CHAPTER 31:

1.3K 36 0
                                    


-Hera's Point of View-

Hindi ko alam kung pinahihirapan ako ni Tita Jing. Lagi niya pa akong pinagagalitan, inaasar at kung anu-ano pa na nagpapagalit at nagpapasabog ng galit ko. Minsan hindi ko na talaga makontrol ang sarili ko kaya yung isang kwarto na puno ng mga lumang gamit ay nasira ko.

"Unti-unti mong matututunan ang mga pagpipigil para hindi ka makapahamak, tandaan mo masyado kang malakas."

Palagi niya ring sinasabi na mas malakas pa ako sa mga pureblood. Marami narin akong natuklasan na mga bagong kapangyarihan na taglay ng isang pureblood at isang malakas na ancient pureblood na dracula.

"At iyang iniisip mo na nagpasakit sa'yo ay makatutulong para mapigilan mo ang iyong nararamdaman. Remember emotions can fix yourself to be good," sambit pa niya.

"Tita Jing hayaan na natin iyon. Nakalimutan ko na eh at saka kahit hindi ko na gamitin ang nakaraan basta nandiyan ka ay magagawa ko ito." Paglilinaw ko sa kanya.

Its been a week simula nang magpakasal si Harry. Nagpokus ako sa mga pagdiskubre ng mga kakayahan ko at mga mangyayari sa akin kung hindi ako mag-iingat.

"Iha, simula nang nandito ka may nabalitaan akong mga paglusob mula sa mga Vampire Huntresses," paalala ni Tita Jing. Nag-alala agad ako sa sitwasyon nila Ethan at Eyhan baka madamay sila.

"Simula nang ipakasal ng Master ang kanyang anak sa isang royal family Tita Jing. Iyon ang pinakadahilan." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Tita Jing. "Bakit puro kayo Master? Wala po bang pangalan yung Master na tinutukoy niyo?" Nagtataka lang ako. Si Harry naman kasi, hindi niya tinatawag na Master ang kanyang ama.

Si Harry tinatawag na Master Harry, samantalang yung ama niya ay Master lang ano 'to anonymous?

"Kasi iha kapag binaggit ang pangalan niya siguradong makakarating sa kanya na pinaguusapan siya at kung sino man ang nagsabi noon ay papatayin." Sobra naman pala iyon. "Napakadelikado niya. Ako , ang mga anak niya pati ang mga magulang niya ang nakakaalam ng natatangi at nakakikilabot na pangalan niya."

"Tita Jing tama ba ang hinala ko?" Kahit wala akong hinala ay natanong ko parin.

"Tama ka, siya yung dati kong kasintahan na iniwan lang ako para magpakasal sa iba, kaya ako nandito," malungkot na sambit niya.

Katulad lang pala kami ni Tita Jing. At parehas kaming nandito nagmumukmok at nag-iisa. Actually hindi kami nag-iisa dahil kasama naman namin ang isa't-isa iyon nga lang parehas kaming sawi. "Parehas lang tayo Tita Jing, kaya kalimutan na natin iyon," sabi ko pa.

Niyakap ko si Tita Jing para ko na siyang nanay. Kahit wala na ang tunay kong ina atleast ngayon mayroon na at nararamdaman ko pa. Pagkatapos naming magdrama ay balik training ulit. Hinasa ko pa ang sarili ko na h'wag masyadong magpadala sa galit, matutong kontrolin ang sarili. Lahat ng abilities ko na pinagtiyagaan kong aralin ay alam ko na. Pati ang mga kakayahan ni Tita Jing sa pakikipaglaban ay ipinamana na niya sa akin.

Napagpasyahan kong pumunta sa kagubatan para roon ay mag-ensayo. May narinig akong mga yapak, marami sila kaya umakyat ako sa puno para hindi nila ako makita. Mga tao sila katulad ko dati.

"Ang sabi ni Lady Sheriaa ubusin na lahat nang makikita nating mga bampira." Rinig kong boses ng babae.

Mga Vampire Huntresses. Pangkat ng mga babae na papatay na sa amin. Bakit dito pa nila napiling maghasik nang karumal-dumal at maitim na balak nila? Tahimik naman dito.

"Mukhang mayroon dito." Pagkasabi ng isang babae ay binasa ko ang kanyang isipan. Balak nilang guluhin ang bahay ni Tita Jing dahil malapit lang ito at natatanaw pa. Baka patayin nila si Tita Jing! Bumaba na ako at hinarap ang grupo ng mga babae. Nagulat sila sa pagsulpot ko.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin