pa sikip ang mga ito sa akin.


Mabilis akong nag-shower at nagbihis na din. At tulad nga ng inaasahan ko ay masikip ang shorts at hindi ko na din naisara ang butones nito. Maging ang bra ay masikip din. Pinagkasya ko na lang ang mga ito at bumaba na ako para mag-agahan.



"Kara!" nakarinig ako ng pamilyar na boses at natanawan ko si Manang Lupe na patakbong lumapit sa akin. Sinalubong ko ito at agad niyakap.


"Hija, miss na kita! Ngayon ka na lang ulit nagpunta dito," ramdan na ramdan ko ang sinseridad sa boses nito. Ito ang nagpalaki kay Zeus dahil busy ang mga magulang.


"Na-miss din kita, manang! Parang hindi ka tumatanda ah," sagot ko dito.


Napatawa naman si manang, "Hanggang ngayon ay bolera ka pa din, hija!" Tinitigan naman ako nito matapos kumalas sa pagkakayakap namin, "Lalo kang gumanda!"


"Thank you, manang---"


"Kaya lang ay medyo tumaba ka," dugtong nito na nagpasimangot sa akin. Hindi naman!


Ito naman ay natawa sa reaksyon ko at tila may naalala, "Muntik na hindi magkasya sayo yung dati mong shorts, hija. Hirap na hirap nga akong isuot iyon sa iyo. Sobrang maluwag naman kung iyong kay anak ang gagamitin ko."


Napatulala ako sa sinabi nito at tila nabuhayan, "Kayo po ang nagbihis sa akin?"


My Sister's Fiancé (ON HIATUS)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن