CHAPTER 20:

1.3K 37 0
                                    


-Hera's Point of View-

Nakakabagot lang dito sa bahay, kahit maglaro ako sa cellphone ay wala parin. Bakit ba kasi ayaw niya parin akong pumunta roon? Hayan tuloy naiwan lang ako dito, lalo ko tuloy naaalala yung pag-inom ko ng dugo niya. Ganoon pala ang lasa ng sa kanya, ang tamis. Ganoon din kaya yung sa akin? Pati rin nang nag-sorry siya, I feel sorry na rin, parang iisa lang ang nararamdam namin. Wait. . . Kung may powers siya, dapat mayro'n din ako 'di ba? Gusto kong subukan at makasiguro kung mayroon nga ako.

Uunahin ko ang kung paano ang maglaho, I mean yung mabilis na paggalaw na madalas gamitin ni Harry. Nakatayo lang ako sa higaan, kailangan makapunta ako sa pintuan nang mabilis. Inisip ko kung paano ako makakapunta agad sa pintuan. Paano nga ba? Inisip ko na lang na gusto kong makapunta sa may pintuan, pagdilat ko ng mga mata ko ay narito parin ako nakatayo sa may higaan. Wala pa akong powers! Or ability man lang? Napakawalang kwenta ko namang bampira, papaano ko mapo-protektahan ang sarili ko?

Ibinagsak ko nalang ang aking katawan sa higaan, ni hindi ko nga alam ang gagawin ko eh.

Alam ko na!

Madali akong bumaba at lumabas ng bahay at tinungo ang kagubatan. Doon nalang muna ako magpapalipas ng oras tutal maganda naman ang lugar na iyon. Ang park sa gitna ng kagubatan. Nahanap ko kaagad ito. Umupo muli ako kung saan kaming bench naupo ni Harry noon.

Maganda talaga rito, dito pa natatapat ang buwan kaya tila isa itong chandelier sa loob ng bahay. Nakasentro lang talaga ito sa park.

Ang dami kong naririnig. Ngayong bampira na ako ay sobrang lakas na ng pandinig ko pati pang-amoy at ang paningin ko. Sobrang sensitive na sa lahat, kahit galaw siguro ng ipis ay mararamdaman at maririnig ko eh.

Pero hanggang doon lang ang kaya ko.

Ang sarap lang pakinggan ng mga huni ng owl, mga paniki, kuliglig at. . .sigawan ng mga tao?

Sa hindi kalayuan ay may naririnig akong mga sigaw ng mga tao. Mga sigaw dahil sa takot, sigaw dahil nasasaktan, at sigaw na humihingi ng tulong. Parami nang parami ang naririnig kong sumisigaw, pinakinggan ko ito ng mabuti kung saan nanggagaling. Tumakbo na ako para hanapin na kung saan iyon, at ngayon ko lang napansin na papunta ako sa Vampire University!

Napatigil ako nang maalala kong LAST DAY nga pala kaya naiwan ako, naging ulyanin ka na Hera? Ang bilis ah. Nadala lang siguro ako sa ganda ng park kanina. Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ako sa pagtakbo patungong University, nakakaawa ang mga taong rinig na rinig kong sumisigaw sa sakit at takot.

Naglakad na lang ako ng dahan-dahan patungo roon, baka hindi ko kayanin ang manood lang habang pinapatay nila ang mga tao. Marami siguro silang naimbitahan kaya ganito, habang naglalakad ako at pinakikinggan ang mga taong takot, may nakakasalubong na akong mga tao na sumisigaw sa sakit habang hawak-hawak ang kanilang mga leeg. Ang iba ay sugatan at nakahawak sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.

Mayroon pang mga tao na nagtatakbuhan na, yung iba ay nabangga ako pero hinayaan ko nalang. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag maakit sa amoy ng dugo nila, kahit pa umiinit nanaman ang lalamunan ko, nauuhaw at sabik ako sa dugo. Nakikita ko pang nagsilabasan narin ang mga bampira para habulin ang mga taong nagsisitakbuhan palayo sa university.

Baka si Harry at Ethan ay. . .

Hindi nawala sa isipan ko na baka gawin uli nila iyon. Agad-agad akong tumakbo papasok ng school, hindi nila pwedeng gawin 'yon, sinabi nila sa akin na hindi nila gagawin iyon. Marami na akong nakikitang mga nakahandusay na tao sa paligid. Nakakadiri ang mga itsura nila.

"Ahhh!"

Napako ang tingin ko sa sumigaw na babae na hawak-hawak ng isang pamilyar na bampira, si Harry. Binitawan niya agad ang babae na kanina pa sumisigaw at umiiyak nang makita niya ako, agad tumakbo ang babae.

