CHAPTER 17:

1.3K 39 0
                                    


-Hera's Point of View-

"Bye, salamat sa paghatid." Nakaharap ako sa gilid ng kotse niya. Nakauwi naman ako kaso naiinis dahil nakarating na ako lahat pero wala parin siya!

"Its okay baby. And by the way, you look disgusted, don't be afraid I think he will be busy for this week." Makahuluhgang sambit ni Ethan. "So. . .I have to go, take care Hera," dagdag pa niya at nag-flying kiss pa. Pinagmasdan ko lang ang pag-alis niya bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Hindi muna ako nagbihis, umupo lang ako sa sofa nag-aalala na ako sa kanya. Saan ba kasi nagpunta ang lalaking iyon? Hatinggabi na pala baka kung anong nangyari doon.

'Malakas naman 'yon eh'

Naghintay ako ng isang oras, ala una na ng madaling-araw pero wala paring nagpapakitang Harry. Nahiga na ako sa sofa dahil nagbabadya na ang aking mga mata. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nagtulog-tulugan ako hanggang sa maramdaman kong papalapit na siya sa akin. Bigla akong umupo at walang ganang tumingin sa kanya.

"H-Hera?"

"Saan ka galing?" tanong ko habang naka-crossed arm at titig na titig sa mga mata niya.

"Sandali. Hindi ba dapat nasa school ka, anong ginagawa mo dito, sweety?" Aba at binaliktad pa talaga ako. What? hindi niya ba alam na maaga kaming pinauwi? Akala ko ba may alam siya kasi siya ang may hawak ng school?

"So. . .hindi mo alam?" Kumunot ang noo niya.

"Galing ako kay Dad, bakit ang aga mo umuwi." Lumapit pa siya saka hinawakan ang dalawa kong braso. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Kawawa naman ang bampirang ito, walang kaalam-alam.

"What?" iritang tanong niya, nabasa niya siguro ang nasa isip ko.

"Hindi mo alam na may Foundation Week?"

"What?! who the hell allow that event?!" Galit na ang tono nito.

"Akala ko ikaw, basta ang sinabi sa amin ay ngayon na ang simula," mahinahon kong sagot sa kanya.

"The fuck! Si Dad ang may plano nito, I don't know why he allow it again!" Sa sobrang galit niya ay nagsimula na ring mamula ang kanyang mga mata. " I feel tricked by my father, a dodger," huling sambit nito. Sobrang higpit na ng mga kamay niya mula sa pagkakakuyom.

"Naikwento na sa akin ni Ethan ang nangyari rati sa event na sinasabi mo." Napalingon siya sa akin, mga mata'y normal na, para siyang biglang natakot.

"A-ah He-"

"It's okay naiintindihan ko ang nagawa niyo," sabi ko. Pinag-aalala niya siguro ang mga ginawa nila noon nina Ethan. "Pero sana huwag niyo na ulit gawin iyon." Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Mukhang mamamatay ako sa yakap.

"I think you should stay here for a week, palipasin muna natin ang Foundation week bago ka uli pumasok." Humiwalay ako sa kanya.

"No,"

"Hera!"

"I said no. Paano kung gawin mo muli iyon? Gusto ko makasiguro." Hindi ako makapapayag na maiwan lang dito. Gusto kong malaman ang mga mangyayari.

"Hera please. . ." Nagkatitigan pa kami at tila may tumutulak sa isipan ko na sumunod na lang pero ayaw ko. "Change that mindset! Just listen to me and follow, I don't want to lose you, so please." Pakiusap niya muli.

"Hindi ba pumapatay lang sa last day ng Foundation Day? Promise hindi ako mapapahamak, hindi rin ako papasok ng last day para hindi ka na mag-alala." Huling hirit ko pa sa kanya.

"Keep your promise, sweety." Tumango lang ako. Sana nga. Hindi ko pa naman ma-control ang pangingialam ko.

"Matulog ka na, mukhang hinintay mo pa talaga ako, it's like you're my wife," natatawa niyang sambit. Hinampas ko siya sa dibdib, nakakainis ngayon ko lang nakita na ganoon na pala ako sa paningin niya. "You are too beautiful to be my wife," muling pangbobola niya pa.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now