CHAPTER 30:

1.3K 32 0
                                    


-Sheriaa's Point of View-

May kakaiba yata ngayon, badmood si Hera at wala naman si Harry? Hindi kaya naghiwalay na sila? Oh come on, parang binibigyan ako ng pagkakataon ah. Buong klase napapansin kong malungkot at malalim ang iniisip ng babaeng iyon.

'Ikakasal na daw si Mr. Montereal'

'Oo nga eh, kaya pala'

'Kaya pala wala siya ngayon'

What?! Rinig na rinig ko ang bawat bulungan ng mga estudyanteng nag-sisilabasan. Paano na ang mga plano ko? Nasayang lahat! Agad akong dumiretso sa lugar ng mga angkan namin. Naabutan ko si Mary na kausap si Lady Vhyl.

"Oh my stupid half-sister anong pinaguusapan niyo?" Natigilan sila sa pag-uusap at halatang naasar ko na naman si Lady Vhyl.

"Palpak ka right? Kahit hindi mo aminin Sheriaa ay halata naman na palpak ka parin. Walang pinagbago, you're stupid just like you were before." Nakangisi lang siya. Ang lakas nang pagkakatama sa akin ng bawat salita niya. Hindi ko akalaing ganoon ang kalalabasan.

"Eh ano naman ngayon? Try and try until you succeed," sabi ko lang saka nilapitan si Mary pero nilayuan niya lang din ako.

"But if you try and try and still the same, that's what you called idiot." Hinatak ko na si Mary, kailangan ko pa ng mga impormasyon. Wala akong panahon para pakinggan ang mga walang kwentang pang-aasar ni Lady Vhyl.

"Teka ano ba kailangan mo? Nagpunta lang naman ako para magpaalam na. Kaya please bitawan mo na ako," reklamo pa niya. Pumasok kami sa isang kwarto.

"Totoo ba na magpapakasal na si Harry? Tell me?!" Pagkompronta ko. Hindi siya makasagot kaya sinampal ko siya.

"Oo! Magpapakasal sila ng isa pang royal family para lumakas ang kapangyarihan nila, is that enough Sheriaa? Kaya tigilan mo na ito. Wala naman silang ginagawa, ikaw lang naman itong malalim ang galit sa kanila!" Umalis na ito at iniwan akong tulala.

"Paano mo ngayon lalabanan sila?" Hindi ko na pinansin pa ang nagsalita, nayayabangan lang ako sa kanya sa tuwing naririnig ko ang nakakiritang boses niya.

Dumiretso agad ako sa office para magplano ulit. Hindi pwedeng maging talunan ako dito, kailangan ko ring maghiganti! Kailangan matuloy ang mga plano ko, hindi pwedeng hindi. I have a new plan. This will be dangerous.

                                  . . .

-Hera's Point of View-

"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanobg ni Ethan. Nakaakbay pa siya kay Eyhan na nag-aayos ng suit.

"Bakit may invitation card ba, at saka wala naman akong magagawa kaya dito nalang ako."  Pagmamaktol ko. Kahit anong pilit nila wala parin silang maidadahilan sa akin kung ano ang gagawin ko roon.

"Oh well, sige." Makahulugan ang pagsabi sa akin niyon ni Ethan. Papalabas na sila ng bahay nang hawakan ko ang kamay ni Eyhan.

"Sandali sasama na ako, just wait for me" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na iyon. Sibrang gulo ng utak ko. Kahit walang invitation basta makapunta lang bahala na sila Ethan at Eyhan sa'kin.

Madali akong nagbihis baka mahuli kami, bakit kasi mag-uumaga gaganapin yung kasal nila. Hindi ba sila nag-iisip na baka masunog sila kapag sumikat na ang araw?

"Let's go, para naman mapigilan mo na ang kasal." Mapait na ngumisi siya sa akin natawa pa ako sa sinabi ni Ethan.

Kalagitnaan na ng seremonya nang makarating kami. Okay lang daw na ma-late sila dahil hindi naman talaga sila kamag-anak nila Harry. Kasosyo lang sa negosyo ang pamilya nila. Nasa gitna lang ako nila Eyhan at Ethan, para hindi mahalata ng ibang bisita. Kitang-kita ko ang pag-sugat nila Harry at Aira sa kanilang mga pulsuhan at inilagay ang dugo sa isang lalagyan at ininom nila. Isang nakadidiring seremonya para sa mga tao, pero maganda ito sa mga bampirang tulad namin.

Tumawa ng mahina si Ethan, bakit siya natawa? Pati narin si Eyhan ay ganoon din. Tumingin sila sa nagtatakang mukha ko pero agad din naman nilang pinalitan ng seryoso ang aura nila.

"Tumutol ka na dali." Tinutulak pa ako ni Ethan kaya napalabas ako sa linya namin at ngayon nasa gitna na ako, kung saan dumaraan ang bride.

Nakakahiya nakatingin na sila sa'kin, umayos ako nang tayo at tinignan sila Harry at si Aira na nakatingin narin sa 'kin. Ngumiti muna ako.

"Congrats." Isang salita na hindi ko pinag-isipan.

Tumakbo ako palabas ng venue. Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Ang tanga ko! Ni hindi ko man lang tinutulan ang kasal! Iyon na nga ang pagkakataon ko sinayang ko pa. Napatigil at nagulat ako dahil may humawak sa kamay ko.

"Anong ginawa mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ethan.

"Simple lang, ginawa ko ang tama." Matigas ang pagkakasabi ko niyon sa kanya. Simula ngayon hindi ko na dapat iniisip si Harry.

Kung tutuusin wala din naman siyang nagawa, nagpaagos nalang siya sa gusto ng papa niya. Bumitiw ako sa kanya at nagtatakbo. Kung saan na ako nakarating ay hindi ko alam. Basta ang alam ko ay kailangan ko nang lumayo.

Napadpad ako sa isang madilim na bahagi ng kagubatan. May isang bahay rin doon mukhang abandonado na. Agad akong pumasok doon at kapag sinuswerte ka nga naman mayroo pa lang tao. Ramdam ko ang presensya niya.

"Iha, anong ginagawa mo rito." Magaling siya ah, kahit na madilim ay nalaman niyang babae ako. Bampira rin kaya siya?

"Oo iha, halika at maupo ka," aniya.

Pumalakpak siya ng isang beses at bumukas ang ilaw. Ang aakalaing mukhang abandonado sa labas ay malapalasyo pala sa loob. Tumambad sa akin ang isang matanda na halatang nasa edad saisenta na pero maganda pa rin.

"Wow, ang ganda naman po dito, kayo lang po ba nakatira rito lola?" tanong ko. Ang laki ng bahay na ito para sa isang tao lang.

"Oo iha, matagal na akong nakatira rito. Dito na ako inaabutan ng katandaan na wala man lang asawa't anak. Mahigit limang daang taon na ako rito." Nagulat ako sa sinabi niya.

Seriously almost 500 years! Tapos ganyan parin ang itsura niya.

"Ganyan din ang mangyayari sayo kapag tumanda ka na. Mauunang tumanda ang panahon bago ikaw." Nakangiting sambit lang ito sa akin.

"Ah lola," Lola gusto ko lang sanang tumira rito.

"Don't call me lola. Medyo mukha lang, pero just call me, Tita Jing." Inaya niya akong umupo sa tabi niya. "Ay oo nga pala iha, pwedeng-pwede ka rito tumira." Pagkasabi niya niyon ay  naglaho siya.

Dito muna ako kung saan walang manggugulo sa akin, kahit pa sila Ethan at Eyhan.

"Hera is your name, ang ganda naman pala." Ang bilis naman Tita Jing hindi ko kaagad napansin.

"Ah tita Jing anong uri po kayo na bampira?" Tanong ko.

"Uri ng bampira na matagal nang wala sa mundo, pero nagkamali sila dahil mayroon pang natitira sa amin. Sinaunang bampira, better than purebloods, like Dracula," sabi niya. Naalala ko ang kumagat sa akin na isa ring katulad ni Dracula.

"At ikaw naman iha, amoy na amoy sa iyo ang dugo ng isang dracula at pureblood. Mag-iingat ka, baka hindi mo mapigilan," sabi nga nila lagi sakin dahil hayok ang mga sinaunang bampira.

"Paano ko po ba dapat mapigilan, I mean nagagawa ko naman aal minsan lang." tanong ko pa. Minsan hindi, minsan oo. Bumuntong hininga muna siya bago siya tumingin sa akin.

"Tumingin ka ng maigi sa akin, kung hindi ko natutunan iyon gamit ang sarili kong pamamaraan ay sana napatay na kita. Kailangan mo lang kontrolin, tuturuan kita." Sumang-ayon naman ako sa kanya. Makatutulong ito sa akin. At dahil nandito ako madali kong makakalimutan lahat ng sakit at problema na pinagdaanan ko.

Published: May 15, 2017

Revised: August 11, 2017

Thanks for reading and voting!

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now