CHAPTER 7:

1.9K 74 7
                                    

CHAPTER 7:

-Hera's Point of View-

Ano ba naman 'to, wala man lang ibang laro sa cellphone na hawak ko.
Kanina pa ako nagkakalikot sa cellphone na ibinigay sa'kin ni Harry, maganda naman sana kaso walang laro. Nababagot pa naman ako, kagigising ko lang kasi.

"Waaaaahhhh" Humiga nalang ako saka gumulong-gulong sa higaan. Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang boring!

"What happened?" Biglang pasok naman ni Harry sa kwarto ko. Mukhang nag-alala at nagulat ata siya sa pagsigaw ko. Napabalikwas ako bigla mula sa pagkakahiga.

"Ha? Ano wala, wala kasi akong malaro sa cellphone" itinaas ko pa yung cellphone na ibinili niya sa akin.

Tinawanan niya lang ako saka lumabas ng kwarto. Tignan mo 'yon, tatawanan ako tapos lalayas?

Tsk.tsk.

7:00 pm na at mag-aasikaso nanaman ako para sa pagpasok mamaya, hindi ko alam kung matatakot ako o magtatapang-tapangan ako sa school na 'yon ngayon. Nakakatakot parin ang nangyari sa'kin.

"Hey" Lumingon ako sa nagsalita. Si Harry na may hawak na wifi pocket. Inihagis niya 'yon sa akin at cellphone pa ulit, anong gagawin ko rito?

Nagtataka lang na tinitigan ko ito, so? Ano ang gagawin ko dito? Baka naman wala 'tong load.

"Use that wifi pocket to download what games you want, or use my cellphone, there you can find any games." Simpleng sagot ng isang simpleng tao na nakasandal ngayon  sa pintuan.

"Ahmm. . .papasok pa 'di ba tayo?" Walang ano anong tanong ko. Kasi ang sabi niya hindi na muna ako papasok. Nagbabakasali lang.

"Yes. And you can't do anything about it" sabi niya lang. Aba! anong nakain niya at pinayagan na niya ulit akong pumasok? Isang araw palang ang nakakalipas eh, pero sige nang makalabas-labas din ako.

Magtatanong pa sana ako kaso wala na siya, kanina pa siguro siya nakaalis. Sinubukan ko ang wifi na binigay niya sa'kin.

Ang saya bes! ang bilis ng wifi niya! Nadownload ko lahat ng gusto kong apps, songs, at kung anu-ano pa kasama na 'yong mga music video ng BTS at mga K Dramas.

Masaya kong tinungo ang CR at naligo at nag-asikaso, saka bumaba para kumain ng hapunan. Tuwang-tuwa ako sa mga nadownload ko, sana pahiramin pa ulit ako ni Harry sa susunod.

9:00 pm.

Naabutan kong busying-busy si Harry sa kung anong papel na nakatambak sa harapan niya. Nasa loob na siya ng dining room pero nagmukhang opisina dahil sa mga tambak na papel.

"Ano 'yan assignment?" Tinuro ko pa ang tambak na mga papel sa harapan niya. Kung sa akin 'yan pinagawa baka limang papel palang tulog na ako. Nakakabagot masyado 'yong ganyan. Hanggang thesis nga lang ang kaya kong gawin maliban do'n ay wala na.

"School papers, projects, and school documents" hindi pa rin siya natingin sa akin. Grabe naman pala ang mga ginagawa niya. Kaya niya bang tapusin 'yan? Eh malapit na kaming pumasok ah.

Kinain ko agad ang hinanda ni Mary, male-late ako kung tititigan ko lang si Harry sa mga ginagawa niya.

"Mauna ka nalang sa kotse, malapit na akong matapos" sabi pa niya. Sumunod nalang ako sa kanya. Kakayanin naman niya siguro 'yon, walang imposible sa kanilang nga bampira.

Eh teka paano ako makakalabas wala nga ang pinto? Ni hindi ko alam kung nasaan 'yon eh.

May naramdaman akong lumapit sa akin hindi ko na pinansin pa kung sino dahil nag-iisip ako kung paano makakalabas at kung saan ko hahagilapin ang pinto.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now