CHAPTER 27:

1.3K 34 0
                                    


-Hera's Point of View-

Hindi parin ako makapaniwala na ako ang nanalo bilang Princess of the Vamps. Pagkalabas ko ng backstage ay sinalubong ako nila Ethan, Harry at ang iba ko pang mga kaibigan. Tuwang-tuwa sila sa akin. Siyempre ako pa ba?

'Kapag sinabi ko, lahat magkakatotoo.'

Niyakap nila ako isa-isa hanggang sa nang matapos ay nag-group hug ang lahat.

"Congratulation, Hera." Saglit lang na dumaan si Sheriaa.

Halata sa kanya ang pagkadismaya. Nagyabang kasi wala naman palang maibubuga. Nagpaalam na ang bawat isa sa amin dahil malapit naring mag-umaga. Kanina ko pa napapansin si Harry na nakahawak sa baywang ko.

"Ingat kayo ah, ba-bye." Huling kaway ko sa kanila bago sila makalayo at mabilis na naglaho.

Sumakay narin kami ni Harry sa kotse, ngayon may driver na siya, at kailan pa siya kumuha ng driver? Tumingin ako sa kanya nang nagtataka pero hindi niya iyon napansin. Tahimik lang kami, walang imik-imik na nakatingin lang sa labas. Nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong kami ni Mary na halos maiyak-iyak na, hingal na hingal pa ito. Parehas lang kaming napatingin ni Harry sa isa't-isa.

"What is it? What happened, Mary?" Tanong ni Harry. Kita sa kanya ang pagkagulat kaya naman agad kong hinawakan si Mary.

"You're here, my son." Kinilabutan ako sa lalaking nagsalita, nakakatakot iyon, pati rin sa mukha ay mahahalata mo na siya ang pinakamataas. "Is she, Hera Jacobs?" tanong nito.
Teka papa ba ni Harry ito? Siya yung nagpadala ng isang bampira para patayin ako?

"Dad, akala ko ba sa sund-"

"I'm here now. Earlier is much better and I want you to meet your future wife." ngumisi pa ito.

Pagkasabi ng papa niya parang tinik na mabilis tumusok at bumaon sa puso ko, hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko o maski ang mararamdaman ko ay hindi ko na maintindihan. Puro nalang sakit yung nararamdaman ko. Hindi ba pwedeng puro saya naman?

"Dad,"

"I want you to meet, Aira Portia." Lumabas ang isang magandang babae basta maganda siya at humalik pa sa pisngi ni Harry na medyo wala sa katinuan.

Kahit mabantot ang pangalan ng babae ay hindi parin nito napapabago ang reaksyon ko, tulala at pinipigilang umiyak. Ito na ba ang katapusan ng pagmamahalan namin?

'Hayan kasi hindi pa sinagot eh, tuloy ipakakasal na sa iba'

Hindi ko na nakayanan ang namuong mga luha sa mata ko. "A-ah excuse me lang po, m-magbibihis lang," paalam ko.

Pagkaalis ko ay agad ng tumulo ang kaninang pinipigilan ko lang na luha. Bakit kasi kailangang mangyari ito sa amin. Sana hindi ko nalang siya nakilala, o kahit hindi nalang ako nagmahal pa kung ganito lang naman matatapos. Hindi! Huwag kang umiyak! Kakayanin mo dahil kaya mo! Ilang minuto pa akong nagtagal sa loob ng kwarto. Tuyo na ang mga luha ko pero tulala parin, nag-iisip ng maaaring gawing kalokohan. Nagbihis na ako at nag-ayos saka bumaba. Naabutan ko lang silang nag-uusap sa sala. Tumingin lang sila sa akin. Yung babae ang ganda niya eh.

'Mas maganda ka diyan'

Umupo ako kung saan hindi malayo at hindi rin malapit kay Harry. In short, magkaharap kami ni Harry samantalang yung tatay at yung babae ay nasa bandang gilid.

"Iha, are you part of this conversation?" Nakangising tanong ng ama ni Harry. Hindi ko maiwasang mainis sa tanong niya.

"I'm sorry po pero ang pinag-uusapan dito ay yung pagpapakasal ng BOYFRIEND ko at ng babaeng iyan." Matapang pero mahinahon kong sambit sa kanya. At kahit na nagulat si Harry sa pinagsasabi ko ay sinuklian niya lang naman ako ng isang ngisi.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat