CHAPTER 25:

1.3K 39 0
                                    


-Hera's Point of View-

Sige lang Sheriaa, mauna ka lang nabu-bwiset na ako sayo. Nakapila na kami sa backstage at isa-isa na kaming naglakad na nakasuot ng 6 inches stilletos katulad ng pinag-praktisan namin ni Eyha. Inabutan kami ng break time kaya marami nang nanonood sa amin. Nagkalat na rin kasi ang mga estudyante sa court. Nakita ko pang nanonood si Ethan at Harry sa bandang gilid, himala yatang nagkatabi ang dalawa.

"Perfect ladies!" Tuwang pumalakpak si professor Jane.

Agad kong tinanggal ang stilletos dahil masakit talaga siya sa paa. Kahit pa na alam ko kung paano maglakad nito. Binangga naman ako ni Sheriaa nang papasok na kaming lahat sa backstage kaya napasubsob ako sa mga sapatos, nagtawanan naman ang iba.

"May nakakatawa?" Mataray kong sambit sa kanila. Nanahimik sila pero binangga lang nila ulit ako nang makaalis sila.

May lumapit naman na isang estudyante sa akin. "Ahm. . .Ms. Jacobs pwede mo ba kaming tulungan mag-ayos para sa pageant bukas?" Pag-aaya niya.

"Sige ba!"  Sinundan ko lang siya, dismissed na lahat ng mga klase dahil busy na ang mga prof sa mga activities at paggawa ng mga grades namin.

"Ano ba iyan hindi ko maabot!" Pilit na inilalagay ng babae yung kurtina sa stage kaso masyado iyong mataas.

"Use your ability idiot," sigaw ng kasamahan niya. Natatawa lang ako sa kanila kahit pala nakakatakot sila ay nagagawa rin nila ang ugaling tao.

"Damphyr ako Belle!" Sagot niya sa kaibigan niya. Mas lalo akong natawa doon sa hitsura niya nang ini-angat ko siya para maiabot na niya ang sabitan ng kurtina. "Woah! ibaba mo na ako miss."

Ibinaba ko na siya, parang walang nangyari sa kanya, kailangan ko lang kontrolin ang mga magagawa ko. Tawa lang kami nang tawa habang nag-aayos ng stage, ako na ang naglagay ng mga bulaklak na nasa paso papuntang stage gamit ang kakayahan ko.

"Hindi ba tao ka? Bakit ngayon ibang-iba ka na?"

"Masyadong mahaba ang nangyari." Tanging sagot ko. "Pero ang alam ko ay ginawa akong ganito para makilala kayo!" dagdag ko pa. Nagyakap-yakap na kami.

Magkakaibigan na kami dahil mababait naman sila. Sampu lahat sila, limang pureblood si Stacey, Belle, Amy, Janiah, Hope at lima ring halfblood Maeley, Deborra, Riley, Aigoo, Jennie, mababait na mga bampira na hindi ko nakilala noon.

"Hi baby!" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Teka ako ba iyong tinawag?

"Boyfriend mo ba si Prince Ethan?!" Pabulong na sigaw sa akin ni Stacey.

Nakuwento nila sa akin na tinatawag nilang prince itong si Ethan dahil nga gwapo, minsan mabait rin at ang pinaka nagustuhan daw nila ay yung pagkapilosopo na may halong sweet.

"Hey." Iyon nalang ang nasabi ko dahil rinig na rinig ko yung mga tukso nila na pabulong lang.

"Tapos ka na ba diyan? Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Mr. Montereal." Ngumiti pa ito sa mga kaibigan ko na nasa likod ko na palihim na kinikilig.

"Teka anong oras na ba?" Hinanap ko yung phone ko pero mukhang naiwan ko yata sa bag ko.

"Mag 3am na, kayo na lang ang naiwan dito", sambit pa nito.

"Eh ano pang ginagawa mo dito, kanina pa dismissed ang klase ah." Napakamot nalang siya.

"Kanina pa kasi kita hinahanap nang malaman kong hinahanap ka rin ni Harry, tapos nakita kita dito. Ano tara na?"

Ipinakilala ko muna siya sa mga kaibigan ko saka kami nagpaalam para umalis. Hinatid niya ako sa labas kung saan nag-hihintay na nakasandal si Harry sa kanyang kotse, mukhang inip na inip siya.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now