CHAPTER 9:

1.8K 71 1
                                    


-Hera's Point of View-

Mali! mali itong nararamdaman ko eh. .

Kailangan hindi ako magkagusto kay Harry.

Una sa lahat baka mabait lang siya para makuha ang gusto niya, yung mainom lagi ang dugo ko. Kasi bampira siya.

Pangalawa, hindi ko pa siya gaanong kilala. Hindi nga ba? Pero kasi unti-unti ko na siyang nakikilala.

'Bakit hindi ko na lang kilalanin pa lalo?'

Pangatlo, baka hindi niya talaga ako gusto? O kaya baka pinaglalaruan niya lang ako kasi nga bampira siya? Arggghhhh ano ba 'to ang gulo!

'Oh naga-assume ka nanaman'

Pang-apat, bampira siya. Alam na alam ko iyan. Magkaibang-magkaiba kami. Tao ako bampira siya. At higit sa lahat panaginip lang ata ito.

Kinurot-kurot ko pa ang sarili, sana talaga panaginip lang pero nasaktan lang ako sa ginawa ko.

Kailangan ko nang umiwas, yung konti lang, yung hindi naman niya mapapansin na iniiwasan ko na siya.

Nako tama ba ito? Bahala na!

7:00 am.

Actually kanina pa ako gising, kanina ko pa pinag-iisipan ang mga gagawin ko, masyado nang napapalapit ang loob ko kay Harry. Pinapanood ko lang gumalaw ang kamay ng orasan dito sa kwarto.

Hays. . . ang hirap mag-isip.
Kahit saan ako pumunta makikita't makikita ko siya eh.

Bumaba na ako para kumain, as usual nandoon si Harry umiinom ng dugo. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.

"Wala si Mary kaya wala ka ring pagkain, i'm sorry but i don't know how to cook human food." hindi ko siya binabalingan ng tingin sa halip ay tumungo na ako sa kusina para magluto ng pagkain ko.

Nakakainis naman, paano ako iiwas kung lagi kong naririnig boses niya?
Tapos gusto pa makita ng mga mata ko ang magaganda at kaakit-akit niyang mga mata.

Nagluto ako ng itlog at hotdog iyon lang ang nakita ko sa isang refrigerator niya pero medyo nasunog dahil sa kakaisip ko, buti nalang hindi natuluyan.

Kumain na lang ako sa kusina, ayaw ko sa dining area. Makikita ko nanaman siya.

You know 'Pag-iwas thingy'

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko, hindi ko na nakita si Harry baka may inasikaso na siya. Mabuti naman.

Kailangan may mapaglibangan ako.
Kinuha ko yung cellphone saka naglaro. Ilang minuto rin akong naglaro sa phone.

'Nasaan na kaya si Harry?'

Biglang pumasok sa isip ko si Harry? Ano ba yan! Paano ako iiwas kung iniisip ko siya lagi!

'Lalo mong iniisip, Lalo mong hinahanap, Lalong hindi makakaiwas'

Halos hindi na ako lumabas sa kwarto ko, kung anu-ano narin ang mga ginawa ko, nagmonologue na ako, kumanta, sumayaw, ginawa yung mga assignments, nagyoga, at kung anu-ano pa.

At ngayon wala na akong magawa at wala na rin akong maisip na pwedeng  gawin. Nakasalampak nalang ako ngayon sa sahig.

"Hera" iyan.

'Yan yung boses na yan kanina ko pa naririnig eh. Nag-iimagine nanaman ako. Pwede ba Hera tigilan mo na si Harry!

"Hey stupid" oh kita mo?

Tatawagin pa akong stupid ang lakas ng imagination ko parang totoo. Mismong imagination ko tinatawag na akong stupid.

Tumayo na ako. Lalabas sana pero nakita ko si Harry na nakasandal lang sa pintuan at masamang nakatingin sa akin.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now