CHAPTER 10:

1.6K 61 0
                                    


-Hera's Point of View-

Kanina pa ako nakabihis at inaantay lang na mag 8:30 ng gabi, wala parin si Mary kaya ako parin ang magluluto ng kakainin ko mamaya. Hindi parin maiwasang may tumulong luha galing sa mga mata ko. Hindi ko alam pero masyado ata akong nasaktan sa pagsigaw niya.

Hindi ko makalimutan yung pagsigaw ni Harry, nagalit siya dahil hindi ako nakapagpaalam and worst! Anong oras pa ako nakauwi.

3 minutes na lang. . .

Bumaba na ako at tinungo ang kusina, hindi ko alam kung nandito ba si Harry or wala hindi ko naman kasi siya nakasalubong. Pagkatapos kong magluto ay nagpasya akong kumain na sa dining, tutal wala naman ata si Harry dito. I guess.
Dala-dala ang pagkaing niluto ko, pumunta agad ako sa dining.

Mukhang mali ako.

Nandito siya at nakangisi pang nakatingin sa'kin. Muntikan ko nang mahulog ang dala-dala ko.
Nakakatakot ang ngising 'yon, na dati ay kinaiinisan ko lang.

"Why don't you have a seat?" Pag-aya pa nito. Tumalikod ako para sana bumalik nalang sa kusina at doon nalang kumain. "Iniiwasan mo ba ako Ms.Jacobs?" dagdag pa niya.

"Po? Ah hindi, sabi ko nga dito ako kakain" sarkastiko kong sambit. Pagkaupo ko ay agad akong sumubo ng kanin. Para akong patay gutom, dahil hindi ko na alam ang mga ginagawa ko, sa ngayon. Masyado akong kinakabahan na hindi ko maintindihan.

Mariin parin siyang nakatitig sa akin, at ramdam ko 'yon. Nakakailang.
Hindi ko alam kung galit ba siya ngayon, masaya, malungkot?, nagbibiro o nangaasar lang?

Natapos nalang ako ng pagkain na wala man lang nagsalita sa amin, halos ako lang ata ang maingay sa utak ko eh! At yung kutsara na panay ang tunog tuwing kakain ako.

Maya-maya'y tumayo na rin siya, agad kong inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Wala na akong oras para hugasan 'yon baka iwan ako ni Harry. Sinundan ko kaagad siya pagkalabas ko. Tahimik lang akong sumakay sa kotse niya.

"Sinong nagsabi sayo na sumakay ka sa kotse ko?" malamig na sambit nito. Nagtaka naman ako sa sinabi niya at the same time nabwisit! Kaya mabilis din akong bumaba at pinaandar na nga niya talaga ang kotse.

Hindi ko tuloy alam kung maiiyak ba ulit ako.

'Nakalimutan mo na ata ineng na iiwasan mo siya?'

Natauhan naman ako sa naisip ko. Oo nga pala iniiwasan ko siya. Pero mukhang ginagawa niya rin. Iniiwasan niya rin ako.

Dahil sa wala akong magawa, ayan naglakad akong papuntang school, hindi ko alam kung tama ba ang dinaraanan ko. Bahala na si Batman.

"Bakit mag-isa ka lang?" Lumingon ako para hanapin ang isang hindi pamilyar at nakakatakot na boses. 'Eto na nga bang sinasabi ko, medyo naliligaw na ako, medyo lang at mukhang mapapahamak pa ako nito.

"Pare, yung kwintas" narinig ko pang boses.

Kanina pa ako palinga-linga hinahanap kung saan 'yon at kung sino ang nagsasalita. Pero wala.
Tumakbo nalang ako ng mabilis na mabilis lumingon pa ako kung may humahabol sa akin pero wala naman.

For the Second time!

May nabangga nanaman ako!
Bakit kasi ang tanga mo Hera eh.

"Bakit ba lagi mo akong binabangga Friend!" pagrereklamo pa ni Ethan.

"Ay sorry sorry nasira ko ata yung gwapo mong mukha" sarkastiko kong sagot habang tinutulungan siyang makatayo.

"Wow. Pero bakit ka nanaman tumatakbo? May humahabol nanaman ba?" Nagpagpag pa siya ng uniform niya na kinapitan pa ng mga tuyong dahon.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now