CHAPTER 23:

1.3K 34 0
                                    


-Hera's Point of View-

Tumatabi lahat ng mga estudyanteng nadaraanan ko, dahil siguro sa mata ko, hindi kasi matanggal ang galit ko hanggang ngayon. Ewan ko ba pero nang naging bampira ako ay palaging mainitin ang ulo ko, tapos madali na rin akong maasar, lahat ay naririnig ko kaya ayoko ng masyadong maingay o sumisigaw. At ang pinaka malala ay gusto kong pumatay kapag naasar ako, gusto kong bigwasin yung mga pesteng kumakalaban sa akin. Ganito siguro ang feeling ng isang bampira kaya pala ang sungit sungit minsan ni Harry at sobrang pilosopo naman ni Ethan.

"Hello? Sorry ah, kailangan kasi naming piliin ka ang ganda mo kasi at saka mukha ka namang talented." Hindi ko pinansin yung ka-classmate ko na sumalubong sa akin sa halip naupo nalang ako bahala sila, wala akong paki!

Kung ako ang pinili nila then FINE!
Lalaban ako, at kung kalaban ko ang punyetang babae na iyon siguradong talo na siya sa akin. Patayin ko siya ng 'di oras diyan eh.

"Ang init yata ng ulo natin ah." Tumabi na sa akin si Harry na akala mo walang nangyari kanina.

Hindi ko lang siya pinansin, dumating naman ang prof namin kaya doon ko nalang pinokus ang sarili ko.

"Hey, yung kanina,"

"I don't care."

Nagsulat lang ako matapos kong sagutin ang hindi niya natuloy na pagpapaliwanag. Ayaw ko ng mga hindi ko kailangan at mga walang kwentang pali-paliwanag na yan.

"Sweety." Yung kasi-sweety niya ipapakain ko na iyan eh. "Your eyes, keep your eyes as normal as you can." Bakit abnormal ba mata ko? "Control yourself please."  Kanina pa siya bulong ng bulong baka mahampas ko na ito ng notebook ko.

Huminahon ako ng kaunti lang, kaunti lang dahil mainit pa talaga ang ulo ko. Hindi na siya nagsalita pa, buti at tumahimik ka rin.

"Excuse me." Katok ng isa pang prof.

"Oh yes Professor Jane, what can I do for you?" Hindi ko na sila pinansin dahil baka chika-chika lang iyan ng mga walang magawang prof.

"Kailangan ko kasi lahat ng representatives, they need to practice before the pageant comes." Ay mali pala ako.

"Who are your representative?" tanong ng prof namin.

"Representatives." Pagwawasto ng isa naming classmate.

Tumayo na ako at lumapit kay Prof. Jane pati narin si Sheriaa. Naku huwag kang makalapit-lapit sa akin dahil baka dukutin ko yang puso mong malandi ka.

Nagpractice lang kami nang kung paano ang paglakad or pagmodel, execution at kung paano ang takbo ng program. Hindi pa naman ako sanay na may heels, hanggang 2 inch lang ang kaya ko, ang problema kailangan daw 6 inches ang gamitin. For real?
Kailangan din naming magbikini, nightgown, cocktail dress, at simple dress, dahil daw ang prinsesa kahit anong suotin ay kailangan babagay.

"On thursday susuotin niyo at i-momodel ang lahat ng mga sinabi namin are we cleared?" bilin ng isang professor sa amin bago niya kami dinis-miss. Ano 'to fashion runway?

Tumango lang kaming lahat, ang gaganda ng mga babaeng kalahok sa patimpalak maliban lang dito sa bwiset na malanding haliparot, si Sheriaa. Feel ko talaga na may kakaiba pa sa kanya, magpapaturo nga ako kay Ethan kung papaano magbasa ng utak KUNG! kaya ko. .  Alam ko namang sa mga pureblood lang iyon, pero kakayanin ko kung kaya nga lang.

Sakto namang nakita ko si Ethan na naglalakad. "Ethan!" sigaw ko kaya agad siyang napalingon.

"Oh? Wala kang klase? Bakit nandito ka? Malapit na pala mag-time, ikaw cutting ka ah." Kainis 'to nag-iisip agad ng masama sa akin.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now