CHAPTER 15:

1.5K 44 0
                                    

CHAPTER 15:

-Hera's Point of View-

Hindi ko parin makalimutan yung itsura ni Harry, mukha siyang babae na nagtataray ang cute tuloy. Sinusulyapan ko lang si Harry na seryosong nakikinig sa Prof namin, ang gwapo niya kahit saang anggulo.
Mabuti na lang at hindi ako napapansin ng prof. namin. Natapos na ang una naming subject. Pumasok narin ang prof namin sa second subject.

"Goodevening class, we have a new student from Aisen High from the land of Humans, Ms.Forbs come here." Tumingin pa si prof. sa labas at may inaaya na pumasok sa loob.

Pumasok ang napakagandang babae. Kung tao siya bakit dito niya napiling mag-aral eh mga bampira dito, alam niya kaya?

"Wait." Nabaling ang tingin namin kay Harry

"Yes, Mr.Montereal?" Nagtaka kami kung bakit nagsalita 'tong si Harry. Minsan bastos rin siya sa entrance ng ibang transferee eh. Joke!

"Bakit wala akong nabasa na bagong form or file na may bagong napasok na tao dito sa school ko" seryoso siyang nakatingin sa prof namin.

Bakit masyado naman atang lantaran itong si Harry, baka matakot niya itong babaeng maganda eh.

"I'm Sorry Sir.Montereal, biglaan po ang pagpasok niya dito, kanina lang po siya nakapagpasa ng file kasabay ng pagpasok niya." Wow ang bilis pala ng pagprocess dito.

"Sa susunod ipaalam niyo muna sa akin bago niyo papasukin ang kung sinong tao na gustong pumasok sa school ko, are we cleared?" Nakacross arms pa na animo'y siya talaga ang boss.

"Yes Sir.Montereal," sagot lang ng Prof namin at sinenyasan na ang babae na magpakilala sa amin. Pumunta ito sa gitna at yumuko bilang paggalang.

"Hi, I'm Sheriaa Forbs from Aisen High, I hope na magkaroon ako ng kaibigan dito," mahinhing tugon ng babae sa harapan.

"By the way lady, alam mo ba kung ano ang pinasukan mo? Kung hindi then I will tell you." Walang ganang nakatingin si Harry sa babae. Bakit ang bastos ng bampirang 'to, ang ganda pa naman ng babae oh.!

"Yes, this school are for all vampires, I came here 'cause they say that vampire school is much better than human's," paliwanag pa nito.

Sabagay, magagaling magturo ang mga prof dito na mga bampira rin, lahat ay may sariling shortcuts na madali mong matututunan. Kaya ang lahat ng mag-aaral dito, sa huli sasabihin nilang I love Math! sa sobrang dali.

Tumango pang uli si Harry bago ito tumingin sa akin at ngumiti, problema nito? Lumipas ang isang oras at natapos narin ang second subject namin.

Break time na.
Hindi ko naman nakita si Ethan, nakakapagtaka naman nasaan na kaya 'yon. Baka kinalimutan na niya ako matapos niya akong halikan sa pisngi at pigilan siya ni Harry.

"Let's go?" Tumango ako kay Harry, nakakamiss naman itong si Ethan hindi man lang nagpakita sa akin!

"Hoy! Bakit wala si Ethan? Siguro tinakot mo noh?" Dinuro-duro ko pa si Harry. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa bench sa small park. Nakasanayan na talaga naming tumambay dito, kung hindi ni Ethan ay si Harry naman.

"Sweety wala akong ginawa sa kanya, I don't even care if he's not here," nakangiti niyang sambit.

"Hi." Nabaling ang atensyon namin sa babaeng maganda, siya yung bago naming classmate na tao katulad ko.

"Hi din sayo!" Masayang bati ko sa kanya, ngumiti siya na lalong nagpadagdag sa kagandahan niya. Parang pamilyar yung mukha niya nung ngumiti siya, nakita ko na 'yang ngiti na 'yan eh may katulad. . .

"Pwede maki-join?" Turo niya sa pagitan namin ni Harry.

"No."

"Pwedeng pwede."

Napatingin naman sa akin si Harry halata sa kanya ang gulat dahil pumayag akong tumabi sa amin yung babae. Sumiksik siya sa gitna namin kaya napaurong ako sa gilid. Ibinaling nalang ni Harry ang tingin niya sa iba at hindi na sa aming dalawa ng babae.

"Ano nga uli name mo?" tanong ko sa kanya habang siya naman ay kumakain ng sandwich niya.

"Sheriaa Forbs, tao ka rin 'di ba?" Nakatingin lang siya sa akin at inaantay ang sagot ko.

"Ah oo, ako nga pala si Hera" at nagshake-hands kami. Sinulyapan ko si Harry na walang pakialam sa amin siguro nahihiya siya.

"Boyfriend mo?" Turo niya kay Harry habang ngumunguya ng sandwich. Maganda siya kaso walang manners kapag kumakain enebeyen.

"Ah hindi, siya nga pala si Harry," pagpapakilala ko. Tinalikuran ako ni Sheriaa. Ibinaling niya kay Harry ang tingin niya. Bastos kinakausap ko pa eh.

"Hi Harry," she said in her sexiest voice, napangiwi ako sa ginawa niya.
Nilalandi niya ba si Harry! Mali ata na ipinakilala ko siya eh!

"Hi," saglit na bati ni Harry at ngumiti saka tumalikod uli. Bwisit ka Harry dapat hindi mo nalang pinansin! Medyo naiinis inis pa ako. Ang sarap sabunutan ni Sheriaa eh.

"Ah Sheriaa may pupuntahan pala kami ni Harry, balik ka nalang sa room kapag time na ah," pagpapaalam ko pa saka hinila si Harry na nakangisi na.

"You saved me sweety," sambit pa nito habang hinihila ko siya. Saved! Saved ba yun? Tumigil ako saka hinarap siya.

"Your.Welcome!" Mataray kong sigaw sa kanya at iniwan siya. Tinungo ko lang ang daan papuntang room nang makasabay ko si Sheriaa na papasok din. Ano ba naman 'yan.

"Oh nasaan si Harry?" Mahinhing tanong nito. Tsk.hinhin lang pala ah!

"Eh ene keshe eh, iniwan ko bakit!?" Diretso kong sagot sa kanya. Muntik na siyang mapagaya sa pagtabingi ng panga ko.

"Ha? Bakit naman?" Nagtataka pa ito.

"Ah nag-cr kasi siya, pasensya na ah ganito talaga ang ugali ko pilosopo lang haha," sabi ko. Ngayon lang uli ako natutong magpakaplastik uli. Yung kaninang manghang-mangha ako sa kagandahan niya napalitan ng pagkairita! May balak atang landiin si Harry eh! Yung way ng pag 'hi' niya kanina kay Harry ay hindi ko matanggap pero baka gano'n lang siya.

Pagbigyan muna natin. . .

Maya-maya'y dumating na si Harry at umupo na sa tabi ko, mabuti nalang at nasa bandang likod si Sheriaa.

"Selos ka?" Nakangisi pa siya.

"Hindi." Mabilis akong sumagot sa kanya na hindi man lang siya tinitignan.

"I thought you were jealous, sweety kapag hinalikan ko na siya dun ka lang magselos." ah talaga! So may balak ka pang halikan 'yon! Parang gusto ko siyang hampasin ng notebook na hawak ko eh.

Baka nakakalimutan mo Harry nililigawan mo palang ako baka mabusted kita ng di oras d'yan!

Hindi ko nalang siya pinansin sa halip ay binubugbog ko nalang siya sa utak ko, lahat na ata ng sumpa ay nasabi ko na sa kanya sa utak ko. Uwian na at lahat kami ay nagsitayuan, lumapit naman kaagad sa amin si Sheriaa, bakit ba lapit ng lapit ito?

"Ba-bye sa inyo." Ngumiti pa ito, ang hinhin masyado.

"Babye den sheye, enget beke medepe ke." Hinawi ko pa yung buhok sa tenga ko. Baka naman nagpapanggap  lang na mahinhin para makapaglandi!

'Hera. . . easy masyado kang hot, ang ganda nung babae eh talo ka, tsaka mabait naman kaibiganin mo nalang. . '

Yung utak ko masyadong maingay, pero sige dahil mabait naman talaga ako eh kakaibiganin ko nalang, parehas naman kaming tao rito.

"What?" Nagtakang tanong ni Harry mukhang hindi naintindihan, puro kasi english eh.

"Pabebe words." Kumunot lang noo niya saka naglakad.

A/N:

—REVISED—

Thank you for voting. :)

Published: May 11, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now