"Hera, let me explain," hahawakan na niya sana ako pero agad akong nakatakbo palayo habang umiiyak.

Akala ko ba hindi niya gagawin iyon.
Sa katatakbo ko muntikan ko nang mabangga ang nakatalikod na lalaki, 'buti nalang at nakahinto ako. Mayro'n siyang kayakap at nakasubsob ang mukha niya sa babaeng walang buhay?

"Hera I-i'm sorry, h-hindi ko sinasadya." Humarap na ito sa akin na may bahid pa ng dugo na umaagos pa sa gilid ng bibig niya.

Papaano niyang nalaman na ako ang nasa likuran niya? Hindi ko matanggap ang mga nangyari. Hindi nila napigilan ang mga sarili nila. Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung papaano ako nakarating dito sa bahay.

Nagawa ko?

Natigilan ako sa pag-iyak at sinubukan ang mala 'teleport' na ginagawa ni Harry na aksidenteng nagawa ko. At sa pangalawang beses ay nagawa ko ito ng walang kahirap-hirap.

Ayoko ng makita pa silang dalawa. Akala ko mapagkakatiwalaan ko sila, binali nila ang usapan namin. Nagkulong lang ako sa kwarto ko, tinutuklas ang p'wedeng maging ability ko o iba pang p'wedeng magawa ko.
Nilock ko lahat ng pwedeng pasukan o labasan sa kwarto ko, hinarangan ko rin ng mga malalaking cabinet, bahala na kung masira ulit ang mga iyon.

                                  . . .

-Harry's Point of View-

Mali ito! Mali ang iniisip niya. Hindi dapat iyon ang nakita niya, this is stupidity

A little flashback.

"You better leave her," Nakatingin lang ako sa kanya.

Hindi parin binibitawan ng lalaki ang babae na kanina pa sumisigaw.
I'd promise to Hera na hindi ko na gagawin iyon.

"Alam mo Mr.Montereal, marami naman d'yang ibang tao, huwag kang mang-agaw this is mine!" Kakagatin na sana niya ang babae ng maitulak ko siya dahilan para tumilapon siya ng malayo. Hawak-hawak ko na ang babae pero sigaw parin siya ng sigaw.

Naramdaman ko kaagad ang presensya niya, it's Hera.

Nakatingin siya at kitang-kita ko ang luha na pumatak galing sa mga mata niya. Nakita niyang hawak-hawak ko ang babaeng sumisigaw. Nabasa ko ang nasa isip niya at maling-mali iyon. Mali siya ng iniisip! Agad kong nabitawan ang babae at tumakbo na ito.

"Hera, let me explain." Pero agad din itong tumakbo palayo.

"Mr. Montereal." Si Ethan na may bahid pa ng dugo sa gilid ng bibig niya.

"Anong ginawa mo?" tanong ko pero iniwas niya ang tingin sa akin.

"Nakita niya ako, nagpromise ako sa kanya na hindi ko gagawin iyon, pero . . .please tell her I'm really sorry I-I didn't intend to do that, nadala lang ako. . please." Umiyak pa siya sa harapan ko.

"Nakita niya rin ako, pero iniligtas ko lang ang babae, mali siya ng nakita." Tumingin na siya sa akin.

"Paano tayo makakapag-explain niyan?" Para siyang bata na nagdadabog.

"Tulungan mo muna akong ayusin ito, bago natin isipin iyan." Kailangan ko munang maayos dito bago ko harapin si Hera, alam kong galit siya sa akin pati na rin kay Ethan.

Dinala namin lahat ang mga tao sa kanilang lugar, binura narin namin ang alaala nila sa kung ano ang nangyari ngayong gabi. Tinipon ko lahat ng mga bampira sa gymnasium. Galit na galit akong humarap sa kanila.

"All of you listen! This is just a mistake, alam niyo naman ang pinakaunang rule natin sa university,'Don't ever, ever kill humans' gagalawin lang natin sila kung gusto nila." Tahimik lang silang lahat na nakinig sa akin. " I know all of you are surprised because of the event, I didn't allow it anyway." Nagtataka na sila  na nakatingin sa akin. "It's my dad, so better listen on the new rule, 'I, Mr. Harry Stene Montereal, the master of Vampire University will take any announcement' ako lang at ako lang! Ako lang ang maririnig niyong mag-aanounce." Nagbulungan lang sila kung papaano ko ito gagawin. "You will be all here every important  announcement." I stated. Tumango lang sila at umalis na.

Kailangan ko ng umalis.

"Sandali Mr.Montereal kailangan ko yatang sumama sa'yo, I want to explain everything to her too." Hinayaan ko nalang siyang sumama sa akin tutal parehas namang may galit sa amin si Hera.

Published: May 13, 2017

Revised: July 31, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now