CHAPTER 16:

1.3K 38 0
                                    


-Hera's Point of View-

'Napapansin ko na nga rin yan eh'

'Kainis!'

'Hindi ko siya magalaw because of that necklace'

'Madali lang naman para sa akin ang patayin iyan eh'

Kung anu-anong mga bulong na halos marinig ko na, Bulong pa ba yan? Bulong na nagbibigay sa akin ng kakaunting takot at kaba dahil sa naririnig kong gagalawin nila ako.
Tahimik lang akong naglalakad papuntang room namin, pinauna na ako ni Harry dahil may aasikasuhin pa raw uli siya. Sana walang mangyari sa akin na masama.

Ilang lakad pa at natatanaw ko na ang room namin, kaunti na lang talaga. Mabuti nalang at nakarating ako ng ligtas sa room. Hinintay ko si Harry pero wala parin siya.

"Hi," bati sa akin ng babaeng ito, siya nanaman. Ngumiti lang ako sa kanya pero mas malala ay tumabi pa.

"Ah Sheriaa diyan nakaupo si Harry." Tinuro ko pa ang p'westo ni Harry saka pilit na ngumiti.

"Ah wala naman siya 'di ba?" Unti-unting umuusbong ang inis ko sa sinabi niya.

"Okay sige." Pinilit ko parin ang hindi ilabas ang galit at inis ko. May pagkaattitude pala talaga ito eh, pabebe lang.

Tapos malandi.

Tapos mang-aakit.

Tapos mang-aagaw.

Tapos, ano ba iyan para akong immature mag-isip. Nagsimula na ang klase pero walang Harry ang pumasok. Ganun ba talaga katagal asikasuhin iyon?

Naglecture lang ang Prof namin at himala walang pa-quiz!
"Ok class I want you to know that starting today is the Foundation week." Humiyaw lahat ng mga kaklase ko.

Mayro'n palang ganoon dito? Ano naman kayang klaseng Foundation week ang gagawin nila? Nakita ko namang ngumisi itong si Sheriaa, may alam ba siya? Dinismiss agad kami ng professor namin matapos niyang sabihin lahat nang magaganap this Foundation week, kaya siguro wala si Harry.

Lumabas na ako para hanapin si Ethan. At hindi ako nagkamali nakita ko siya sa tambayan namin.

"Hello Hera!" Bati nito at kumaway pa.

"Hey! Hindi niyo sinabi sa akin na may Foundation week kayo dito sa school niyo, parang high school lang." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Ethan, may mali ba sa nasabi ko?

"Where's Mr.Montereal?"

"Hindi ko alam sabi niya may aasikasuhin lang." Humarap siya ng maigi sa akin na parang may sasabihing napakaimportante.

"Let me tell you this, they allow again the Foundation Week  because they know who were the victims of it," panimula niya. "Hindi ko alam kung bakit pinayagan nito ni Mr.Montereal, matagal na bago pinatupad uli ang event na ito I think its been almost 5 years," dagdag niya pa.

Akala ko pa naman ipinatutupad nila ito every year. Teka bakit may biktima siyang nabanggit? Para saan ba talaga ang Foundation week nila?

"Ang Foundation week ay para sa lahat, before there were humans in here, open kasi ang school na ito at hindi pa hawak ni Mr.Montereal, hawak pa ito ng kanyang ama." Nakikinig lang ako sa kanya. Ang creepy masyado pero kaya pa. "Just a simple foundation week na mapapaakit talaga ang mga tao rito, pero pagkatapos nito at kapag dumating na ang huling araw ng event ay pinapatay nila ito kukuhain ang lahat ng dugo." Napatakip nalang ako ng bibig ko dahil sa mga narinig ko.

"Alam kong hindi nagustuhan iyon ni Mr.Montereal kaya kinuha niya na lang ang Vampire University at siya na ang nagpatakbo, hindi na siya nagpapapasok ng mga mga tao maliban sayo at yung classmate na sinasabi mo," paliwanag pa nito. "Her name is Sheriaa. Pero mas delikado siya kaysa sayo, mayro'n ka niyan." Tinuro niya ang kwintas ko, oo nga pala ligtas ako pero si Sheriaa walang laban. "Ang alam ko, bubuksan nila ang Vampire University para sa ibang tao na gustong makisama rito, iyong mga taong WALANG ALAM."

"Teka pero saan nila itinatapon yung mga bangkay ng mga tao?" Tanong ko kahit na may kaunting takot na nararamdaman. Tinuro niya ang punong nasa likuran namin, ang punong malaki at matanda na pero ang ganda parin ng tubo.

"Fertilizer, all of those big old trees around the university have fertilizers, at ang Fertilizers ay ang mga taong pinatay nila." Agad akong napatayo. Kaya pala ang lamig ng hangin sa punong ito.

"Nila? Hindi ka kasama?"

"It's just. . .an accident, yes kasama kami noon pati si. . .Mr.Montereal pero isa lang naman dahil kung hindi namin ginawa iyon ay baka wala kami siguro sa paningin mo ngayon." Paliwanag niya.

"Huwag niyo nang gagawin iyon Ethan, hindi naman ako natatakot kung galawin niyo ako, ang hindi katanggap-tanggap ay ang gawin niyo sa ibang tao. Wala silang alam." Umupo uli ako sa tabi niya. Yumakap sa akin si Ethan, hindi ako makagalaw sa gulat, baka makita kami ni Harry.

"Don't worry Hera, mararamdaman ko naman kung nandyan si Mr.Montereal." Isinubsob niya pa mukha niya sa leeg ko kaya medyo nakiliti ako

"A- ah Ethan ano k-kasi..."

"You smell good Hera." Nangilabot ako kaya napalayo ako sa kanya. Tumawa lang siya ng malakas. "Ikaw talaga, joke lang Hera." Tawa pa niya. Parehas talaga sila ni Harry. Tsk. tsk.

"We're not the same baby, madali ka lang talagang maloko," sambit niya saka muling tumawa. Sige lang tumawa ka Ethan. Kanina niya pa binabasa ang inosente kong utak.

"Hera, ano pang ginagawa mo rito?" Bakit ba kailangan nakikita ko ang babaeng ito?

"Sheriaa right?" tanong ni Ethan sa kanya. "Hi, I'm Ethan" ngumiti pa ito. At nagngitian na nga sila. Mukhang pumapag-ibig yata si new friend pero dapat hindi dito sa malanding ito. I don't like her.

Habang naguusap ang dalawa ay panay din ang isip ko kay Harry, hindi ko na siya nakita, paano ako uuwi ngayon niyan?

"Ah Ethan p'wede bang ihatid mo nalang ako sa amin, mukhang wala si Harry eh." Pagpuputol ko sa kanilang dalawa.

"Why not baby, tara na?" Tumayo na ako at sinundan lang siya hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya. Hindi na ako nagpaalam pa kay Sheriaa cause I don't like her, biro lang.

"Baby ka diyan." Tumawa lang ito ng mahina.

"Tomorrow is the second day of Foundation week, they dismiss earlier the classes today for the preparation." Huling sambit ni Ethan nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya.

Published: May 12, 2017

Revised: June 27, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon