CHAPTER ONE

3.6K 84 0
                                    


-Hera's Point of View-




"A-anong gagawin mo?!" Kinakabahang sigaw ko sa kanya. Kahit natatakot ako ay hindi parin nawawala sa akin ang maakit sa mukha ng lalaking ito. His messy hair, eyebrows, pointed nose and 'yong lips? Why is it so kissable? Tigilan mo na nga Hera!

Bakit ba ako nagiisip ng ganito?

Sumampa siya sa higaan papalapit sa akin. Hindi pa gaanong nakakarecover ang likod ko mula sa pagkakabagsak. Hindi naman kasi kalambutan ang higaang ito na mayroon sa inuupahan kong dorm. Ngayon, sa bawat paglapit niya ay siya ring layo ko. Nakakatakot ang bawat ngisi na ibinibigay niya sa akin. Papikit pikit lang ako ng mariin at nagiisip ng kung ano. Wala na ba akong pwedeng gawin? Lumingon lingon ako para tignan kung anong pwedeng ihampas sa lalaking nasa harapan ko. Lampshade, alarm clock... lamesita?

Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na malapit na malapit na siya sa akin. Mabilis akong napaatras pero kaagad din niyang nahawakan ang kaliwang paa ko. He cornered me.  Langhap na langhap ko ang mabango niyang amoy. Parang pang romantic na pabango ang gamit niya. Something like that... basta mabango at masyadong nakakaakit sa mga babae. Bakit ngayon ko lang napansin ang amoy niya?

"Please, h'wag mo akong sasaktan. . ." Pakiusap ko pa pero parang wala siyang naririnig.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagtapat ang mga mata namin at parang mayroong kung anong gumapang sa loob ng katawan ko. He smiled. Sandali akong pumikit at balak siyang itulak pero biglang nawala ang lakas sa buo kong katawan. Para bang hinigop niya ang lahat ng mayroon ako sa isang ngiti lang. Huli kong naramdaman ang hininga niya sa leeg ko. Sinubukan ko pang gumalaw at kumalas sa mga bisig niya pero wala, parang namatay ang buo kong katawan at hindi na makagalaw. Anong nangyari?

"You're under my special powers."

Anong special powers? Hindi ko maintindihan. Nakadrugs ba ang isang ito kaya siya ganyan? "Please. . ." Tanging naisambit ko, hindi ko kakayanin kung mamatay ako. I mean, hindi ko matatanggap kung mamamatay lang ako!

"Hahaha."

Tumawa siya? Agad kong idinilat ang mga mata ko.

Joke ba 'to?

Good time right?

Tinignan ko siya nang masama. Anong nakakatawa? Hindi naman ako mukhang clown a? O baka naman tumatawa siya kasi wala na akong kawala sa kanya? Gano'n naman ang mga kidnappers at rapist right?

"You know, I like you. I like you as my food," he said while licking his lips.

"A- - anong sinasabi mo, anong pagkain?" Pagtataka ko. Pagkain? Kakatayin niya ba ako? Tapos kukuhain yung mga laman loob ko at ibebenta at yung iba ay kakainin niya? Ano 'to cannibal ba siya? At the moment, naramdaman kong bumabalik ang nawalang lakas sa akin. Parang gusto ko ng kuhain ang pagkakataong sipain siya para makatakbo ako ng mabilis.

"I like your sweet blood," dagdag niya pa saka namula ang mga mata niya. Adik nga siguro siya. Bakit sobrang pula nang mata niya? Oh right, he's an addict! Sino ba naman ang magiisip na kumain ng tao, 'di ba yung mga lutang? Like what I've said before mukha siyang nakadrugs. And here's the evidence...in front of me.

His eyes turning into red crimson like blood. And shocks! Bakit may mahaba siyang pangil na lumalabas sa bibig niya katulad sa mga bampira? Hindi...Hindi totoo ito, wala namang ganyang tao na may mahabang pangil eh! Maliban na lang kung bampira siya! Pumikit ako ng mariin dahil baka panaginip na naman ito. Shit, bakit ba hindi ako tinitigilan ng masasamang panaginip!

Mabilis ang mga pangyayari. Nagulat na lang ako nang hawak hawak na niya ako ng mahigpit at nakatapat na siya sa leeg ko. Hey! What will he going to do? Napahiyaw ako ng malakas matapos may maramdaman akong bumaon sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit, pati ang pagubos niya sa dugo ko. That time he sucked my blood it gave shivers to my spine. Like an electricity flows all throughout my body.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now