CHAPTER 15.1:

1.6K 47 0
                                    


CHAPTER 15.1:

-Someone's Point of View-

Tagumpay ang pagpasok ko sa Vampire University. Nagsisimula palang ang mga plano ko. I used to change my surname not to find out my real identity by Montereal's so easily.

"Kumusta ang first day ng plano mo." Medyo may pagkasarkastiko na tanong ng nakatatanda kong kapatid.

"You know, katulad ng dati it's working," pagmamayabang ko.

"Correction. . .it is always working at first. But let me remind you about the fact that this will end again, Failed! Walang mangyayari," sambit niya. Ayan nanaman siya nangingialam ng plano ko.

"So? Hinihingi ko ba payo mo ate? Or should I say Lady Vhyl, who rejected to be the Queen of Vampire Huntresses, tapos mangingialam ka ng plano ko!" sigaw ko na sa kanya.

Well she doesn't care anymore lalo na sa akin, kapatid niya lang ako sa ama kaya wala siyang pakialam kung sigawan ko siya at kung mapahamak man ako, ang ayaw niya ay yung may nadadamay na iba maliban sa akin.

"Kinasusuklaman kita! marami ka nang napapatay dahil sa mga plano mong walang kwenta!" Naglakad na siya palayo. Maganda sana kung ikaw na ang isusunod kong ipapahamak Lady Vhyl.

~*~

-Hera's Point of View-

"Paano ba kasi ito? Dali na turuan mo na ako please!" Tulak ko pa kay Harry. Papaano kasi ayaw niya akong turuan about sa lesson kanina sa math namin, nakuha ko naman iyon. Kanina nga lang. . .nakalimutan ko na ngayon.

"Aminin mo munang nagselos ka kanina," sabi lang nito. Kanina pa niya 'yan kinukulit sa akin.

" Sabing hindi nga eh! Ang kulit mo naman," sambit ko. Hindi ako makakatulog nito kung may naiwan pa akong assignment. Alas-kuwatro na ng umaga at hindi parin ako nakakatulog, madalas kasi akong gumawa ng assignments kapag umuuwi ako para hindi ko makalimutan. Kailangan ko na talagang mag-aral ng mabuti.

" no"

"Tsk. E'di 'wag kung ayaw mo!" Tumayo na ako at napagpasyahan nang matulog. Nakakainis lang siya, umasa pa naman akong tuturuan niya ako. Sana nga lang at makatulog ako nito, hindi ko pa nagagawa yung kaisa-isang assignment ko. Patay ako nito.

Nagising ako at hinanap ang notebook ko na nasa table lang pala. Isang magandang umaga para sa napakahirap na paggawa ng assignment. Binuklat ko ang notebook para pag-aralan kung paano ko sasagutan ang assignment. Nagulat ako nang makita kong may mga sagot na. Napanaginipan kong sinasagutan ko ito, at alam na alam ko talaga ang sagot. Posible kaya na nasagutan ko ito? Baka naman sleepwalker ako? Tapos nag-solve nang nakapikit? Tila nababaliw na ako sa mga pinag-iisip ko.

Dali-dali akong bumaba, walang tao este bampira sa paligid. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Bigo akong mahanap si Harry kaya bumalik na lang ako sa taas para matulog muli. Masakit pa kasi ang ulo ko kakaisip ng assignment at sa saglit na pagtulog.

'Kiss me okay, just kiss me,' Rinig kong sabi ng lalaki sa babae. Kitang-kita ko sila, para akong nanonood ng teleserye rito. Marami sa kanilang nakapaligid na may hawak na matatalim na kutsilyo. Sinugod nila ang dalawa na magkasintahan yata, biglang naglaho ang dalawa at ang nagsaksakan ay ang mga taong may hawak ng patalim.

Para silang mga tanga dahil pinagpapatay nila ang kapwa nila, akala ko ba magkakampi sila? Anong nangyari?

"My Lady, gumising na po kayo." Huh? Boses ni Mary iyon ah. Nasaan siya at bakit hindi ko siya makita?
"My Lady," rinig ko pang boses ni Mary ngunit hindi ko parin siya nakikita. Bigla namang lumindol kaya natakot ako. Napasigaw ako ng sobrang lakas. Kasabay nang pagbalikwas ko ay ang pagpasok ni Harry sa kwarto ko.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now