CHAPTER 14:

1.6K 48 0
                                    


-Mary's Point of View-

Narinig kong lahat.

Narinig ko lahat nang pag-amin nilang dalawa sa isa't isa, alam kong alam na ni Master ito, ang ama ni Master Harry.

Magandang balita at pagkakataon ito para sa aming mga vampire huntress. Alam namin ng pinsan kong si Lady Vhyl na mali ang pinaplano namin ng kapatid niya, pero ngayon ay may dahilan na kami para gumanti.

Dahil na rin sa tago ang angkan namin, hindi nila alam kung sino ang mga kasapi nito, ang alam lang ng mga stupidong bampira ay may nakatadhana para patayin sila at iyon ay kami, Vampire Huntresses.

Ni isa sa mga bampira ay walang nakakikilala sa bawat miyembro namin.

Hinintay kong makatulog si Hera at si Master Harry, ngayong nandito si Hera ay palagi na itong natutulog tuwing umaga. Dali-dali akong pumanhik palabas ng bahay at tinungo ang lugar ng mga tao, kung nasaan ang aming angkan ay nabubuhay. Nagbigay galang ako nang papasukin ako ng isa sa mga taga-bantay.

"Ano at narito ka Mary?" Halata sa kanyang boses ang pagkagulat.

"Narito ako upang ibatid na si Master Harry ay nahulog na ang loob sa mortal na babae," makahulugan kong tugon.

"Paano mo nasabi?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Kani-kanina lang ay umamin sila sa isa't isa, at kapwa ngayo'y masaya." Hindi ko makita kung ano ang reaksyon ng pinsan ko sa balita ko pero alam kong natutuwa siya ngayon.

"That's the great news I've ever heard! Fresh from you, my cousin." Tumayo na ako at nilisan ang lugar.

Patawad Hera, alam kong napalapit ka narin sa akin ng kahit kaunti, pero kailangan namin gawin ito. . .sa pamamagitan mo. Hindi ko na alam ang susunod pang iuutos ng pinsan ko dahil agad akong umalis.

Aaminin kong tinakot ako ng konsensya ko kaya umalis ako kaagad. Ngayon ay sisira uli kami ng relasyon ng tunay na nag-iibigan para lamang makaganti at para narin sa kagustuhan ng pinsan ko.

~*~

-Hera's Point of View-

Nagising ako na masakit ang ulo, dahil narin nasasanay na akong matulog ng 3:00 am at magigising ng 7:00 ng umaga halos ilang oras lang ang tulog ko. Nakakainis lang dahil lagi akong nagigising ng ganung oras.

Tumayo ako at nag-inat-inat saka napagpasyahang bumaba para kumain. Mamaya ko na lang siguro itutuloy pagtulog ko.

"Master h'wag na po." Rinig kong boses ni Mary. Gumilid ako at nagtago sa isang malaking vase na may halaman sa tabing-pinto.

"It's okay please, kahit ngayon lang." Rinig ko namang sagot ni Harry. Kununot ang noo ko sa mga naririnig ko. Hindi naman sa medyo green ang utak pero parang malapit na do'n eh. Nagpatuloy lang ako sa pagkinig.

"Master Harry h'wag po dyan!"

"Saan ba kasi!"

"Master Harry!" sigaw ni Mary

Naiiyak naman ako sa mga naririnig ko, baka naabot na nila ang langit! Ano ba namang pag-iisip 'to!

"What!" Iritado parin ang tono nito.

"SUNOG!"

H-Huh? Anong sunog!

Agad akong pumasok sa kusina at nakita si Harry na naka-apron at tulala. Ang cute niya dahil sa apron.

"G-gising ka na pala!" utal-utal pa na sambit niya.

Nahagip kaagad ng mata ko ang umuusok na frying pan na nakasalang sa stove. Agad ko itong pinuntahan saka binuhusan ng tubig at pinatay ang stove. "Ano bang ginagawa niyo? At bakit ka nakasuot ng ganyan? At ikaw Mary bakit ka sumisigaw?" Pilit kong pinipigilan ang galit ko, binagalan ko lang ang paghinga ko, sana mali ang hinala ko.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now