CHAPTER 29:

1.3K 36 0
                                    


-Hera's Point of View-

Kahit na may kabaklaan itong si Eyhan ay kitang-kita parin ang kagwapuhan niya bilang lalaki. Kung siguro nga maging totoong lalaki siya mas pagkakaguluhan siya kaysa kina Harry at Ethan.

"Oh baka mainlove ka na sa akin niyan, Sistar." Malalim ang ginamit niyang boses kaya lumitaw ang kanyang pagigubg lalaki. Pinalo niya pa ako sa may bandang braso. Nakakatawa lang ang inaasal niya ngayon.

"Tama na nga 'yan, by the way Hera ano pinag-usapan niyo?" Pagiiba ni Ethan. HAlata ang pagtataka sa mukha niya na halos matawa ako dahil sa cute na pagkakunot ng noo niya.

"Anong mukha 'yan Ethan? Syempre yung mga plano namin para hindi siya makasal." Tumawa pa ako ng mahina pero seryoso parin siya.

Ano bang problema niya?

"Problem? Wala akong problema Hera, nakita lang kita kanina na malalim ang iniisip, baka ikaw ang may problema." Natahimik ako sandali sa sinabi niya.

"Alam mo Sistar h'wag mo munang isipin 'yan, let's be happy that you're fine. Saka mo na isipin ulit kapag handa ka na," ani Eyhan.

"Teka lang, bakit mo nga pala naisipang magsuot panlalaki? Nasaan na yung heels, yung make-ups, yung kissable lips?" Sa totoo lang kahit wala ang mga iyon ay mukha na siyang perpektong bampira.

"Isinantabi ko muna pagka-girly ko, I want you to be happy. . .with me," makahulugang sabi niya.

"Taken na 'yan Eyhan, hindi ka tinuruang mang-agaw." Tawa  pa ni Ethan habang inaasar ang nakasimangot niyang kapatid, si Eyhan. Ang cute nilang tignan.

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla kong naalala si Mary. Kumusta na kaya siya? Baka pinatay na siya ng ama ni Harry dahil sa nalaman niya.

"Mary?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ethan.

"Privacy please. At oo si Mary kinukumusta ko sa utak ko kung okay lang siya," paglilinaw ko sa kanya. Kanina niya pa binabasa ang utak ko. Umupo ito ng maayos para kaming mga bata na nakaupo lang sa higaan niya.

"That maid is mysterious, before you came to our life, Mr. Montereal's ex-girlfriend which is Sheriana is connected to that maid you called Mary. They are traitors. They want Mr. Montereal fall for Sheriana to kill him. That's what Vampire Huntresses wants." Sunod-sunod na kwento ni Ethan. Alam niya pala lahat?

Bakit hindi alam ni Harry ito?
At ang buong akala niyang dahilan ay ayaw ng tatay niya kay Sheriana kaya ito pinapatay. Teka, paanong naging ganoon yung paniniwala ni Harry. Bakit hindi niya alam? Bakit si Ethan alam niya? Bakit ang gulo?

"Ang ingay ng utak mo Sistar, matagal na naming alam 'yan. Pero siya hindi you know why? Kasi baka magkaroon ng world war III." Umakto pa ito na pusang kumalmot.

"That's true, so, no matter what happen you'll not be able to tell the truth to Mr. Montereal." Para namang tinatakot ako ng dalawang 'to. Teka bakit hindi? Karapatan nitong malaman ang totoo.

Matamang nakatingin lang sa akin na tila may kasalanan ako. "Nakakatakot ang itsura niyo ah. Pero. . .honestly, may dapat pa ba akong malaman?" Sandali silang nagkatinginang dalawa bago tumingin ulit nang nakakatakot sa akin. "Oh kagimbal-gimbal ba 'yan? Bakit ganyan mga tingin niyo?" Hindi sila umimik sa halip ay unti unti silang lumapit sa akin. "Hoy! Ano ba, magsasalita ba kayo?" Napaatras sila nang mailabas ko ang mapupulang mga mata ko.

"Don't say anything, please." Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. "You know Sheria right? I know this is a shocking part but let yourself listen first, Sheria is the older sister of Sheriana."

Nagulantang ako sa sinabi ni Ethan. Teka sino naman yung Sheriana, pamilyar pero. . .tama! nakita ko na iyon sa picture kasama niya si Harry. Kaya pala nang ngumiti si Sheriaa naalala kong may parang pamilyar. Kamukha kasi niya yung babae sa picture kapag ngumiti, kapatid pala niya. Kainis, bakit hindi ko kaagad napansin 'yon.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя