CHAPTER TWO

3.2K 65 0
                                    

CHAPTER TWO.

I woke up because of a nightmare. Grabe ang panaginip na yun a! I wasn't able to see things clearly. Hindi ko gaanong makita dahil sa medyo malabo at puro fog lang ang nakikita ko pero alam kong nakakatakot ang nangyaring iyon sa panaginip ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at inalala pa ang masamang panaginip. Huminga ako ng malalim. Mas malalim pa sa balon.

Breath in, breath out.

Teka, bakit parang sobrang bigat naman yata ng tiyan ko? Hinanap kaagad ng paningin ko kung ano ang nakapatong sa tiyan ko. Kumunot ang noo ko at napako ang tingin sa katabi ko na ngayon ay naka-topless at nakayakap pa sa akin!

"Waaaaahhhh!" Sigaw ko na halos wala ng bukas at daig pa ang may nakapasok na magnanakaw. Tinodo ko talaga ang pagsigaw para mabingi, este marinig niya.

Napabalikwas siya dahil sa sigaw ko. Sino ba naman ang 'di magugulat sa gano'n? Nakita ko pang pumula ang mga mata niya at halatang iritang-irita sa ginawa kong pagsigaw.

"What?!" Sinigawan niya rin ako bilang ganti. Kasabay nang padabog niyang pagkamot. Papikit pikit pa siyang tumingin sa akin ng masama.

Aba! Siya pa ang may ganang tumingin ng masama a?

Panandaliang naakit ako sa kung anong meron sa tiyan niya, perfectly toned abs to be specific. "Bakit nakahubad ka! Anong ginawa mo!" Sigaw ko pa habang ang isang kamay ko ay itinuturo siya at ang isa naman ay kinuha ang kumot at pinantakip sa katawan ko.

Kahit ramdam kong may damit pa talaga ako sa loob...Huwag ka ngang assuming Hera, walang nangyari sayo! Aminin mo. Walang masakit? At lalong hindi ka nakahubad!

"I'm sorry. I'm always like this whenever I sleep." Cool lang siyang sumagot habang ginugulo ang kanyang buhok. Binigyan niya lang ako ng isang tingin na nakakairita para sa akin.

Nakahinga na ako ng maluwag. Atleast WALANG NANGYARI period.

Tinignan ko lang din siya. Pero sa halip na sa mata niya ako tumingin, ay nalipat na naman sa bandang abdomen niya ang atensyon ko. Naaakit ako sa abs niya jusmiyo! Inilayo ko na ang tingin sa katawan niya nang mahalata kong ngumisi na siya. Naku, baka nahuli na naman niya akong nakatunganga sa abs niya.

"Do you want me to do that?" He said while grinning.

At saan naman niya nakuha ang ideyang 'yan?

Punyeta, kailangan ko na yatang magtabi ng kutsilyo tuwing gabi ah. Yung ngisi kasi niyang mas lalo pang lumawak at unti-unti pa siyang lumalapit sa akin. At nagbigay pa sa akin ng kakaibang takot.  Parang nawala na ang kaunting tapang na itinabi ko.

"No, ayoko." Diretso kong sagot sa kanya na nagpatawa sa kanya ng mahina. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?

Ah, I knew it! Baka iniisip niyang pakipot ako, kunwari ayaw pero gusto pala? Hello, kahit nakakaakit na para sakin ang katawan niya, eh hindi parin ako magpapaubaya noh!

"Why?"

Hindi ko siya sinagot. But then, one question popped up on my mind, "Pwede ba? Lumipat ako ng kwarto, tutal sa 'yo naman pala ito." Pakiusap ko sa kanya.

Hindi na siya nakasagot pa nang may kumatok.

"My Lady, nakahanda na po ang agahan," sigaw ni Mary mula sa labas ng kwarto.

"Ah sige bababa na ako," sigaw ko rin bilang tugon.

Wait, bakit ako lang ang tinawag ni Mary sa halip na si Harry? Siguro may sariling kwarto 'tong si Harry kaya hindi alam ni Mary na nandito itong lalaking ito. Eh, bakit siya nandito kung kwarto ko pala ito?

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon