Chapter 1

5.9K 54 4
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Ako si Andrea Chevrolet Vergara. Mataray pero mabait din naman.

Mayaman pero hindi matapobre.

Palangiti pero mainitin ang ulo.

Madaming kaibigan, pero iilan lang ang mapagkakatiwalaan.

Palaaway at hindi nagpapatalo.

Matalino pero hindi mayabang.

"Hooooooy babaita! Ano na naman ba iniisip mo ha? Ay teka! Hindi! Sino na naman ang iniisip mo?!", sigaw sakin ng bestfriend ko

"Shut up Hyrie. Malamang sa malamang, si Grae na naman yan. 'Di ka pa ba nasanay?", sabat naman ni Messyne

"Errr. Hanggang ngayon ba, yung lalaking 'yon pa din ang gusto mo? Oh c'mon! Kelan mo ba balak mag-move on?", taas kilay na tanong ni Hyrie

"Never", nakangiting sagot ko

Nagkatinginan silang dalawa tapos sabay silang umirap.

Well, kung mataray ako, ganyan din silang dalawa. Mas mataray nga lang ako at mas palaaway.

"You've been chasing him for almost 5 years Andy. Hindi ka pa ba nagsasawa?", tanong ni Messyne

Umiling-iling ako at ngumiti sa kanila. Tapos sabay silang napabuntong-hininga ni Hyrie.

"Bakit ako mapapagod? Siya nga hindi napagod sakin nung mga panahong pinagtatabuyan ko siya", sagot ko

"Pero magka-iba kayo ng sitwasyon Andy! Gusto niyang makipagkaibigan sayo noon! Pero ikaw, you want more than that!", sigaw sakin ni Hyrie

Sakit naman.

Kailangan pa ipamukha sakin na kaibigan lang ang habol niya sakin noon, at ako gusto ko ng more than friends pero walang pag-asa?

Nakakahurt ha.

"Because I want to know the reason guys. Yung rason ng pagdurusa ko for five years. Five years ko na siyang hinahabol at five years na rin niya kong pinagtatabuyan. Pero sa loob ng five years na yun, wala akong nakuha ni isang rason", sagot ko

"Exactly our point! Wala kang nakuha, wala kang napala. Pero nandiyan ka pa rin at nagpapatuloy sa pagpapakatanga", inis na sabi ni Messyne

"Can't you just support me guys? Kahit ito na lang, ibalato niyo na sakin 'to", malungkot kong sabi

Aaminin ko, magkakasundo kami sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa kanya nagkakaganito kami. They don't want him for me. Pero anong magagawa ko? Siya ang gusto ko. Siya lang talaga ang gusto ng puso ko.

Kesyo madami naman daw iba diyang nagkakagusto sakin. Yung hindi ako ipagtatabuyan. Hindi ako sasaktan. Hindi ako papaiyakin. Hindi yung ginagawa niya sakin.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon